Chapter 20: RESTLESS MIND

35 7 2
                                    

VNYLE

Maaga akong gumising ngayon dahil na rin sa aga kong pag tulog ka gabi. Kailangan kong pumasok ng maaga dahil aabangan ko na naman ang Lec ko para magpa pirma ng clearance.

Mabilis akong natapos sa pag-aayos sa sarili kaya alas syite pa lang ng umaga ay naka alis na ako sa bahay. Eksaktong pagkarating ko sa UCA ay tumunog ang aking cellphone.

Unregistered number. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasagutin ko ba o hindi hanggang sa natapos na nga ang tawag ay hindi ko ito na sagot! Di bali na nga, inilagay ko ulit ang telepono sa bulsa ng scrubs ko.

Na sa kalagitnaan ako papuntang office ay biglang may tumawag ulit. Nang tignan ko ito ay same number pa rin.

"Hello?" sagot ko. Pero walang sumagot. Parang alon ng dagat at hangin lamang ang aking naririnig. Sinulyapan ko saglit ang telepono ngunit on call pa rin naman.

"Sino ito?"  wala pa rin. "Bye—"

"Ang ikli naman ng pasensya mo."

Kahit nasa gitna ako ng centered building ay kusa akong nahinto sa paglakad. Kahit madilim at nakapikit ako, kilalang kilala ko ang boses nito. Malaki, buo, malalim... kusa siyang lumitaw sa aking isipan.

I frowned. "Atticus?"

"Yours truly." He chuckled. "You sounded unhappy. Di mo ba ako na miss?"

"Niloloko mo ako e. O, e bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko. "At saan mo nakuha ang number ko?"

"Ang sarap mo talagang kutusang babae ka. E sa gusto kong marinig ang boses mo kaya ako tumawag!" na i-imagine ko ang kaniyang mukhang kunot na kunot ang noo sa inis kaya napatawa ako.

"Engot! E diba kasi busy ka! Ke aga-aga tumatawag ka." tumatawang sabi ko.

"Lahat na lang bini-big deal mo." He sighed. "I was just wondering how you doing alone. Nasa bahay ka pa ba?"

I smiled. He's worried and that makes me happy. Napangiti ako ng wala sa oras at napako ang paningin ko sa third floor, kung saan ang music room nila Cole. Nakita ko rin sila malapit sa hagdan, nag-uusap. Nakatayo sa gilid nila si Matthew at Zamir. Napataas pa ang kilay ko sa kanilang ginagawa dahil biglang dinakma ni Cole si Sladey sa kwelyo!

"Are you there?" may kausap pa pala ako!

"Ah, yes, yes." I laughed to hide my uneasiness. "Nasa UCA na pala ako. Papunta ako sa office ngayon."

"Ang aga mo nga. Uhm, Vnyle..."

"Hmm?" sagot ko at muling sumulyap sa gawi nila Cole. Muntik pa akong mapatalon sa kaba at gulat ng nakatingin na pala silang lahat sa akin. Nag patay malisya akong walang nakita at kunwaring ngumingiti sa kausap sa telepono.

"Baka hindi ako maka tawag sa iyo bukas o sa makalawa pa. Hindi nga rin kita natawagan kagabi...pasensya na. I've been meeting with some prospects kasi. Kaya..."

Napawi bigla ang ngiti ko sa labi at napalitan ito ng pilit na ngiti.

"No, it's fine. Marami din kasi akong ginagawa ka gabi. Wag mo na akong alalahanin. I'll see you sa Sunday na lang. Good luck sa work mo." I assured him. Pa simpleng sinilip ko ang gawi nilang apat at si Matthew at Cole na lang ang nandoon, nakatingin sa akin. Hinanap ng mga mata ko ang kanilang kasama at naglakad na ito papasok sa music room.

"But I'm worried lalo na at ikaw lang mag-isa sa bahay." si Atticus.

"I've been living alone bago pa man kayo dumating. Kering-keri ko ang sarili."

"I know." malakas siyang bumuntong hininga. "I'll drop this call now, mag iingat ka palagi."

"Thanks. Kayo rin."

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now