Chapter 14: GLIMPSE OF THE PAST

59 15 0
                                    

VNYLE

ALAS nuebe na ng umaga ng magising ako. Tuwing sabado lang kasi ako nakakabawi ng tulog dahil palaging maaga akong gumigising sa weekdays, isa pa ay magdamag kong ginawa ang mga gawain. Pagkatapos ng hapunan namin kagabi ay walang imik na umalis si Atticus sa kusina at agad dumeretso sa taas at hindi na muli itong bumaba. Si Trevor naman ang nag presenta na magligpit sa kusina kahit anong pilit ko sa kaniya.

Nag-inat ako ng katawan at napagpasiyahan kong maglaba ngayon. Hindi naman marami kaya alam kong matatapos rin ako kaagad. Gusto ko rin kasing magpahinga muna bago umalis ng bahay dahil simula na ng practice mamayang hapon.

Lumabas ako ng silid at nadatnan ko si Bryson at Damian sa sala, naglalaro ng NBA. Magkapanabay silang lumingon sa akin at nakita ko agad ang mapuputing ngipin ni Bryson.

“Good morning!” bati niya. “You woke up late, well you need it. Bumababa ka na doon at mag breakfast.”

“Good morning, Vnyle.”

“Morning.” Dahil busy sila sa ginagawa ay hindi na rin ako nag tanong pa ng kung ano. Pagkapasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Trevor na kumakain.

“Oh, Vnyle! Good morning.”

“Hi, morning.”

“Tara kain. I already heated up the food.” Kumuha ako ng pinggan at umupo katabi niya.

“Coffee?”

“I don’t drink coffee, thanks.” Ani ko. “Parang si Atticus lang ang hindi ko nakita ah.”

“Aga-aga hinahanap mo agad no?” tinignan ko siya ng masama.

“Ke aga-aga nang-aasar ka, no?” tumawa lang siya. “Saka bakit ba tinutukso niyo ako sa kumag na iyon, ha?”

“Wala lang. Bagay kasi kayo. Bakit ayaw mo ba sa kaniya?” deretso at seryoso niyang tanong na hindi ko inaasahan.

“Wala akong gusto sa kaniya.”

“Bakit naman? May itsura naman ang kaibigan ko ah!” at tumawa siya ng malakas.

Mahinang pinatid ko siya. Alam ko naman na may itsura nga ang kaibigan niya, kung tutuusin, sobrang gwapo talaga ni Atticus, kung gwapo si Rhian ay mas gwapo talaga si Atticus. Pero alam kong wala akong gusto sa kaniya, pwera na lang kapag nasa malapit siya ay kinakabahan akong talaga.

“May pupuntahan daw siya, kakaalis nga lang e.” napatango lang ako at tahimik kaming kumakain. Hindi kasi siya kagaya ni Damian o Bryson na madaldal at mahilig mangulit at magbiro. Siya naman ay seryoso palagi. Ganun din naman si Atticus pero nagawa niyang makipag-usap sa akin ng kung ano-anong bagay.

Nag-uusap kami tungkol sa banda hanggang sa umabot kami sa mga foreign artists na ikinagulat pa niyang kilala ko. Hindi rin kami nag tagal at umakyat ako sa taas. Nagtatalo na naman kasi kami kung sino ang mag ligpit pero ayaw niyang magpa talo.

Sa taas ay nandoon pa rin sila sa pwesto nila. Agad kong ginawa ang mga kailangan kong tapusin at bandang alas onse ay natapos na ako lahat pati sa pagligo. Pagbaba ko ay nandoon silang lahat sa sala, pati si Atticus. Kusa akong napahinto ng lumingon siya at nagsalubong ang aming mga mata.

Nahigit ko ang hininga. Nandito na naman ang mga kiliti ko sa tiyan at ang lakas ng pag tibok ng aking puso. Pinigilan ko ang mapasinghap ng mapasadahan siya ng tingin.
Bagong gupit at malinis ang mukha. Wala na ang mga balahibo niya sa panga at baba. Lalo siyang gumuwapo sa itsura niya.

Mabilis akong bumalik sa katinuan ng mahagilap ko si Trevor na nanunuksong tumingin sa akin at nakangisi.

“Oh, Vnyle, nandito ka na pala. Halika rito at may sasabihin kami sa iyo.” Si Damian.

The Silver Lining of SolitudeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora