CHAPTER 17

37 7 7
                                    

THE COOKIES were great. Halos ako nga lang ang makaubos ng gawa namin. Well, siya lang kasi ang naitulong ko ay ang tumitig sa kanyang mukha habang ginagawa iyong cookies. His cuteness was irresistible. Oo, aaminin ko na. Kilig na kilig ako sa tuwing ngingiti, kikindat at magpapa-cute siya sa akin. At sobrang saya ko dahil sa wakas ay binigyan ko iyong sarili ko ng pagkakataon para sumaya, magmahal at magtiwalang muli.

Magtitiwala at aasa ako na baka si Yluj na nga iyong lalaking tinadhana at tatanggap sa buong ako.

Sana...

Tears fell down my cheeks. At agad kong pinalis iyon pero nakita rin naman agad ni Yluj.

"Why are you crying, Imouto?" he asked worriedly as he put down the bowl of cookies in the glass table and tried to touch my cheeks.

Napangiti ako saka umiling. "W-wala. Ang sarap lang kasi nitong cookies mo. Hindi nagbago iyong lasa. Tulad pa rin noong Sabado," sabay singhap ko.

"Are you really sure?"

Tumango ako at saka inubos ang cookies na hawak. "Oo. Practice?"

He smiled and nodded. Kinuha ni Yluj ang gitara matapos iabot sa akin ang orange juice kahit may pagdududa sa kaniyang mukha.

I smiled to reassure him.

Isang pagkanta pa ang ginawa namin ni Yluj. And as the sun goes down, I wish I could stop the time from fastly passing by. Dahil sa mga oras na iyon ay kakaibang sigla ang naidulot sa akin ni Yluj. Siglang matagal ko nang kinalimutan simula noong araw na iyon... ang araw kung saan hinusgahan ako ng sanlibutan.

"Can I go inside and greet mother-in-law?"

"M-mother-in-law?!"

Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Well, kaya ko namang umuwi at mag-commute mag-isa tulad ng sabi ko sa kanya kanina. Pero sobrang kulit! Kesyo raw gabi na, eh mag-a-alas sais pa lang naman. Yes, medyo madilim na sa daan pero sa aga ba naman na ito, as if na may tatangka sa buhay ko?

Wala pa akong nababalitaan na may tinangkang patayin sa ganito kaaga sa probinsiya. Oo, hindi perpekto ang isla pagdating sa mga krimen pero at least hindi naman ganoon kalala, hindi tulad sa Manila.

"Anata no okāsan."

Kumunot ang noo ko. "Anata no okasalan?"

He laughed. “It's okāsan. Your mother. And... will be my mother too soon."

I rolled my eyes.

He smirked and then winked.

Agad akong pinag-initan ng mga pisngi. "Pakshet!"

Naiwasan niya ang paghampas ko kaya tumama ang kamay ko sa headboard ng upuan niya.

He giggled.

"Aray!"

Agad siyang sumeryoso at nag-aalalang tiningnan ang kamay kong nasaktan. Well, hindi naman talaga masakit. Sinadya ko lang na umimpit para ilapit niya sa akin ang kanyang mukha, na ginawa niya nga.

"Are you all right---ouch!"

Binatukan ko. Ako naman ang tumawa dahil sa sobrang pagkalukot ng mukha niya sa ginawa ko. Well, 'buti nga sa iyo! Tsk!

Why Can't It Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon