Chapter 22: UNTIL THE DAWN

27 3 0
                                    

VNYLE

"Putragis ka! Leche! Baliw! Bagalan mo, gago ka! Peste!" diko mapigilan mag mura at sumigaw habang nakahawak ng mahigpit sa hawakan dito malapit sa bintana.

Dahil medyo gabi na ay mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan sa kalsada at ang ugok na kasama ko ay parang baliw na nagmamaneho! Napakabilis at nahihilo na ako!

"Bagalan mo sabi----aahhhhhh!!!!!!" sigaw ko ng napakalakas dahil akala ko dederetso na kami sa isang 10-wheeler truck na nasa unahan namin! "Tangina mo! Ibaba mo ako! Bababa ako!"

"Hahahahaha! You're funny." malakas siyang humahalakhak saka binagalan ang pagmamaneho.

Pinahid ko ang malamig na pawis sa noo gamit ang kamay, saka galit na hinarap siya.

"Funny?! Funny sa iyo yun? Siraulo ka ba? Paano kung may nangyaring masama sa atin dahil diyan sa kahambugan mo? Funny pa rin? Baliw ka ba?!"

"Nothing happened kaya wag kang masyadong OA."

"Nothing happened pala ah, ito!" Inis na sinuntok ko siya sa braso.

"What the heck? Did you just punch me?!" sigaw niya.

"Oo, kaya humarap ka sa akin at sasampalin din kita!"

"Shut up! Nakakarindi ang pag sigaw mo."

"Wala akong pake! Itigil mo sa tabi at bababa ako!" utos ko.

"Walang jeep dito at gabi na."

"Mag taxi ako—"

"Babagalan ko na ang pagmamaneho. Gabi na at baka ma paano ka pa." sabi niya sa kalmadong boses.

"Bwesit! Sana sumabay na lang ako kay Cole o kay Zamir!" pagmamaktol ko.

"They're worst than me. Kaya nga diba kahit anong bilis natin, nakita mo ba ang kotse nila?" sinulyapan niya ako.

Hindi ako naka imik. Oo nga! Ang bilis ng takbo namin pero hindi ko na nakita ang kotse ng mga kaibigan niya! Punyeta, ano ba itong pinasok! Napatampal na lang ako sa noo saka tumingin sa labas.

Ang awkward na nga ng sitwasyon ko, natatakot pa ako at nahihiya rin! Gusto ko na lang pabilisin ang oras pero mukhang matagal pa ang byahi namin.

Ilang segundo rin kaming walang imikan. Hindi siya nagsasalita at ako naman ay nanatiling sa labas lamang nakatuon ang paningin. Malapit na nga lumalim ang gabi kaya madilim na rin ang paligid na nadadaanan namin.

"Yung sinabi mo kanina..." agad ko siyang nilingon ng magsalita siya. Nagkatinginan kami pero agad niyang binawi at humarap sa daan. "...na natatakot ka sa amin. Sa akin ba?"

Alam kong nanlaki ang mga mata ko at biglang natuyo ang lalamunan ko. Yumuko ako at tinignan ang paanan.

"H-hindi ah. B-bakit naman ako matatakot sa... sayo..."

"Bakit ka nga ba matatakot sa akin?" deretsong tanong niya. Hindi naman ako sumagot. Alam kong lumingon siya sa akin pero inaaliw ko ang sarili at nasa harapan lamang ang paningin. Alam ko rin nanlamig ang mga kamay ko.

Tumahimik ulit ang loob at kung saan-saan na napadpad ang isip ko para mabawasan  ang kabang nararamdaman ko.

"She was so pure and kind. Sobrang bait." bigla ay nagsalita siya ulit ngunit hindi ko inalis ang paningin sa harap. Napakunot noo ako dahil naguguluhan ako sa kaniyang pinagsasabi.

"Lahat kinakaibigan niya. She's sweet to everyone at maalalahanin din. Minsan pa nga siyang hino-hold up pero pinag grocery pa niya!" tumawa siya ng mahina. "Lumaki siyang napapalibutan ng mga lalaki kaya natural lang na protektahan namin siya bilang ka isa-isa naming babae."

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now