CHAPTER 25

64 7 17
                                    

NAGING bulung-bulungan sa buong campus ang biglaang pagkakaroon ng relasyon nina Yluj and Julene. Everyone was shocked. Inakala kasi nila na ako ang nililigawan ni Yluj. Well, maging ako rin naman ay nagulat. Though, after what had happened last Friday... inasahan ko ng titigil na sa panliligaw si Yluj sa akin.

I was walking in the hallways. Nakayuko ako at pilit hindi iniinda ang talim ng mga tingin ng mga naroon. Oo, pinag-uusapan nila sina Yluj at Julene pero nang makita nila ako, sa akin na nabaling ang usap-usapan.

Bumuntong-hininga ako, naririnig ang tinig ni Julene nang balaan ako kahapon. Maaaring wala na nga siyang gagawin, pero dahil alam na ng lahat kung anong sikreto ang itinatago ko... para na ring may ginawa siya.

"Good girl. Now smile. Lift your head up high. Ipakita mo sa lahat na maganda ka. Inside and out..."

Malamyos na boses iyon ni Sophia nang makita niya akong umiiyak dati. Well, she's right. Matagal ko nang na-realize iyon pero dahil sa simpleng problemang ito, parang nakalimutan ko yata iyon. I am beautiful inside and out. And I know deep down myself that I am a woman. A real woman. Biogically. At hindi isang transgender.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ngumiti. At taas-noong nilagpasan silang lahat. Walang mangyayari sa akin kung palagi akong natatakot na harapin ang katotohanan. Oo, operada ako. But it doesn't mean that I am not a woman. Iyon ang kailangan nilang makita, na kahit kailan ay hindi ako maaapektuhan ng issue na ito tungkol sa pagkatao ko.

Ngumiti ako nang magsipagsinghapan ang mga babae. Kunot-noo nila akong tiningnan at ang iba ay halos lumuwa na ang mga mata sa kakaikot.

I heard the laughter from the boys. Pero mas tinatagan ko ang ngiti ko sa labi. Na para bang bingi ako at hindi sila naririnig. Na bulag ako at hindi sila nakikita. Pakshet. Kaunti na lang, Kath. Huwag kang papaapekto sa kanila. Hindi nila alam ang totoo kaya balewala ang pangungutya nila.

Kaunti na lang, makakaalis na sana ako sa hallway na iyon at liliko na sa may library. But someone blocked my way. Natigil ako at tiningnan ang lalaking ngingisi-ngising nakatayo sa harap ko.

"Bakit? Anong sa atin?" tanong ko na para bang hindi ko alam kung anong pakay niya.

Mas nilaparan ko ang ngiti ko, pero ang damuho, humagalpak lamang sa pagtawa.

"Eh, babae naman talaga ito, mga par! Tama ba ang tsimis na nakalap niyo?" sabay baling niya sa mga kasama.

Sabi ko na nga ba, eh. Naging maayos na ang buhay ko sa SAVS simula nang maghiwalay kami ni Justine. Pero ni minsan, walang nagtangkang lumapit sa akin kahit mga babae pa. Well, maliban sa mga nakasama ko sa Mister and Miss SAVS at iilang kaklase.

"Paolo! Tama na nga!" Lumapit sa amin si Valerie at tipid akong nginitian. "Pasensiya ka na, Kath. May sa walang hiya lang talaga itong ungas na ito."

"Bakit?" maang na sinabi ni Paolo. "Gusto ko lang naman na siguruhin na tama nga ang tsismis-"

"So, ngayon na nakita mo na nang harap-harapan si Kath... what do you think so?" Tumaas ang kilay ni Valerie sa kanya.

Bahagya akong napaatras dahil parang nagkakaroon na ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Though, I was blessed that I have someone like Valerie. Na kahit nasaksihan niya ang panghuhusga sa akin ng maraming tao sa gymnasium ng gabing iyon... narito pa rin siya at handa akong ipagtanggol.

Why Can't It Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon