CHAPTER 11

56 9 14
                                    


TUMIGIL ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinigop yata ng singkit na mga mata ni Yluj ang buong pansin ko at sa kaniya na lamang natuon. Yes, this isn’t the first time that I’ve got closer to a man’s face, but it seems that this was my first.

Umabot hanggang tainga ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Nagkakalapit naman kami noon ni Justine sa isa’t isa, pero hindi ako kinabahan nang ganito kalala.

His eyes dropped on my lips. I swallowed hard when he bit his lower lip and looked into my eyes drunkily. As if na hindi pa nagkadikit ang mga labi namin kanina. Daplis lang iyon, pero I considered it as a kiss.

“Kath? Couz? What are you two doing?”

Pinag-initan ng mga pisngi, nagkukumahog akong bumangon mula sa pagkakadapa ko sa…

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng mga kamay sa bibig kong bumukas, naibaba ko rin agad upang magpaliwanag sa kaniya.

“W-wala,” sabay iling ko. “Kasi natumba si Yluj… nasama ako kaya bumagsak ako sa… sa p-patpatin niyang katawan.”

Naningkit ang almond na mga mata ni Sophia dahil sa sagot ko. Nang-iintrigang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Yluj. Napahawak ako sa labi ko. Masiyado ba akong defensive?

“Oh? Anong nangyayari dito?” tanong ni Yiel na kararating pa lang.

Sophia smiled and shook her head. “Nothing. Itong Couz ko talaga nakakatuwa. See him. Magsuot ba naman ng heels.”

Tuliro pa rin si Yluj at halos hindi makapagsalita nang lapitan siya ni Sophia para tulungan. Tiningnan niya lang ang nakalahad na kamay ni Sophia sa kaniyang mukha.

“Couz? Are you with us?”

He chuckled as he blinked several times. Mas namula tuloy ang mukha niya at kitang-kita iyon dahil sa mala-papel niyang kutis. “Of course! Help me, please.”

“Ano nga ba talaga ang nangyayari rito?”

“Wala!”

“Nothing!”

“Whoa! Kailangan sabay talaga kayong dalawa, Kath at Yluj?” Nangingising humalukipkip si Yiel at tinaasan kami ng kilay. “Baka lang kasi natumba itong si Yluj dahil sa taas ng takong ng sandals tapos ikaw…”

“Anong ako?” nangingiwi kong itinuro ang sarili.

“Eh, tutulungan sana siya pero dahil sa babae ka at mahina… nadala ka niya, napatong sa katawan niya at—”

“At?”

Pinagdikit ni Yiel ang mga daliri niya at ipinagtagpo ang mga dulo nito sa isa’t isa sabay ngumuso siya. “Halik—”

Ang talino niya nga.

Napailing ako. “H-hindi ‘no!”

Yiel hissed. “Defensive, Kath? Iyon kasi ‘yong cliché scene sa mga novel na nabasa ko. Baka nangyari ngayon-ngayon lang.”

Sophia giggled.

Tumayo si Yluj kaya napatingin kaming tatlo sa kaniya. Nahubad niya na ang sandals at nasuot na ang puting sneakers.

“Sumimasen,” malamig niyang sabi sabay dire-diretsong lumabas ng dressing room.

“Huh? Ano raw?”

Sophia smiled. “Sumimasen means excuse me, Yiel.”

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa tensyon na naramdaman ko. At hanggang ngayon, malakas pa rin ang pagkalabog ng puso ko at halos mamasa na rin ang mga palad. Iyong first kiss ko. Tsk!

Dumating si Joan na ang dami-daming dalang paper bags. Pero agad siyang natigilan matapos niya kaming batiin.

“Where’s Yluj?” she asked curiously as she probed us.

“Nag-CR. Maupo muna tayo. I’m so tired,” yaya ni Sophia.

Sumunod kami sa kaniya sa couch. Pabagsak kaming naupo at halos pagod sa lahat. Well, sila dahil sa dami ng pinamili habang ako, sa mabilis na pagtibok ng puso ko.

“Sana naman may nabili ka, Katherine! Sa dami ba naman ng napamili ng dalawang ‘to…”

“Stop it, Yiel!” Joan spat. “How about you? Marami ka nang makakapal na eyeglasses, bumili ka pa sa nadaanan nating clinic kanina.”

“Aba, siyempre! Bukod sa libro, collection ko rin ang mga salamin,” sabay nguso ni Yiel at ayos sa salamin niya sa mga mata.

Palihim akong huminga nang malalim. Well, hindi na palihim dahil agad na napabaling sa akin si Sophia nang maramdaman ang paggalaw ng balikat ko.

She crouched and whispered, “What’s the real score between you and my cousin, Kath?”

“Ano iyon, Sophia? Anong tanong mo kay Kath?” usisa ni Yiel na narinig yata ang sinabi ni Sophia.

Diretsong napaupo si Sophia at ngumiti. “Nothing. I am just asking Kath if she’s ready for her transformations later.”

“Hala! I am so excited, too! Ako sa makeup ha?”

“Malamang. Ikaw lang naman ang may makeup sa ating apat, ‘no?”

Napahalakhak si Joan. “Correction. Hindi tayo apat at hindi lang ako ‘yong may makeup ngayon!”

“Huh? What are you trying to say, Joan?”

“Well…”

Napatayo si Yiel. “’Wag mong sabihing…”

“Juls!”

Sabay-sabay kaming apat na napatingin sa pintuan. Sabay sanang papasok sina Yluj at Julene, pero natigilan lang silang dalawa nang magkaharap.

Nanlalaki ang mga mata ni Yluj, hindi yata makapaniwala sa kaharap. Na parang isang multo si Julene at hindi niya inasahan na makita.

Tumayo si Joan. “Really? Magtitigan ba talaga? Hali na nga kayo! I’m starving na!”

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero parang bigla yata akong nanghina at hindi na kaya pang sumunod sa kanila. Ni hindi ko nga naramdaman ang pagtayo nina Yiel at Sophia, at maging ang mararahan na halakhak ni Julene.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata. I breathed deeply to compose myself. Ano ba itong nararamdamam ko? Bakit nagkakaganito ako? Imposible naman na… imposible naman na mahal ko na agad si Yluj. Because until now, I am still into Justine. Kahit pa nagawa niya akong lokohin at ipinagpalit kay Cassandra.

“Kath? Tara na? Gutom na rin ako, eh.”

Si Yiel na lang ang kasama ko sa loob ng dressing room pagmulat ng mga mata ko. Napangiti ako at inalis ang mga bumabagabag sa isip.

“Tara.”

Sa isang Korean restaurant ng mall kami kumain matapos makapagbayad sa counter ng boutique. Well, siyempre sagot nina Yluj, Sophia at Joan. Sila rin kasi ang mayayaman sa grupo namin.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko, maging ang katabi kong sina Yluj at Julene. Panay patawa si Yiel. Kumibit-balikat ako nang mapansin na sina Sophia at Joan lang ang natatawa sa mga jokes niya at kaming tatlo nina Yluj at Julene, ni parang wala roon.

Tumawa ako, nakipagsabayan sa kanila. Pinilit ko upang hindi nila mapansin na awkward na para sa akin ang lahat. Pero natigilan silang tatlo at pare-parehong nagtaas ng kilay na bumaling sa akin.

“B-bakit?” nanginig ang boses ko.

Mariin akong tiningnan ni Yiel, nanunuri. “Sabihin mo nga ‘yong totoo, Kath…”

My heart skipped a beat. Hindi kaya alam na nila? Pero napaka-imposible naman kasi, hindi ba? Imposibleng magmahal sa ganoon kaikling panahon.

“A-anong sasabihin ko?”

Joan crossed her arms on her chest. “Yeah, Mariel is right. Tell us the truth, Kath. Hindi lang pala ako ‘yong nakakapansin kundi kaming tatlo.”

Napasulyap ako kay Yluj. Hindi siya nakatingin sa akin pero umaabot sa tainga ko ang pagkalabog ng puso ko. Aamin na ba ako? Hindi ba, masiyadong maaga pa? I am not still so sure about what I am feeling right now. Imposible kasi.

“Oo na. Aamin na ako,” sabay yuko ko nang mag-init ang mga pisngi ko.

“Susmaryusep, Katherine! Hindi ko alam na ganiyan na pala kalala ‘yang nararamdaman mo!”

Umiling ako. “Hindi pa naman ganoon kalala, Yiel. Naguguluhan nga rin ako, eh. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.”

“Narito naman kami, Kath!”

“Yiel is right, Kath. We are here. We’re your friends, right?”

“You can tell us what’s your problem, Kath. I know that we just only new to each other but I am willing to listen,” si Sophia halos mangiyak-ngiyak na.

“Sorry—”

“Sana hindi ka na lang nag-ano, ‘di ba? Narito kami. ‘Wag mo namang sayangin ‘yang buhay mo dahil lang hindi ka pa nakakapag-move on kay Justine!”

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Yiel. Kumunot ang noo ko habang pinoproseso ko ang lahat. Wait. Hindi kaya…

“Hoy! Hindi ako nagda-drugs, ha!”

Ngumiwi si Yiel at medyo namula. “Ah, hindi ba?”

“Hindi ‘no! Bakit ko naman iyon gagawin?”

They chuckled. Kahit si Julene at Yluj na nanahimik ay nakitawa na rin. Matalim ko siyang sinulyapan. Natigilan siya at namula nang pigilan ang pagtawa.

Tumayo ako nang makaramdam ng hiya dahil sa inisip nila tungkol sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasalamat na nasa private room kami ng restaurant dahil kung hindi, hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan.

“Kath!” tawag nila nang umikot ako at lumabas na ng silid na iyon.

Dahil sa pinaghalong hiya at inis, tahimik ako hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Sophia. Tatlong palapag ang bahay at namukud-tangi ang kombinasyon ng kulay. Ngayon lang ako nakakita ng pinaghalong pilak, ginto at puti ang tema ng isang bahay.

Nagpapakita lang kung gaano karangya ang nagmamay-ari niyon. Though, aanhin mo naman ang ganito karangyang bahay kung kaunti lang ang tao, hindi ba? Oo, si Sophia at ang isang matandang yaya niya lang ang nasa bahay. Ayon kay Sophia, nasa Japan ang mommy at daddy niya kasama ang mom ni Yluj.

Nagsimula ang pagpa-practice nila sa amin nina Julene at Yluj sa poolside ng bahay. Well, wala naman silang naging problema sa akin. Gamit ang bagong biling high-heeled sandals, rumampa ako at manghang-mangha sila.

Yluj stunned, too. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata sa tuwing umiikot ako at nagpo-posing. Well, I enjoyed it. Siyempre, maliban sa bago iyong sandals… sila lang naman din ang nakakapanood sa akin. So why to bother, right?

“Bravo, Kath!” Sophia clapped her hands and dropped her jaws. “You’re perfect! Ang galing mo palang rumampa. Very far from what I had seen on the video that Joan sent me.”

Ngumiti ako at nahihiyang tumabi sa sun lounger kung saan nakaupo sina Yiel at Joan.

“Ang galing mo, Ate Kath! Kaya idol kita.”

“Salamat, Julene.”

“So paano? Your turn, Julene. Show us what you’ve got,” kompiyansadong sabi ni Joan.

“Pero kasi… hindi ako magaling rumampa,” namumula ang mga pisngi niyang tugon.

Yiel tsk-ed. “Kaya nga narito para turuan, ‘di ba?”

Tinapik ko ang legs ni Yiel para pigilan siya sa panunuya kay Julene, pero inikutan niya lang ako ng mga mata.

I sighed as Julene stood up wiggly.

“Ouch!”

Pero hindi pa man nakakahakbang ay tumumba na siya. Dali-dali naming dinaluhan siya at tinulungang makatayo. Well, maliban kina Yiel na may multo ng ngisi sa labi at Yluj na naninigkit ang mga mata kahit singkit naman talaga siya.

“Okay ka lang?” tanong ko.

She cried. “I-I will never be like you, Ate Kath. Mahina ako. Hindi ako maganda. Hindi ako marunong rumampa.”

“Hindi, Julene. Maganda ka. Narito kami para turuan ka. Tutulungan kita.”

“Talaga, Ate Kath?”

“Oo naman.” Ngumiti ako.

Sophia sighed. “Let’s rest. Magpapakuha lang ako ng meryenda natin kay Yaya Isang.”

Umalis na si Sophia. Samantalang tinulungan ako ni Joan upang itayo si Julene at ipaupo sa sun lounger. Tinanggal ko ang sandals niya at sinuri ang namumula niyang paa. Hays! Mukhang magkaka-strain pa yata siya.

“Okay ka lang ba talaga? Hindi ba masakit?”

“Medyo makirot lang ng kaunti, Ate Kath.”

I sighed. “Sige. Hihingi lang ako ng ice pack kay Sophia.” Tumayo ako at hinarap si Joan. “Ikaw na muna ang bahala rito, Joan.”

Sinamaan ko ng tingin si Yiel upang balaan. Alam kong hindi niya gusto itong si Julene at baka kung anong gawin niya pang kalokohan. She just shrugged her shoulders and pouted her lips.

“Behave,” I said through the air.

She then rolled her eyes. Napailing na lang ako na sinundan si Sophia. Saan nga ba iyon pumunta? Jusmiyo! Kay laking bahay naman kasi.

“Imouto?”

Natigilan ako at muling nabuhay ang malakas na pagkalabog ng puso ko nang marinig ang boses niya. Hindi ganoon kalalim ang boses niya pero parang nahuhulog ako sa bangin sa tuwing naririnig ko ito.

“B-bakit?” sabay harap ko sa kaniya.

But he stared at me seriously. Hindi siya nagsalita at nilagpasan lang ako habang naiiling.

What was that?

Pinanood ko ang likod ni Yluj papalayo sa akin. Anong problema ng isang iyon?

“Ate Kath?”

Napalundag ako ng magsalita si Julene sa likuran ko. Agad natuon ang mga mata ko sa paa niyang namumula, pero para yatang hindi naman talaga siya na-strain dahil nakakalakad siya nang maayos.

“May… May gusto ka ba kay Yluj?” she asked nervously as her eyes became red.

“Ha? Wala, bakit?”

She smiled widely and batted her eye lashes. “Good. Hindi ko yata kakayanin na kalabanin ka. Hinahangaan kita kaya hindi ko maisip kung anong gagawin ko kung sakaling magiging karibal kita.”

Kumunot ang noo ko at naguluhan. Agad niya naman iyon nabasa sa mga mata ko.

“I still love him, Ate Kath. And I will do anything just to have my Juls back.

Why Can't It Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon