CHAPTER 10

70 9 8
                                    

DUMATING ANG SABADO. Mabuti na lang, hindi nakaabot sa mga teacher at admin ang gulong nangyari sa may corridor. Dahil kung hindi, dagdag kahihiyan iyon para sa akin. Ano na lang ang sasabihin nila? Na matapos ng breakup namin ni Justine ay nagiging basagulera na ako? Hindi maaari.

Pagkatapos din ng eksenang iyon, iniwasan na ako ni Yluj. Hindi ko rin alam kung bakit? Iyan tuloy, mag-isa akong pumupunta ng gymnasium. At pakiramdam ko, parang may kulang. Sanay naman akong mag-isa. Pero sa oras na naglalakad ako sa hallway, bigla akong nalulungkot.

“Katherine? Baby? Nariyan na ang mga kaibigan mo,” sigaw ni Mama sa labas ng silid ko matapos marahan na kinatok ang pinto.

Actually, kanina pa ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang kaunti. Naghihintay na lang talaga na may umakyat para katukin. Sabado kasi. At kapag ganitong araw, nasa bahay pa ang buong pamilya ko. And I didn’t want to be with them at this early.

Hindi ko sinagot si Mama. Tumahimik na rin naman, kaya nasisiguro kong nasa baba na iyon kaagad para asikasuhin ang mga kaibigan ko. Knowing her, todo asikaso iyon lalo pa na mi-minsan lang kami magkaroon ng bisita sa bahay at madalas ay si Yiel lang naman.

Bumuntong-hininga ako habang sinusuri ko ang sarili sa harap ng salamin. I am fine, though. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang hindi yata ako komportableng labasin ang mga kaibigan dahil sa suot ko.

Well, oo nga naman. Ano bang pakialam nila kung makita nilang nakasimpleng T-shirt at jeans lang ako? As if na hindi sila sanay na laging ganito ang pormahan ko kapag may labas kami nina Joan at Yiel?

Matapos isukbit ang backpack sa balikat at isuot ang itim na cap, bumaba na ako sa salas. At sa hagdanan pa lamang, parang gusto ko nang bumalik ulit sa silid ko at magpalit ng damit. Pakshet! Bakit nandito siya?

Ni hindi man lang sinabi sa akin ni Yiel na sasama pala ang seksing butiking iyon sa lakad namin! Well, pinsan nga naman siya ni Sophia. Pero hindi ko siya inaasahan na makitang sitting-pretty na nakaupo sa sofa ng bahay namin.

Take note.

Sa.

Bahay.

Namin.

Tsk!

“Kath!” Tumayo si Yiel at dali-daling lumapit sa akin. Na para bang naramdaman niya na kailangan niyang magpaliwanag sa akin.

“Oh, nariyan na pala ang anak ko. Paano? Ililigpit ko na ang mga cookies, Hijo?”

“W-wait lang po, Mother-in-law.”

Tumawa si Mama, giliw na giliw sa butiki.

Kunot ang noo, napatingin ako kay mama na sinusubuan pa si Yluj kahit na punong-puno pa ang bibig nito ng pagkain. Naiiling ako’t dumiretso nang lumakad palabas ng bahay. “Tara na.”

Maasikaso si Mama pagdating sa mga bisita. Magiliw din lalo na kay Yiel. Pero sa lalaki, tulad ni Yluj? Hindi ako makapaniwala! Paano niya hinahayaang tawagin siyang “mother-in-law” ng lalaking iyon?

As if na may papakasalan si Yluj na anak niya. Sino? Si Kuya Chris? How gross. Duh!

“Kath, hintay lang,” sabay sunod sa akin ni Yiel.

Why Can't It Be (COMPLETED)Where stories live. Discover now