Chapter 4: VNYLE

85 21 15
                                    

VNYLE

"Oo, sige...yeah. Good luck sa atin bukas. Hmmm... Bye, ingat."

Ibinababa ko na ang telepono nang nagpaalam na ang nasa kabilang linya. Maghapon akong gumawa ng presentation namin dahil reporting na namin bukas.

I'm a 4th year College student studying BS Psychology.

Tinignan ko ang oras and it's 8 minutes left before 11 PM already. Ganoon ako ka tagal nang naka upo? Anyway, worth it naman dahil marami din akong natapos na gawain.

Maliban kasi sa mga activities na kelangan kong tapusin para sa presentation bukas ay inumpisahan ko na ang mga pang isang buwan at kalahating gawain na kailangan kong habulin at maipasa sa deadline na ibinigay sa akin. Nahinto kasi ako sa pag-aaral ng halos dalawang buwan dahil sa personal na kailangan at sapilitang pagkikibaka ang ginawa ko para ma bigyan ng pagkakataong maihabol pa ang behind activities.

Nag stretch ako bago tumayo at naisipan kong maligo muna bago magluto ng hapunan.

As of now, mag-isa lang ako sa bahay. Galing akong Manila para bisitahin ang Mama ko.

Na hindi na ako kinilala, o kilala?

Ang pakiramdam na nag-iisa ay muli kong nadama ngayon. Ngunit iwinaksi ko na lamang ang isipang iyon. Ayaw ko namang magluksa na naman at magmukmok sa tabi. Pagod na ako sa ganoong eksina. Nakakapagod naman kasi kung pilit mong isinisiksik ang sarili sa taong ayaw naman sa iyo.

Habang naliligo ay hindi ko napigilang isipin ang mga pangyayari nang bumisita ako sa Manila, sa Mama ko. Hindi pa rin niya ako kinakausap at hindi man lang nag pakita sa akin nang pumunta ako sa bahay niya. Hanggang sa labas lang ako ng naglalakihang gate, naghihintay, umaasa, nanghihinayang, at nasasaktan. Araw-araw ay pumupunta ako doon at ganoon lang din palagi ang nangyayari, hanggang sa diko namalayang mag da-dalawang buwan na pala ang nakalipas.

Labing-isang taon na ang nakalipas mag mula ng mahiwalay ako sa kaniya. Nais ko lang naman ay ang makausap muli ang ina at matawag ulit ng "anak". Siya na lamang ang kilala kong pamilya at sa habang panahon na paghahanap ko sa kaniya ay ito nga at natagpuan ko at sabik na bisitahin. Puno ako ng kumpyansa na hinahanap niya rin ako at sabik na sabik itong makita ako. Ngunit lahat ay kabaliktaran ng aking inaasahan.

Pero malabo naman kasing mangyayari iyon. Napakahirap ibalik ang masayang dati.

Napa buntong hininga na lamang ako sa aking naisip.

Pagkatapos kong magluto at magligpit sa pinagkainan ay dali na akong natulog dahil may pasok pa ako kinaumagahan.

--

Halos madapa na ako sa pagmamadali hanggang sa wakas ay nakasakay na ako ng pampasaherong jeep papunta sa UCA.

It's like fate was on my side for there's no inconvenience along the way right now. I took the elevator and finally have time to breath and calm down myself.

Seconds left when I entered the Lab Room. I roamed around and look at Jace lightened her face after she saw me. Umupo ako sa tabi niya na hinahabol ang paghinga.

"Akala ko di ka na dadating, buti nalang sila ang unang pina present ni Mr. Avanceña."

"Napasarap ang tulog, eh."
Humihingal pa rin ako and she handed me a bottle of water. Yes, I badly need a water. Early this morning! Saktong nakapag pahinga na ako ay kami na ni Jace ang tinawag upang mag present.

Jace and I presented well. Kahit natagalan kami sa pagtapos dahil ang daming follow up questions nitong terror teacher na ito ay naging maayos naman at nasagutan namin ang lahat nang ito.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now