CHAPTER 9

51 10 16
                                    

UMUWI AKO nang mag-isa na bagsak ang mga balikat. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa mga nakita at narinig ko Yluj at Julene. Alam ko na may special nga sa turingan nilang dalawa… noon. Pero ngayon, ramdam ko iyong sakit na dinadala ni Yluj sa pagsigaw niya kay Julene. But Julene seems didn’t care at all.

“Baby, kakauwi mo pa lang?”

Naabutan ko si Mama sa salas, nanonood ng drama. Hindi ko siya sinagot, diretso lamang ang lakad paakyat ng hagdan. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap. Ang gusto ko lang ay ang magpahinga na. Itulog kung anuman ang nararamdaman ko.

Baka dahil sa sobrang pagbibigay ko ng meaning sa mga ginawa ni Yluj, akala ko ay apektado na rin ako sa kung anong nararamdaman niya. Na hindi naman dapat dahil isa siyang seksing butiki—scratch that! What I mean is pesting butiki pala!

Dapat mainis ako sa kaniya kasi nang dahil sa kaniya, napahiya na naman ako. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ako sa letcheng rehearsal na iyan. Hindi sana ako kasali sa pageant dahil hindi naman talaga ako nararapat na kasali roon.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Mama na ngayon ay nakasunod na sa akin.

Huminto ako at bumuntong-hininga bago ko siya hinarap. “Wala po akong gana.”

“Si Papa mo, hindi pa rin naghahapunan. Sabay na kayo. Lumabas lang siya saglit dahil bumili ng ulam ninyo.”

Napapikit ako at malalim na huminga. Hindi ko gustong bastusin siya, pero ayoko ng pinipilit ako at paulit-ulit. Yes, mama knows that. Pero kasi, parang hindi niya maintindihan iyon.

“Hindi po ako gutom,” mariin kong sinabi saka siya tinalikuran.

She sighed. Hindi ko na nilingon dahil ayokong pahabain pa ang usapan at baka lalo ko lang siyang mabastos.

“Oh? Katherine, ginabi ka yata?”

Kalalabas lang ni Kuya Chris sa kuwarto niya. Wala siyang saplot pang-itaas at yakap-yakap si Chesa, ang itim naming pusa.

“Rehearsal,” tipid kong sagot habang pinipihit ko ang doorknob ng aking kuwarto.

“Rehearsal?”

“Para sa pageant.”

“Pageant?”

Inirapan ko siya. “Para sa school fest. Can I go now, Kuya? Pagod ako.”

Tipid siyang ngumiti at tumango. Inirapan ko na lang siya saka ako tuluyan nang pumasok sa loob ng silid.

Maaga akong pumasok kinabukasan. Gagawa kasi ako ng homework sa Science na kailangan ng book reference. I was about to enter the library when someone called me.

Kumunot ang noo kong hinanap kung sino man iyong tumawag. At nang walang makitang tao sa corridor, naiiling na lang akong pumasok sa loob.

“Kath!” Yiel called me.

But Mrs. Tanteco, the librarian, already hushed her.

Napangiti si Yiel at binigyan siya ng peace sign. Naiiling na lang akong lumapit sa mesa kung nasaan siya.

“Nabalitaan ko ‘yong nangyari kahapon sa practice ninyo,” bulong niya nang makaupo ako.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now