Chapter 15: WHAT IS LOVE?

41 15 0
                                    

VNYLE

TAHIMIK kami habang nagba-byahi. Seryoso kasi ang mukha niya at ewan ko kung bakit. O sadya naman talagang ganiyan ang kaniyang itsura, palaging kunot ang noo.

Akala ko ay liliko kami sa subdivision pero lumagpas kami dito kaya nag reklamo ako.

"Saan tayo pupunta? Lumagpas na tayo oh."

"We're going to the resort—"

"Kahit wala akong dalang damit? Okay ka lang?"

"You can use mine, mahilig ka naman sa oversized—ouch! Sadista!" pag-aarte niya kahit alam kong hindi masakit! Nag u-turn siya pabalik sa subdivision, mabuti naman at hindi pa kami naka layo-layo.

"Sa fastfood na lang tayo mag dinner papunta doon, gutom ka na ba?" tanong niya ng maka labas kami ng kotse.

Nagpatiuna ako sa kaniya at nag pindot-pindot ng code sa pinto.

"Bakit ba kasi biglaan na lang kayo mag plano? Ang lagay nito ako pa ang nakakaabala sa inyo." pagmamaktol ko ng maka pasok at dumeretso sa taas.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Best thing happens when you least expect it, sabi nga nila Vnyle. Kaya mag ayos ka na." hindi ko siya nilingon at pumasok sa kwarto.

Maghuhubad na sana ako ng pumasok siya!

Napatalon ako sa gulat. "A-ano ba! Bakit ka pumasok? You're invading my privacy, lumabas ka!" sigaw ko sa kaniya at blangkong mukhang tumingin lang siya sa akin. Umupo siya sa kama ko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

"Ngayon ka pa nahiya e alam ko namang hindi iyan malaman." turo niya sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tinuturan!

"Aba'y gago ka ba? Wala akong pakialam kung malaman ako o hindi, lumabas ka na!" naka pamewang na sigaw ko habang nakaturo sa pinto.

Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Ilang sandali ay inihiga nito ang kalahating katawan sa kama.

"Anak ng-!" hindi makapaniwalang anas ko. "Sinabing lumabas e humiga ka naman! May saltik ka ba sa utak?"

"Ang ingay mo, magbihis ka na at mag empaki. I'll take a nap for a bit."

"Doon ka sa kwarto mo umidlip o sa sofa, hindi ako kumportableng kumilos na nakahiga ka sa aking kama." mahinahon kong saad.

Bumuka ang kaniyang kalahating mata. "Gusto ko rito, inaantok ako bigla."

Pigil ang inis kong bulyawan siya. "Bakit dito e may sala at kwarto ka naman? Bilis na." mahinang pinatid ko ang paa niya ngunit hindi man lang ito natinag at saka muling pumikit.

"I like it here. The bedsheets smell like you at inaantok talaga ako Vnyle. Just let me, hmm?" mahina ang kaniyang boses at di ako nakaimik sa sinabi niya.

Binalot ako ng kiliti sa katawan at malakas din ang pintig ng puso ko. Lumambot ang mukha ko ng ma pasadahan siya ng tingin. Parang pagod na pagod ang itsura niya, na para bang ilang araw ng hindi nakapagpahinga.

Naaalala ko ulit ang sinabi ni Trevor tungkol sa kaniyang sakit. Ngayon ko nakikita na parang nahihirapan siya sa karamdaman.

Hindi ko siya kinibo at hinayaan na lamang siya. Naging mabagal at pantay na kasi ang paghinga niya at alam kong nakatulog na.

Mabagal lang ang aking kilos at maingat na hindi makagawa ng ingay. Hindi rin ako nagmamadali para naman mataas taas pa ang kaniyang pag idlip.

Sinulyapan ko ang oras at alas otso pa lang. Ilang minuto lang pala akong nag empaki. Tinignan ko siyang naka buka pa ang bibig habang yakap ang aking unan.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now