Chapter 17: CONFUSING WHAT IS REAL

53 16 4
                                    

VNYLE

TAHIMIK na naglakad kami pauwi sa bahay na aming tinutuluyan.

Ganito pala talaga kapag galing kayong naligo sa dagat, ang sarap kumain. Ang sarap din naman kasi ng mga pagkain na in-order ni Atticus, idagdag mo pa ang magandang tanawin.

"Nagustuhan mo ba ang pagkain?" tanong niya.

"Oo naman, at saka ang ganda ng paligid. Hindi ko inaakalang mayroon pala talagang ganito sa totoong buhay."

Tumawa siya ng mahina. Nag-uusap lang kami ng kung ano-anong bagay. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na kami sa bahay.

Tahimik ang loob. Parang natulog na ang mga lalaki dahil sa pagod. Sa bagay, alas dies na rin ng gabi at maaga pa kaming aalis bukas.

"Let's sleep?" mabilis na lumingon ako sa kaniya.

"Sa kuwarto ko ikaw matulog?" taas kilay kong balik tanong.

"Yeah."

"Wag mo nga akong biruin."

"Hindi naman ako nagbibiro." aniya saka humikab. "Inaantok ako kapag kasama kita, ang bango mo kasi, kumakalma ako."

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kaniyang antok na antok ang itsura. Nakita ko ang bigat sa mga mata niya habang kumukurap.

Lumapit siya sa akin at hinila ako paitaas. Hindi ko alam pero kusa akong sumunod at nagpatangay sa kaniya hanggang umasok kami sa kwarto.

"Don't worry, I won't be naughty. Lalagyan ko lang ng unan ang gitna natin, hmm? Sorry, I can't argue anymore. I badly want to sleep." aniya saka pumasok sa banyo. Naaamoy ko ang mouthwash pag labas niya.

Nakaupo pa rin ako na pinapanood siyang nagbihis ng t-shirt. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at yumuko, pumantay ang mata niya sa akin. Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi at...sa noo.

"Goodnight, V. I love you."

"Goodnight, V. I love you."

"Goodnight, V. I love you."

"Goodnight, V. I love you."

"Goodnight, V. I love you."

Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa aking ulo. Iba ang epekto nito sa akin. Kanina pa siyang mahimbing na natulog, habang ako ay nasa tabi niya, nakatitig sa kaniyang gwapong mukha.

Ano ba ang ginawa mo sa akin, Atticus? Bakit mo ipinaparamdam sa akin ang ganito? Nangangamba ang puso ko. Natatakot ako para sa iyo mula sa akin. Masasaktan ka lang kapag susubukan mo akong mahalin, hindi ako karapat-dapat para sa isang katulad mo na perpekto.  Sana paggising ko, mabura lahat ng nararamdaman mo para sa akin.

Inabot ko ang mukha niya at dinampian ng mahinang halik sa pisngi.

"Good night, Atticus."

MAAGA kaming gumising upang hindi kami maabutan ng init habang nagbabyahi pauwi.

Inaantok pa rin ako at humihikab na tamad na sumalampak sa upuan sa kotse.

Nauna ng umalis sila Trevor sa amin. Ang tagal kasi magising ni Atticus, ang himbing ng kaniyang tulog.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong niya habang nagmamaneho.

Ginugulo mo kasi ang isip ko.

"Kulang sa tulog." sabi ko habang naka pikit.

"Matulog ka ulit pagdating sa bahay."

"Ikaw rin. Gisingin mo ako kapag napapagod ka na ha, ako ang mag drive."

The Silver Lining of SolitudeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz