Chapter 6: LITTLE MISSY

35 8 0
                                    

VNYLE

"Ang tagal mo namang makipag landian sa loob."

Eksaktong paglabas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ng insulto. Mainit ang ulo ko dahil sa mga lalaking ungas sa loob at ngayon ay may haharapin pa pala akong mga walang modo.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinagnan mula ulo hanggang paa. Gwapo sana ito kung hindi bumubuka ang bibig. Nagiging pangit siya sa basang bibig niya. Ang lalaking ito ay kasama sa nakipagsuntukan kay Zamir kanina.

"Pinaplano ko pa kasi kung paano yan susulpilin ang walang modo mong bibig." Sagot ko.

"Oh, fierce. I like the bitchy attitude," Nakangising humilig ito sa akin at bumaba ang mga mata sa aking labi. "...and that little mouth."

Bahagya akong napaatras at tinulak siya ngunit para lamang akong tumutulak ng isang pader. Nawalan ako ng balanse sa ginawa kong pag atras at buong akala ko ay mapaupo ako sa sahig. Ngunit mariing hinawakan ako nito sa bewang saka tinitigan sa mata, hanggang sa unti unti itong ngumisi ng nakakaloko bago umayos ng tayo.

"You're blushing."

"Gago ka ah!" Hinampas ko siya sa matigas niyang braso. Ngunit patuloy pa rin ito sa pag tawa ng nakakaloko.

Ano ba itong pinasok ko? Napag-utusan lang naman ako at parang pinaparusahan na akong makilala't makatagpo ang mga talampasan at mga baliw na tao!

"Huwag ka na ngang mang asar diyan." Pakli ng kasamahan nito. "Sorry about that. Are you looking for Tyrone, Miss?"

"I'm looking for a guy named, Akira. If that's him, yes." Nakasimangot na sagot ko.

"It's him. Come with us." Saka ito nagsimulang maglakad at ngumiti. Kung wala lang itong sugat sa labi ay mapagkakaalaman ko pa itong hindi makabasag ng pinggan sa amo ng mukha.

"Ako nga pala si Luhr." Pagpakilala niya. "Siya naman si Rhiannon, Rhian for short." Turo niya doon sa lalaking mukhang hangal. Kumindat ito sa akin at mas lalo lamang kumunot ang noo ko. Para siyang tanga sa kaniyang ginawa.

"And he's Clarke." Pagtungkol niya sa tahimik nilang kasama. Siya iyong lalaki kanina na nakamasid lamang sa nagsuntukan.

Tinaas lang nito ang kilay bilang pagbati at tinanguan ko lang rin ito.

Naglakad na kami pababa at mangilan-ngilan na ring studyante ang makikita rito sa gusali. Sinulyapan ko ang relo at tatlong minuto na lang bago lumipas ang alas onse.

Napapansin ko ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakakaagaw pansin naman talaga ang pagiging mala-Adonis nitong mga tindig at ang mga sugat sa kanilang mukha pati na ang uniporme nilang suot. Ngayon ko lang rin napansin na ang Blazer lang ang kanilang tanging uniporme na suot . Naka polo at maong kasi sila sa pangloob.

"Ano nga pala ang kailangan mo sa kaniya?" Tanong ni Luhr ng makababa kami sa gusali. Naglakad na kami patungong Business Department.

"Para ibigay ang mga ito." Sagot ko at tinaas ang hawak na folder.

"What's that?"

"Hindi ko alam, inutusan lang akong ibigay sa kanila ang mga ito." Tumango lang siya. Mabuti pa 'to at maayos kausap.

"Ganon ba? So, anong pangalan mo? Hindi mo kasi binigay kanina nang nagpakilala ako." Nahihiyang tumawa pa siya ng mahina.

"Hindi mo naman kasi tinanong."

"If you don't know, that's called common sense na magpakilala rin kung may nagpakilala at mukhang wala ka non." Sabat ni Rhian.

"If we're speaking about common sense then I obviously have those compared to an airhead jerk who rudely and just randomly pointing someone, accusing them flirting-unaware of what they're really doing."

The Silver Lining of Solitudeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें