CHAPTER 21

38 7 11
                                    

NAGPAULIT-ULIT sa isipan ko ang mga sinabi ni mama kagabi. Halos hindi ako nakatulog sa sobrang kakaisip sa gagawin. Well, wala namang masama kong ita-try ko, hindi ba? Wala namang mawawala. Natitiyak ko rin na hindi ako sasaktan ni Yluj. He's very vocal about his feeling towards me. And like his mother, I am trusting him too.

Bumuntong-hininga ako. Heto, nasa kotse na ako ni Yluj, maaga niya akong sinundo sa bahay. Buo na sana ang desisyon sa gagawin. Pero dahil sa usapan kagabi, parang naglaho yata ang lakas ng loob ko at nagdalawang isip kung tama ba na maging kami ni Yluj.

Because half of my mind was worried. Though, I am trusting him... hindi ko maiwasang maikumpara siya kay Justine. Katherine! Hindi nga sila pareho. Iba siya, iba si Justine. Iyon lang ang isipin mo. Hays.

"Kanina ka pa tahimik, Imouto?"

Napakurap ako at napabaling sa malaking gusaling nasa gilid. Hindi ko napansin na nasa gymnasium na pala kami. Napatitig ako sa puting pader, iniisip kung dapat ko na bang sagutin siya o hindi. Well, handa ako. Handa na ako. Pero hindi ko alam kung bakit may parte sa loob ko ang ayaw. Si mama kasi. Tsk!

"Are you alright?" nag-aalala na niyang tanong.

Malalim akong huminga at tiningnan ang malambot niyang kamay sa balikat ko. "Oo."

"Hontoni?"

Tumango ako kahit hindi ko naman talaga naintindihan.

"C'mon?"

Tumango ulit ako. Pero bigla ko na lang naisip na paano kung ito na iyong huling pagkakataon ko para sabihin sa kanya, para sagutin siya? Katherine, maging malakas ka naman. Huwag kang duwag! Okay. Breathe in, breathe out. Kaya mo iyan.

"Ahm... Y-Yluj!"

Nilingon niya ako. Pero hindi tulad kahapon, kumislap ang mga mata niya na para bang alam na niya kung anong sasabihin ko.

"K-kasi..."

He smiled and reached my sweaty hands. "It's alright, Imouto. If you're not really ready, don't push your self, okay? I can wait. Wala naman sa akin kung gaano ako katagal maghihintay."

I bit my lower lip when my eyes dropped on his.

"I am very sure with you, Imouto. I am willing to wait. Really. Pasasakalan kita..."

Napakurap ako. "Ano?"

"Pasasakalan," he said confidently.

I bursted in laughter. "Pakakasalan yata?"

"Ah, that's it." Shyly, he looked away along with his blushing cheeks.

Tinanggal ko ang seatbelt saka siya tinapik. "Tara na nga."

Nakasunod naman kaagad si Yluj sa akin.

The whole week, we got busy preparing for the pageant. Halos hindi ko nga napansin ang bilis ng paglipas ng mga araw. Siguro ganoon talaga kapag may malaking ganap ang darating. Na para bang pisi at hinihila ng tren ang araw. And boomed, bigla ka na lang magigising na iyon na, iyon na iyong araw na hinihintay mo... and at the same time... kinakatakutan mo.

Bago pa man dumating ang araw na iyon, nasa ayos na ang lahat. Iyong mga gown na gagamitin ko, costume, sandals, makeup at kung anu-ano pa. Hinanda iyon nina Yiel, Joan, at Sophia. Nakakatuwa nga na sa sobrang abala namin, nagkaroon pa rin kami ng oras para mag-bonding.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now