Chapter 5: ZAMIR AND HIS SANDWICH

31 8 2
                                    

VNYLE

"Hello?" Habang sinasagot ko ang tawag ay pinupulot ko ang mga papel galing sa folder na hawak ko.

"Where are you?" Tanong ni Jace.

"Well, duh. Still looking for that Akira and Harvar guy na inutos niyo sa akin."  Napairap pa ako at huminga ng malalim habang pinupulot ang panghuling papel.

I heard a little chuckles kaya na napatingin ako rito at huli na nang ma realize ko ang aking mga pinagsasabi.

Ay tanga! Nandito nga pala ako sa kanilang harapan at ewan ko bang nandiyan ang hinahanap ko! Ang engot ko talaga! And I sounded like a bitch at napaghalataan na nagrereklamo dahil nautusang hanapin ang mga ito, which partly true but hey, I am doing this because may emergency!

"Kaya nga tinawagan kita eh kasi ngayon ko lang na pag tanto na hindi mo kilala ang mga iyon. So, ano? Nakita mo na ba sila?"

Nahihiyang tumalikod ako sa kanila at kinausap ang nasa kabilang linya.

"Uh, yeah. I have my ways, ibaba ko muna. Sabay tayong mag lunch, gutom na ako!" Halos pabulong ko na itong sabihin at saka ibinalik ang cellphone sa scrub suit ko.

Humarap ako ulit sa kanilang direksyon at nanatili pa rin pala silang nakatingin. Kung anong posisyon nila kanina ay walang nag bago. Ano ba iyan, ayaw na ayaw ko pa naman ang tinitignan lalo pa kung ilang pares ng mata ang tumitingin sa akin! Naasiwa ako sa kung ano na ang hitsura ko!

"I need to talk to them, sir." Pormal na baling ko doon sa naka-usap ko kanina dahil na aawkward ako sa sitwasyon.

"And who are you?" Tanong bigla noong taga kabilang department. Hindi pa man naka buka ang aking bibig ay naunahan na ako nong kumausap sa akin kanina.

"Don't answer him if you don't want to waste your time."

Tinignan naman ito ng masama ng huli na hindi naman nito pinansin bagkus ay  lumapit ito sa akin at tumabi.

"Clean yourself, Zam. She has a business with you. And you dick heads, get your ass out here and wait her outside because she has a business with that moron as well." Mungkahi niya at saka bumaling sa akin. "Come this way and have a seat while you wait for him."

Iginiya niya ako patungo sa sofa. Para niya akong tinutulak dahil nakahawak ang magkabilang kamay nito sa aking balikat.

Maaliwalas ang silid na iyon at may mga musical instruments na makikita. May kalakihang dartboard rin sa dingding at isang katamtamang laki ng fridge. May isang malaking sofa at TV, centered table naman sa gitna. May mini book shelf at malaking salamin rin sa gilid.

Nagmukha na itong bahay at muntik ko nang makalimutan na nasa UCA pa ako! Paano nila ito nabuo o talaga bang hindi ordinaryong tao ang mga ito at may pribilihiyo silang magkaroon ng pad sa loob ng eskwelahan! Kung tutuusin mga mukhang mayayaman naman sila kung basehan lamang ay ang kanilang pananamit.

"Consider yourself lucky today. When you thought I will just let you off, then think again." Malamig na sabi nong lalaking pinagtulungan at pumasok sa isang pinto na paghihinala ko ay banyo.

Nakatayo lang sa gilid ko itong lalaking nakakausap ko at nakatingin sa mga taong pinapalayas.

Talagang mainit ang kanilang ulo sa mga lalaking iyon at panay samaan sila ng bitaw ng salita at tingin.

"Set your ass here again at hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko." Pahabol na wika nong supladong lalaki.

"Whatever, Sladey." tamad na sagot ng lalaking nag mamasid lang kanina at tumingin sa akin ng ilang segundo bago tuluyang lumabas sa silid.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now