CHAPTER 14

46 7 14
                                    

HIS WEIRD accent irritated me. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kasagwa ang paraan ng pananalita niya. Iyong boses niya, hindi ganoon kababa at kataas pero naging katunog ng isang bata. Saka isa siyang Pinoy, kalahati nga lang pero hindi pa siya nakakain ng Adobo? Seriously?

Naiiskandalo sa sinabi niya, agad akong pinag-initan ng mga pisngi at maraming beses na kumurap.

“Ano?! Naghalikan na kayo?” gulantang na tanong ni Yiel na napatayo sa kaniyang kinauupuan.

Umiling ako. “H-hindi—”

“It was just an accident. Natumba ako, she trying to help me out but she’s so weak. Kaya bumagsak siya sa katawan ko… a-and our lips met unintentionally,” Yluj told them the truth but it seems that they didn’t bought his explanation, specially Sophia as she giggled silently on her seats.

Nanlalaki ang mga mata ko, hindi makapaniwalang nasabi niya iyon sa kanila. Well, even Sophia has a ghost of surprise at his statement. Bahagyang nakaawang ang mga labi kong bumaling sa kaniya at halos matuyuan ako ng lalamunan dahil sa matinding init na nararamdaman.

At the side of my eyes, I saw Sophia shrugged her shoulders. Medyo nagulat lang siya sa sinabi ni Yluj pero parang inasahan niya nang mangyari iyon sa amin. Nga lang, parang hindi niya inasahan na sasabihin iyon ng kaniyang pinsan ngayon. Like Yluj is a kind of torpe. However, I doubted it. Nagawa niya ngang mag-confess at sabihin sa mga co-candidate ang nararamdaman niya para sa akin nang ganoon kadali.

“Kath, tell us the truth. Kayo na ba ni Yluj?”

“Hindi,” agad kong tugon, hindi makatingin sa kanila nang diretso at lumunok.

“Lie. Hindi ‘yan ang gusto kong sabihin, Joan. As I’ve said, it was just pure an accident.”

“Hindi kaya…” Yiel trailed off. Wala sa sariling naupo siya ulit, malalim ang iniisip. “Nangyari ‘yong nabasa ko sa novels sa inyong dalawa sa mall? Ibig sabihin… soulmate kayong dalawa!”

“What happened at the mall ba kasi?” Joan interrogated, there’s a hint of curiosity in her soft and innocent voice.

Napailing si Sophia at napangisi. Ako? Ni hindi na makasabay sa pag-uusap. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko makuha ang tamang mga salita sa dila ko. And my chest hurts as the loud beat of my heart worsened. Ano ba kasi itong napasukan ko? Tsk!

Mapaglarong napangisi si Yiel sabay tingin sa akin. “Natumba kasi si Yluj…” kaswal niyang sinabi.

“And then—”

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Joan at nagkukumahog na pinulot ang mga pinagkainan kahit halos wala namang bawas ang kanin ko. “Tapos na ako. Mauna na ako sa inyo, ha?”

“Nagmamadali ka, Kath? Anong oras ba ang rehearsal ninyo?” sabay tingin ni Yiel sa kay Yluj na nanahimik sa paglantak ng pagkain.

Tumayo ako at tinapon ang paper plates sa trashcan na nasa gilid ng kiosk. “Ala-una. Pero ngayong hapon, wala kaming rehearsal. Kailangan daw naming mag-practice para sa talent portion.”

“Talent portion?” Sophia asked, I nodded as an answer. “Hala! ‘Wag na lang kaya tayong pumasok? Let’s practice them with their talents? What can you say, Joan and Yiel?”

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now