Chapter 7: THE VISITORS

25 7 1
                                    

VNYLE

Siksikan ang mga pasahero kaya ang tagal kong naka sakay ng jeep. Marami din  kasing mga studyante na walang mga sariling service at mga trabahante na papauwi na sa kanilang bahay.

Ang Urtesia College & Academy o mas kilala bilang UCA ay isang bantog na Kolehiyo at Akademya sa siyudad ng Cebu. Malawak, malaki, kilala, at nangunguna ito sa lahat ng Unibersidad sa buong Pilipinas.

Marami ang nagnanais na makapag-aral dito sapagkat nag-aalok sila ng buong iskolarsip. Ngunit kagaya ng ibang mga pamantungan, mayroon itong dalawang kundisyon. Una ay kailangan maipasa ang kanilang napakahirap na entrance exam. Pangalawa, dapat may sasalihan kang kapisanan at tanggapin ang maaari mong magiging responsibilidad.

Halimbawa ng mga kapisanan na maari mong salihan ay ang mga iba't ibang varsities o mga sports na sumasalang hanggang umabot na sa ibang bansa. Mga sining at panitikan, mga grupo ng banda na ang ilan ngayon ay kilala na sa buong mundo at maging mga Organization ng sikat na Opera na gumagawa na ng pangalan sa industriyang lokal at internasyonal at iba pa.

Maswerte nga at sa edad kong ito ay nakapasok ako sa UCA. At ngayon din ay nasa panghuling taon na sa kurso ko bilang isang Sokolohista.

Naaalala ko pa ang mga nararanasan kong hirap sa pag aadjust bilang studyante.  Malaki na ang edad ko nang mag Freshmen dito, at kadalasang mga kaklase ko ay pawang mas bata pa sa akin at hindi ako makasabay sa kanila, kung kaya ay palagi akong nag-iisa.

Hanggang sa nakilala ko si Jace ng minsan naging magkaklase kami sa isang minor subject noong Sophomore years. Napag alaman kong isang taon lamang ang agwat sa aming edad at naging komportable kami sa isa't isa.

Mula noon ay naging magkaibigan kami kaya pagsapit ng Junior at Senior year,  napagkasunduan namin na kumuha ng parehong schedule. Wala namang naging problema rito dahil siya ang Governor ng Psychology Department, ito ang napili niyang responsibilidad. Habang ako naman ay nasa kapisanan ng Event Organizer Officer.

Ilang sandali pa ay pumara na ako ng marating na ang pribadong Village na aking tinutuluyan. Nakatira ako sa bahay na pag-aari ng aking mga kaibigan na ngayon ay naninirahan sa Amerika. Gusto kasi nilang  magtayo ng sariling bahay, pero dahil sa kanilang trabaho ay madalas itong nananatili sa ibang bansa.

Oo, lahat sila mayayaman at mabait. Nagkakilala kami sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako lalo na at ito ang mga panahong nawalan na ako ng pag-asa at sumuko na sa buhay. Panahong isinasara ko ang sarili mula sa lahat dahil ayaw kong magtiwala ulit. Natatakot ako sa lahat, sa paligid, sa mundo, sa mga tao... dahil nakaukit na sa aking puso't isipan, na sa huli ay ipagkakanulo ka lang hanggang sa wala ng natitira sa iyong sarili.

Ang tagal ko silang itinataboy at tinanggihan, ayaw kong tanggapin ang kanilang tulong, ngunit hindi sila sumuko sa akin. Bagkus tinuruan nila akong buksan muli ang aking puso...sa mundo. Tinuruan nila akong mahalin at pahalagahan ang sarili, hanggang sa muli akong nakabangon at pilit nilalabanan ang mapusok na nakaraan.

Kahit hindi pa ako tuluyang nakawala sa nakaraan, natutunan ko naman kahit paano ang magtiwala ulit at masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Nagkaroon ako ng mababait na kaibigan na siyang tinuturing kong pamilya, nakilala ko si Jace at may lakas na loob na rin akong hanapin ang aking ina dahil handa na akong kalimutan ang lahat para sa panibago kong buhay.

Ilang metro na lang ay tanaw ko na ang bahay, may kalayuan kasi ito kaya kailangan ko pang lakarin. Safe naman maglakad kahit gabi kasi mahigpit ang security dito. Isa pa, pawang mayayaman ang naninirahan sa lugar na ito kaya walang mga tambay-tambay sa labas.

Agad akong pumasok sa gate at nilakad pa ang may kahabaang pasilyo patungo sa pinto. Isa itong two storey modern house na makikita ang karangyaan mula sa labas. Malaki at malawak ang bahay na sumisigaw talaga ng yaman. Ilang beses pa nga akong napagkaalamang mayaman ngunit sinabi ko nalang na pinagkatiwala lang sa akin ng may-ari.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now