Chapter 13: BROKEN AND FORGOTTEN DREAMS

53 14 0
                                    

VNYLE

NAGPAALAM si Cole sa akin matapos kong magpasalamat. Nahihiya daw siya na magkasama kaming pumunta dito at aalis akong mag-isa. Napangiti ako sa isipang nag kwento siya sa akin ng mga personal na pangyayari, gaya na lang ng nakaraan nilang magkakaibigan. Alam kong hindi buo ang detalye subalit alam kong it takes courage and trust to tell, especially kung stranger pa ako sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone para mag text kay Jace. Alas dos treinta pa kasi ng hapon at wala na akong gagawin, ngunit nang tignan ito ay may text ako galing sa kaniya. May biglaang lakad daw sila ni Rhian at sa lunes na lang kami magkikita.

Tumungo ako sa locker room para kunin ang aking mga gamit. Sabado na bukas, ibig sabihin magdamag akong gagawa ng mga ipapasa ko, more on case study kasi at hindi lang isang subject to.

Paglabas ng room kalayuan ay nakita ko ang paglabas din ni Clarke kausap ang isang may katandaang lalaki. Sumulyap siya sa gawi ko at muling ibinalik ang paningin sa kausap saka ngumiti. Nakita ko ang pagkamayan nila at bumalik sa loob ng pinto ang lalaki.

Ngumiti siya ng makalapit ako.

"Hello there, Missy." Malawak ang ngiti niya na sumalubong sa akin. "Let me carry that for you. It looks heavy," aniya at nawalan na ako ng oras mag protesta ng mabilis niyang kinuha ang mga gamit ko.

"Kaya kong buhatin iyan."

"Just let me, baka may makakita sa akin sabihin pang hindi ako gentleman." at tumawa ito na umaalingawngaw sa paligid.
"Saan pala ang punta mo ngayon? Jace went somewhere with Rhian, they got some personal business to do."

"Yeah, I received a text from her. At uuwi na ako sa bahay, marami pa akong gagawin." nguso ko sa kaniyang buhat na makapal na papel.

"Ito ba iyong behind activities na sinasabi mo? Ang dami pala? Saan ang kotse mo?"

Napatawa ako. "Anong kotse? Wala akong ganoon. Doon ako sa labas mag hihintay ng jeep."

"Huh? Mag co-commute ka habang dala-dala ang mga ito? At saka iyang mga bag na dala mo?" gulat niyang saad.

"E sa wala akong kotse, may magagawa pa ba ako?" sagot ko.

"Ihatid na kita. Wala na naman akong lakad."

"Wag na. Kaya ko ang sarili, salamat sa pag alok mo." nginitian ko siya.

"Sige na, iisang way lang naman tayo. Pwede kita i drop sa subdivision mo."

"Okay lang talaga Clarke. Wag ka ng mag abala pa. Akin na iyan, nandoon na ang parking lot."

"Tss. Hindi na, ihatid na lang kita sa labas at wag ka ng tumanggi."

Napatawa ako ng mahina dahil ang cute niya. Oo, gwapo din siya. Kung minsan ay tahimik, minsan naman lakas mang asar at mangulit. Hindi pa kami nakarating sa gate ng magsalita ito.

"Ako na ang hihingi ng pasensya sa mga inaasta ng kaibigan ko ha. Wag ka ring mag-alala, hindi naman kami kasing lala ng mga iniisip mo hahaha." tawa niya at nahihiyang sumulyap sa akin. "Seryoso, noong unang pagkikita natin, alam kong hindi maganda at lalo na kung sa palagay mo ay binabastos ka. Mahilig lang talaga kami mang asar at mangulit. Sana ay hindi ka nagtanim ng galit sa amin. Na ikuwento kasi ni Jace sa amin ang sobra mong pagka inis kaya, pasensya. Sana hindi ka nagalit."

The Silver Lining of SolitudeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora