CHAPTER 20

35 8 15
                                    

HINDI ko inasahan na mag-o-open up sa akin ang mama ni Yluj. It was hard to think that a beautiful and elegant woman like her... may lihim na pinagdaraanan din pala. She told me how she loves Yluj's father. Pero dahil may tradisyon ang pamilya nilang sinusunod, pilit silang pinaghiwalay.

At first, Madam Yumi protested, yet her families' tradition was formidable. Kaya wala siyang ibang nagawa, kundi ang layuan ang lalaking minamahal niya. However, she promised to herself that she won't let that happen to her son, Yluj, her unico hijo. But our love would be strong enough to fight for their tradition?

I hope so. As if na kami talaga ang para sa isa't isa hanggang sa huli, hindi ba? Well, wala namang mali na umasa. Bakit ba?

Natigil lang kaming dalawa ni Madam Yumi sa pagkikuwentuhan nang biglang pumasok si Yluj sa kusina. Agad siyang tumalikod at mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi, saka siya humarap sa anak na may ngiti na sa labi.

She chuckled a bit. "I like this girl for you, son. Hindi lang siya maganda, masipag at mabait pa."

Kumunot ang noo ni Yluj, hindi makuha ang gustong sabihin ng kanyang ina.

Marahan akong humalakhak at tinapos ang pagpupunas sa mga utensils na hinugasan. "H-hindi naman po, Madam Yumi. Nakita ko lang talaga kaya hinugasan ko na---"

"I said call me 'tita', Hija." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. "My son loves you. At sa pagkakakilala ko sa batang ito... it will last. Minsan lang 'yan ma-in love, pero malala."

"Okasan!" may bahid nang pagkakapahiyang sinabi ni Yluj, lumapit siya sa amin at saglit na niyakap ang ina. "You should rest. Kakagaling mo lang sa flight at dumiretso ka pa sa restaurant natin."

Restaurant nila? It means... sa kanila iyong magarang gusali na iyon? Pakshet! Mayaman nga silang tunay.

"But I am not tired, Hijo." May ngisi sa labing bumaling sa akin si Tita Yumi, naniningkit ang mga mata. "Jissai, watashi wa kanojo ni tsuite motto shiritaidesu. Kanojo wa totemo kireide shinsetsudesu. Watashi wa anata no haigūsha to kizuna o kizuku koto ga dekiru yō ni naritaidesu."

"Mom!"

Pinamulahan ng mga pisngi si Yluj. Medyo nagtaka ako kung bakit? Marahan niyang itinulak palabas ng kusina ang ina, naiiskandalo sa malakas at mapanuksong halakhak nito.

I sighed in relief when they have gone. Pero saglit lang iyon nang agad na bumalik si Yluj. My heart skipped a beat at his sudden move. Taas-baba ang kanyang mga kilay na lumapit sa akin at may mapaglarong ngisi na nagtungo sa may fridge para kuhanin ang susi ng kanyang kotse.

Namilog nang husto ang mga mata ko nang bahagya niya akong ma-corner. Nakataas ang kanyang kaliwang kamay para abutin sa itaas ng fridge ang susi at habang ang kaliwa, nakahawak sa gilid na humaharang sa katawan ko.

"It is already six, I will drive you home."

Napakurap ako at napalunok. "H-hala. Paano si Joan at Sophia?"

"Nakauwi na sila kanina pa."

He crouched and leaned forward on me. "Why are you so pale, Imouto? Are you nervous?" he whispered huskily.

"H-hindi!" kasabay ng malakas na pagpintig ng puso ko saka marahan na inalis ang braso niyang nakaharang. "T-tara na. Baka hinahanap na ako sa bahay."

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now