Chapter 18: BET YOUR HEART

32 9 0
                                    

VNYLE

"Mukhang nagkamabutihan na kayo ah?"

Ngayon ay tinutukso ako ng kaibigan eksaktong nakalayo na si Tyrone sa amin.

Nag-usap lang sila saglit na hindi ko alam kung ano dahil lumayo sila ng kunti sa akin, at alam kong parang seryoso talaga iyon.

"Masaya naman sila kasama kahit papaano, Jace."

"Ayaw pa umamin. Kwentuhan mo ako sa mga nangyayari! Abay dalawang araw kang di nagparamdam sa akin- hindi, tatlong araw pala!"

"Wag ka ngang masyadong OA." ani ko at huminga ng malalim. "Upo muna tayo, may sasabihin ako sa iyo."

Oo. Sasabihin ko sa kaniya na may kasama ako sa bahay. Habang maaga ay mabuti pang malaman niya dahil kaibigan ko naman siya. Isa pa, nagkakilala na si Atticus at ang pinsan niya, baka maikuwento ni Rhian sa kaniya ang tungkol kay Atticus, e mabuti ng galing sa akin niya malalaman kesa sa iba.

"May sasabihin ako sa iyo kaya makinig ka at wag muna magsalita." seryoso kong sabi. Sumeryoso naman siya at umupo ng maayos paharap sa akin.

Ilang sandali ko siyang tinitigan at pinakiramdaman. Nagsimula akong mag kwento sa lahat ng pangyayari. Kunot ang noo, magkadikit ang kilay, tahimik, at seryoso lamang siyang nakikinig sa akin.

"Ewan ko ba Jace, sinabi ko naman sa kaniya na wag akong sanayin na nandyan siya dahil kako baka hanap-hanapin ko. Kagaya ngayon, umalis siya bigla—silang lahat." Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumingin sa naglalaro sa field. "Hindi man lang sila nagpaalam sa akin ng maayos. Kung hindi ako nagising ng maaga, magiging baliw ako kahihintay sa kanila."

Tinignan ko siya at nakayuko lang ito na nilalaro ang mga damo na inuupuan namin.

"Mabuti naman at naisipan mong ipaalam iyan sa akin ngayon. Kahit ano pang sabihin mo, Vnyle, estranghero pa rin sila. Hindi mo sila kilala. Delikado iyang ginagawa mo! Paano kung may nangyaring masama sa iyo at di ko alam—walang sino man ang nakakaalam, sa tingin mo sino ang tutulong sa iyo?" Hindi ako nakasagot at napayuko na lamang. Nararamdaman ko ang pagka-inis niya sa akin dahil pabulyaw at pabagsak ang bawat bigkas niya.

"O ano ngayon? Gusto mo na ang Atticus na iyon?" mataray niyang tanong.

"E-ewan..."

"Anong ewan?!"

"Ewan... hindi ko alam."

"Wag mo nga akong lokohin! May gusto ka na nga diyan sa lintek na Atticus na iyan!" sigaw niya.

"A-ano ba! Kumalma ka nga! Ang lakas ng boses mo kulang na lang ipagsigawan mo na iyan."

"E sa naiinis ako! Naiinis ako sa iyo dahil nagawa mong mag lihim sa akin. Araw-araw tayong nagkikita ni kahit minsan hindi mo nagawang sabihin sa akin ang tungkol diyan. Nakakatawa pa ay mas nauna pa silang nagkakilala sa mga kaibigan ko bago ako! Panghuli! Naiinis ako dahil ginulo nila ang isipan mo at baka sa huli masaktan ka lang!"

Deretsong sabi niya sa aking mga mata. Bigla kaming natahimik. Tanging ingay ng dahon na iniindayog ng hangin lamang ang aming narinig. Tirik ang araw ngunit matayog ang puno kung saan kami naka upo kaya maayos kaming naka silong.

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lamang sa mga studyante ang paningin na nag practice ng kanilang sports, soccer. Kahit mainit ay nandoon pa rin sila nag eensayo.

Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hangin ngunit di ako lumingon. Niyuko ko na lang ang mga damo at pinag pitas ko iyon isa-isa.

Alam ko namang tama si Jace. Alam ko iyon dahil ako ang unang nakaramdam ng mga pangangambang katulad ng mga sinasabi niya. Pero hindi ko naman kontrolado ang aking nararamdaman. Kahit ako ay natatakot sa anong maidudulot nito sa akin.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now