Chapter 11: MISSY IN DISTRESS (Part 2)

44 18 5
                                    

VNYLE

TAHIMIK  kaming nag lakad. Mabuti na lang at may jacket akong suot at hindi na ako nilalamig. Naaalala kong hindi ko pa pala na isauli ang jacket ni Trevor. Bukas na lang.

Sobrang tahimik namin at naiilang ako dahil hindi na siya nagsalita pa ulit. Pinakiramdaman ko lang siya na nasa harapan lamang ang paningin.

"What are you thinking? No 'your welcome' for me?" Pagbibiro ko.

Napatawa naman siyang hindi ako sinulyapan.

He shaked his head. "Nothing. You're learning to call me by my sobriquet."

"Sobrikit? Ano iyon?"

Tumawa siya ulit. "Nickname. And it's 'sobriquet' not sobrikit."

Nahihiyang napasinghal ako. "Nickname lang pala kinokomplikado mo pa."

Napahinto siya at umiiling na tumingin sa akin.

"You're funny. Where'd you learn to call me that?"

"Kay Damian. Tinanong ko kasi sinong Atty ang tinatawag nila Bryson, sabi niya ikaw iyon. Kaya yun na lang rin daw ang tawag ko sa iyo at kung hindi ako kumportableng tawagin ka sa ganiyan ay———" pu-tang-ina. Kusa akong napahinto sa pagsasalita kasabay ng paghinto sa paglakad. Muntikan na iyon! Gusto kong sampalin ng malakas ang bibig. Bwesit na Damian!

"Ano?" Namumula ang aking pisngi, alam ko. Hindi ako tumingin sa kaniya at deretso lang naglakad ng may kabilisan.

"Woi." Kilabit niya sa akin. Iwinaksi ko siya.

"Bakit ba?"

"Don't leave me hanging. Bakit ka ba nagalit bigla? Wala naman akong ginagawa."

"H-huwag mo na lang akong kausapin. Bilisan mo na diyan malapit na mag alas dose." Sabi ko at nagpatiuna ngunit naramdaman kong hindi siya kumilos kaya inis na nilingon ko siya.

"Ano ba! Sabi ko bilisan mo hindi ko sinabing huwag kang kumilos!"

"I guess Damian told you to call me babe." Hindi iyon tanong.

Nanlaki ang aking mga mata. At malakas naman siyang tumawa na humawak pa sa tiyan! Umaalingawngaw ang tawa niya sa paligid!

"Hoy, ang ingay mo! Makakadisturbo tayo!" Saway ko.

"He's right! You can call me that!" Pang-aasar niya at lumapit sa akin...at umakbay. "Babe."

Napakunot noo ako at siniko siya sa tagiliran. Lintik, namimihasa na ang mga lalaking ito na hawak-hawakan ako!

"Alisin mo iyan habang hindi pa ako nawawalan ng pasensya." Pagbabanta ko at tinignan siya.

Yumuko siya at bumulong. "A..yo..ko." nakikiliti ako sa ginawa niya. Nagtayuan bigla ang mga balhibo ko at may kuryenteng bumalot sa buong katawan.

"Ano ba!"

"Hahaha, tara na ginagabi ka na ng uwi, sabi mo alas nuwebe e magma-madaling araw na!" Wika niya na hinablot sa akin ang apat na paper bag.

Malalaki ang kaniyang hakbang at natangay niya ako dahil mahigpit ang pagka-akbay niya sa akin!

"T-tumigil ka nga!" Hinihingal kong sigaw. "Kinakaladkad mo na ako! Saka sinong nagbigay sa iyo ng permiso para hawakan ako?"

"Paano ba humingi ng permiso si Damian kanina?"

"A-ano?!"

"Paano ba humingi ng permiso si Damian kanina?"

"Huh??"

"Tss." Umiwas siya ng tingin. "Pag sa iba okay, pag ako galit!" Bulong niya na siya lang ang nakakarinig.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now