Chapter 2- PREDESTINED

194 28 7
                                    

ATTICUS

Bago mag alas 4 ay napag pasiyahan namin ni Trevor na umuwi para kahit paano ay mapag handaan namin ang party mamaya. Tumayo na kami at sabay na naglakad sa section kung nasaan abala si Phadz.

"Phadz." Tawag ko. Lumingon ito at saka ngumiti.

"Oh? Aalis na kayo? Ang bilis naman." Anito na lumapit sa amin.

"Para naman makapagpahinga pa kami. Bakit hindi ka ba pupunta mamaya?"

"Hindi nga e, may lakad kasi ako mamaya. Susunduin ko ang pinsan ko sa airport."

"Gano'n ba? Sige, ingat ka ha, mauna na kami." Sabi ko at tinapik siya sa balikat.

"Salamat, Phadz. Mauna na kami." Anang Trevor na tumapik din sa kaniya.

"Sige, sige. Paki bati na rin ako kay Tita Miley." Malakas na sabi nito kahit malapit lang naman kami sa isa't isa. "Enjoy kayo sa mga chicks mamaya, break a leg!" Kumikindat na mungkahi pa niya at napa singhal naman si Trevor samantalang tumawa lang ako. Nagpaalam pa ulit kami saka lumabas.

Binuksan ni Trevor ang kaniyang kotse na nasa malapit lang ng entrance sa kanang bahagi. Nanatili naman akong nakatayo kasi nasa kabila ako nakaparada. Nilingon niya ako at tinitigan, napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya.

"What?"

"Mauna na ako, huwag mo nang isipin 'yong utol mo, at least invited ka sa kasal hahahahahahaha!" Pang aasar pa niya at ngumingising pinakyuhan ko nga ito. Pumasok na siya sa kotse at bumusina muna bago umalis.

Hinatid ko ito ng tingin, nang hindi ko na siya abot tanaw ay tumalikod ako't lumapit sa aking kotse at isinuot ko na rin agad ang sunglasses na nakasabit sa aking dibdib. Umalis agad ako at napag pasiyahang uuwi muna sa bahay, sarili kong bahay. Kahit alas 4 na ay mainit pa rin, tirik na tirik pa rin ang haring araw at talagang ramdam ang sakit sa balat. 

Napa buga ako ng malalim na hininga at pinalakasan pa ang AC sa kotse, kahit kasi sa loob ay ang init pa rin. 

Sa kalagitnaan, nang marating ko ang di kahabaang tulay papunta sa suburban subdivision kung saan ako nakatira ay may nakita akong babae nakatayo.

Binagalan ko ang aking pag mamaneho na hindi inialis ang paningin sa kaniya. Nakatayo siya sa gitna mismo, sa kanang bahagi nitong Arch bridge, nakahawak ang kamay sa parapet railings na nakayuko at titig na titig ito sa ibaba. 

Parang wala ito sa sarili dahil hindi man lang gumagawa kahit kaunting kilos. Tila wala ring narinig nang huminto ang kotse ko malapit sa kaniya. 

Nanatili lang ako sa loob at pinasadahan ito ng tingin. Nakalugay ang buhok na may baseball cap, naka baggy jeans at oversized shirt ang suot, white sneakers naman ang sapatos na madumi. Normal at desente naman ang suot nito at malayo ito sa palaboy.

Para itong estatwa na nakadikit doon, nakayuko. Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba o hayaan na lang.

"Tanghaling tapat nag da-drama. Ginalingan pa at pinili ang tulay! Tsk tsk." 

At sa huli, nakita ko ang sarili na lumabas ng kotse at malakas na isinara iyon para makuha ko ang kaniyang atensyon, ngunit hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan. I'm not actually the type of person na makikialam ng business ng iba but since I got the time.....and bored.

Malayo pa lang ay naamoy ko na ang pamilyar na pabango. Pang lalaki, hindi masakit sa ilong at ang lakas ng dating.

"Hoy...anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko rito pero hindi ako nilingon. Mukhang bata pa ito at suicidal na. Mga kabataan talaga ngayon.

The Silver Lining of SolitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon