Chapter 16: SUNSETS, BUT SUNRISES

50 15 0
                                    

VNYLE

Pagkatapos kumain ay sinamahan ako ni Atticus pumunta sa kotse para kunin ang aking gamit. Tahimik kaming naglakad, habang ako ay abala pa rin sa pag tingin sa paligid.

Ang ganda talaga dito. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang lugar na ito sa aking panaginip. Parang lahat ay pamilyar sa akin, ito na yata ang tinatawag nilang deja vu.

"Do you know how to swim?"

Umiling ako. "Hindi pa ako nakaranas kaya parang hindi." natatawa kong ani.

"I'll teach you."

"Talaga? Excited na ako!"

Ngumiti siya. "Pero, seryoso ka talaga hindi ka pa nakapag outing?"

"Ang hirap ba talagang paniwalaan?" tumatawa kong sabi. "Totoo talaga, hindi kailanman kami nag outing nilang at Kcy ng ganito dahil busy sila."

"Sinong sila? May iba palang nakatira sa bahay ni Kcy maliban sa iyo?"

"Yes, hindi naman pag mamay-ari" ni ate Kcy ang bahay mag-isa, may kaibigan din siya, at lahat sila naging kaibigan ko rin. Ang bait nga nila at pinatira ako sa bahay nila."

"Bakit? Saan ka pala nakatira noon?"

"Hmm... nag renta lang ako ng kwarto e. Mas malaki pa ang banyo doon kanina sa kwarto. Napakaliit! Yung tipong sakto lang ang aking katawan para makadaan dahil pag pasok mo, higaan na agad." tinignan ko siya ng tahimik siya.

"And why is that?" sinalubong niya ang aking tingin kaya nag-iwas ako.

"Anong why, hahaha! Kasi iyon lang ang makayanan ko! Nag ta-trabaho ako, oo, pero hindi sapat ng iyon sa dami ng gastusin lalo pa't nag-aaral ako ng kolehiyo. Dakilang anghel lang talaga silang ate Kcy na dumating sa buhay ko, ang laki ng utang na loob ko sa kanila. Hindi ako magmumukhang tao kung hindi dahil sa kanila, utang ko ang buhay sa kanila."

"Don't say that. They're helping you hindi dahil para magiging utang mo ang buhay sa kanila, they're helping you para baguhin ang buhay mo. I know Kcy very well, hindi siya tumutulong para angkinin ang buhay ng tinutulungan niya. Kaya, stop feeling that way, hindi siya matutuwa kapag narinig ka niya ng ganoon."

Hindi ako nakasagot agad dahil iniintindi ko pa ang lahat ng kaniyang sinabi. Katulad na katulad din ang sinabi niya sa sinabi nilang Damian at Bryson noon.

"Kilalang kilala niyo talaga si Ate Kcy no?"

He smiled. "Yeah, we grow up together."

Nagulat naman ako. "Teka nga! Ilang taon na ba kayo? Matanda pa si ate Kcy sa akin ah!"

"I'm 32 and Trevor also, Damian and Bryson are both 31. Kcy is 32 as well right?"

"Ka edad niyo pala sila Rhian!"

Biglang nag-iba ang kaniyang mukha. "I guess, yeah."

"Kuya na pala kayo sa akin e, ate kasi tinatawag ko kay ate Kcy, hahahaha!"

"Don't you ever call me Kuya. I don't want you to be my sister, I only want you to be my lover."

Doon ako natahimik. Huminto siya at tumingin sa akin. Nandito kami ngayon sa buhanginan sa gilid ng dagat, naglalakad pabalik sa beach house. Napahinto rin ako at tumingala sa kaniya, ang tangkad kasi.

Nagkatinginan lang kami at ilang sandali pa ay hinawi niya ang mga buhok kong nagsisiliparan sa mukha.

"Do you mind having a lover with seven years difference of age?" bigla ay seryosong tanong niya.

Napakurap lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin! Bigla-bigla na lang talaga siyang bumibitaw ng mga salita na hindi ko inaasahan.

Tumawa ako ng mahina para itago ang pagkailang.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now