Chapter 19: FOREBODING

35 8 0
                                    

Vnyle's Pov

Patungo ako sa Engr. Department dahil may ensayo kami ngayon. Alas 5:30 pa lang ay nandito na ako. Inaasahan kong ako ang unang darating ngunit may nauna pala sa akin.

Nakatalikod silang tatlo. Parang hindi ako napansin dahil seryoso sila sa kanilang pag-uusap.

"Simula ng bumalik siya naging magulo ulit ang lahat. Sa tingin ko ay tama nga kayo Rhian. Hanggang ngayon hindi pa rin nakamit ng pinsan ko ang hustisya." gumagaralgal ang boses ni Sladey na nakayuko.

Tahimik na nakaupo sa gilid niya si Rhian at Tyrone. Rhian clenched his fist, his jaw tightened and he utter a cussed.

"I will make sure this time, she will pay the life, the dreams, and the future she stole from your cousin."

Mahabang katahimikan. Hindi sila nag iimikan at pareho silang nahulog sa malalim na pag-iisip. Papasok na sana ako ng tuluyan pero agad ding natigilan, pati oras ko huminto nang magsalita sila ulit.

"Are you going to kill her?" si Sladey sa mahinang boses.

"I don't know. What do you want?" Si Rhian.

"Is that our conclusion? To end her?" Si Tyrone.

"I'm not sure. But I want her to pay and suffer to death." He vowed.

Hindi malakas ang boses nila pero rinig na rinig ko ang lahat, bawat salita—bawat letra! Kahit may kalayuan ako sa kanila ay parang binubulong nila ito sa'kin, tila ba sa akin nila iyon ipinapahiwatig.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlambot bigla ang aking tuhod. Gusto kong mapaupo dahil nahugutan yata ako ng hininga. Mabuti na lang at nakahawak pa rin ako sa door knob.

Tama ba ang narinig ko? I shaked my head. They're planning to kill someone! Hindi ko alam pero bigla ay nag bago ang pananaw ko sa kanila. Natatakot ako bigla! Gusto kong lumabas at tumakbo ngunit nawalan ng lakas ang mga tuhod ko na kumilos!

How can they utter those words as if kakain lang? They're talking of killing someone as if it's easy as 1,2,3! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Disappointed, takot, disbelief, denials and I'm even convincing myself na hindi tama ang narinig ko! Na nakakamali lang ako ng dinig!

"Missy!" hindi ako lumingon sa tumawag. Mabilis na lumingon sa akin ang mga lalaki at nakita ko pa ang labis na pagkagulat nilang tatlo.

"Vnyle!" si Tyrone na humakbang palapit sa akin ngunit agad akong napaatras.

"Whoops! You'll tripped over. Are you okay? Bakit namumutla ka?" hinawakan ako ni Cole sa balikat.

"A-ah..." tumingin ako sa tatlo. Nakita ko ang pag-alala sa kanilang mga mukha. Balak ko sanang lumabas pero nasa pintuan sina Cole at Clarke, pati na rin si Luhr at Farrell.

Gaya nang dati, sa tuwing ako'y kinakabahan at natatakot ay bigla wala akong marinig. Naging blanko ang isip ko dahil sa lakas ng tibok ng aking puso.

"Hoy, okay ka lang?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses ni Jace. Kaharap ko na siya ngayon at niyugyog ako.

"Okay ka na? What happened?" tanong niya sa akin pero di ako sumagot. Tumingin ito sa pinsan niya kaya napatingin din ako sa kanila. Alam kong nangangapa sila ng sasabihin. Nahihiyang nag-iwas tingin na lamang si Sladey nang mag tagpo ang aming mga mata.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now