Chapter 10: MISSY IN DISTRESS

61 23 7
                                    

VNYLE

Malaki, marangya, malawak, maaliwalas. Iyan ang masasabi ko sa bahay nila Jace. Ang kwento niya sa akin, namamalagi ang kaniyang mga magulang sa France at nagpaiwan siya dahil gusto niyang manatili rito. Tanging mga katulong lang ang kasama niya sa bahay.

Kumakailan lang din daw umuwi si Rhiannon sa bansa at sa bahay niya siya tumuloy. Sabi ni Jace, malapit at matalik talaga niyang kaibigan ang pinsan. Nakagisnan na rin nga niya at naging kaibigan din ang mga kaibigan nitong sina Clarke.

Kahit mahigit dalawang taon na kaming magkaibigan ay hindi talaga ako naka bisita dito dahil busy pa ako noon sa trabaho at pag-aaral. At ng makalipat naman ako ng bahay ay marami rin akong dapat aasikasohin.

Agad akong sinalubong ng isang may katandaang babae.

"Abay kay gandang bata naman eri imong kaibigan, Ace. Hindi ka man nag sabi sa akin tungkol sa kaniya." Nakangiting pinagmasdan niya ako.

"Siya nga pala si Vnyle, Manang. Kaibigan at kaklase ko." Si Jace at bumaling sa akin. "Siya naman si Manang Perla, nanny ko mula pa noon, hihihi."

Iba talaga kapag big time!

"Magandang gabi, po." Nakangiti kong bati. Magiliw ako sa mga matandang babae dahil sabik ako sa ina. Kaya natutuwa ako sa kaniyang pagsalubong sa akin ngayon.

"E, magandang gabi rin! Pasok kayo at ng makakain na kayo! Naghihintay na ang mga binata sa likod. Natutuwa talaga ako at naisipan niyong pumarito at mag salo-salo! Palagi na lang tahimik ang bahay at nabuburyo na ako!" Inalalayan pa niya ako at pinasuot ng tsinelas.

Natawa naman si Jace  at sumunod kami sa kaniya.

"Ang tagal mo kasing dumating, naubusan tuloy tayo ng oras mag bonding dito. Ayaw ko namang umuwi ka ng gabi na." Ani Jace at isinabit ang kamay sa braso ko.

"Nakalimutan ko kasi, pasensya na." Natatawa kong palo sa kaniyang kamay. "Ang laki naman ng bahay mo, iba talaga pag bigtime!"

Kung hindi ako nakatira sa bahay nilang Ate Kcy, palagay koy magiging ignorante rin ako sa mga nakikita ko ngayon. Kaibahan nga lang ay pagmamay-ari ito ni Jace habang ako'y nakikitira lamang at sinamantala ang karangyaan.

Ilang dipa lang ay nakita ko na ang malaking swimming pool at may ilaw pa sa paligid. May tumawag kay Jace sa cellphone kaya nagpaalam ito na mauna na ako.

Namamanghang inilibot ko ang paningin. Para akong nasa isang resort dahil sa mga ilaw at sa ganda ng landscape. Kalayuay natanaw ko sila Rhian na naghahanda sa lamesa.

Pinagmasdan ko silang abala sa kanilang ginagawa. Kung hindi lang sana ako ginaganoon ni Rhian, masasabi kong mabait sila at malaking pag-asa na maging mag kaibigan.

Napalingon naman sa akin si Luhr at ngumiti ito ng malaki. May sinabi ito sa mga kasama niya at sabay-sabay silang lumingon sa pinaroroonan ko.
Matamang nakatitig silang lahat sa akin habang naglakad ako patungo sa kanila.

Peste talaga! Ayaw ko ng ganito! Nasaan na ba kasi si Jace at Clarke na kasama ko?!

Napakamot ako ng bahagya sa ulo at napayuko, at titingin ulit sa kanila. Tahimik lamang sila ng makalapit ako.

Ano namang sasabihin ko ngayon? Bukod sa pang aasar at pagkainis sa kanila, ay hindi ko pa talaga sila kilala. E, kahapon nga lang kami nagkita at nag sigawan pa!

"G-good evening." Pilit ang ngiti kong bumati.

Nakangiti lang si Farrell at Luhr sa akin habang tahimik at nanatiling tumitig pa rin sina Tyrone at Rhian.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now