CHAPTER 13

58 8 20
                                    

“ATE KATH! Juls! Magsisimula na raw tayo sabi ni Madam Ashneka!”

Ako lang ang tumingin kay Julene sa may entrada ng gymnasium. At si Yluj? Titig na titig sa akin na para bang sobrang mahalaga ng magiging sagot ko sa tanong niya.

Ngumiti ako, nakalimutan na hindi ko dapat iyon gawin lalo na sa kaniya. “Tara na. Baka pagalitan tayo ni Madam.”

Handa na akong bumalik ulit sa loob ng gymnasium. But after a few steps, Yluj caught my arm. Natigilan ako at kunot-noong napaangat ng tingin sa kaniya.

“Answer my question, please?” He croaked, almost choking the pain on his voice. His eyes glimmered with hope for my answer.

But I looked away and gulped. Julene waved as she smiled sweetly at me. Paano ko makakayang saktan ang ganiyan kaamong babae? Hindi ko magagawa. Kahit pa nagawa niya na itong saktan noon at maging hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa. Pero sino ba naman ako para alamin pa iyon, hindi ba?

Okay na sa akin na malaman na may pagtingin ako kay Yluj. And it means, tuluyan na nga akong naka-move on kay Justine. Even though I didn’t know how?

“Tell me, Imouto—”

I cut him out and let out a sigh. “Hindi kita mahal, Yluj. Sorry, pero hindi ko nakikita ang sarili ko na mahalin ka. Even in the near future,” I lied. “You’re out of my league. Maingay ka. Makulit. At medyo mayabang. Iyon ‘yong mga ayaw ko sa isang lalaki.”

Hindi siya nag-react. Sinulyapan ko siya. Mariin siyang nakapikit at parang kinakalma ang sarili sa mararahas na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magpatuloy na sa paglakad.

Hindi siya agad sumunod sa akin. Tumigil ako nang marating na kung saan nakatayo si Julene. Nginitian niya ako at saglit na sinulyapan saka natuon ulit ang mga mata niya kay Yluj.

“Juls! Baka parusahan tayo ni Madam Ashneka if we were late,” sigaw niya.

Tipid akong ngumiti nang mapatingin ulit sa akin si Julene, nagtatanong ang mga mata kung bakit magkasama kami ni Yluj sa lugar na iyon? Hindi naman siya nagtanong kaya hinayaan ko na at nauna nang pumasok sa loob.

Nagtitipon na kaming lahat sa harap ni Madam Ashneka, tama lang ang pagdating nina Julene at Yluj. And as always, may matamis at malapad na ngiting nakaukit sa labi ni Julene habang simangot naman ang kay Yluj.

Pairap akong nag-iwas ng tingin nang mag-angat sa akin ng mga mata si Yluj. Tinuon ko ang buong pansin ko sa kay Madam Ashneka na nagbibigay ng instructions ulit sa amin. Well, buo na ang desisyon kong kalimutan kung ano man itong nararamdaman ko para kay Yluj. Julene didn’t deserve to be hurt again… this time. Lalo pa kung ako ang dahilan, hindi ko yata kakayanin iyon.

Mabait, sweet, masiyahin at palakaibigan si Julene. Hindi ko yata kayang saktan ang ganoong klase ng tao at iparanas ang mga heart breaks tulad nang nangyari sa akin. Well, Yluj already did it to her many years ago. Pero iba iyong ngayon. Noon, mga bata pa lamang sila at ngayon, may isip na itong si Julene. At alam ko kung gaano kasakit ang maagawan. Lalo pa kung sobrang mahal mo iyong taong iyon.

Siguro hindi naman mangyayari kay Julene exactly iyong mga naranas ko. Iba siya, iba ako. Siya… Napailing ako nang maisip ang layo ng pagkakaiba namin. Imposible ngang mangyari sa kaniya ang mga iyon.

Bumuntong-hininga ako habang pinapanood si Madam Ashneka na pumapalakpak nang rumampa na ako mag-isa.

“Iba ka talaga, Garcia! Perfecto! Ang galing mong maglakad. Para ka nang pro bruha ka!”

Why Can't It Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon