Chapter 21: VERNEL

39 7 2
                                    

VNYLE

"What?! E, bakit kasama pa ako?" bulyaw ko na tumayo pa.

"Sit down and lower your voice." mahinahon na wika ni Sladey. Napahiya man ay sumunod ako sa kaniyang sinabi.

Tahimik lamang silang lahat na nakaupo. Si Tyrone at Matthew ay nandoon sa lamesa na pabilog kasama ni Zamir. Ang ibang lalaki naman ay nandito sa sofa, katabi ko, habang nag papaliwanag si Sladey sa lakad namin.

"It's just a 2-day rendezvous, Vnyle. Babalik tayo agad sa Sunday. You need to be there dahil kasali ako na mag perform at walang mag manage kung sakali." mahinahon pa rin niyang saad.

Sinasabi niyang may kakilala daw siya na kumontak sa kaniya at inaanyayahang mag perform sa gagawing grand opening sa isang luxurious resort na pagmamay-ari nito, sa isang lugar sa bahaging Norte ng probinsya. Naisipan ni Sladey na magandang oportunidad ito para sa kanila lalo pa't matagal na silang hindi naka pag perform sa harap ng madla. Exclusive naman daw ang event na iyan at pawang mga kilalang personalidad lamang ang nandoon.

"Bukas ng umaga ay aalis tayo. At sa Sunday ay babalik din tayo agad sa city. Wala ka namang gagawin diba aside sa mga activities na tatapusin mo?" baling sa akin ni Clarke.

"May own hotel room din tayo at free accomodation. Wala na tayong gagastusin or if ever meron, we can cover it." wika naman ni Farrell.

Hindi ako sumagot. Ayaw ko talagang sumama. Malayo ang lugar na iyon, isa pa marami pa akong behind activities na kailangan kong gawin. Kung mag pe-perform sila, ako lang din maiiwang mag-isa sa sulok. Private event din at ayaw kong makipag halubilo sa mga tao lalo na at mga mayayaman! Ang daming dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa kanila.

"Hindi ba pwedeng kayo na lang? Wala naman akong silbi doon." pagmamaktol ko.

"As I said, you are the manager. Trabaho ang pupuntahan natin doon." may halong inis na saad ni Sladey.

"May dahilan ka ba kung bakit ayaw mong sumama? Sabihin mo para magawan natin iyan ng paraan." Sabat ni Luhr kaya napayuko ako.

Tumahimik silang lahat at alam kong nakatingin din sila sa akin na hinihintay ang sasabihin ko.

Sumimangot ako at tinignan sila. "Una,—"

"The heck? Marami pala?!" naiwan sa ere ang daliri ko na magbibilang sana dahil sa biglaang pag singit ni Rhian kaya tinignan ko siya ng masama. He motioned me to continue at malakas na buntong hininga lang ang tugon ko. Natawa naman ang iba sa akin saka naghihintay ulit sa sasabihin.

"Unang una, napaka layo ng lugar—"

"May sariling Van tayong gagamitin. At pwede tayong mag stop for bio break at kumain." singit ulit ni Rhian kaya napailing na lang ako at di siya pinansin.

"Pangalawa, marami pa akong gagawin na activities na kailangan kong ma submit sa Tuesday—"

"I'll help you with that, kung di mo pa alam, I got the brain and knowledge of everything. Ano pa?" maangas na singit ni Sladey.

"I can help you with that as well, V. Don't even worry about it." sabat ni Cole. Hindi ko sila pinansin saka muling nagsalita.

"Pangatlo, hindi naman pwedeng kasama niyo ako sa stage habang nag perform kayo."

"You're right. So what?"

"Mag-isa lang ako niyan sa gilid panigurado. Walang kausap, walang kilala."

"Habang nag perform kami pwede ka namang makipag halubilo sa mga bisita," Si Rhian ulit.

"Yun na nga ang pang-apat! Ayaw kong makipag halubilo sa mga tao! Lalo na sa mga mayaman!"

"Why not? It's a good opportunity para magkaroon ka rin ng kaibigan." kunot noong tanong ni Farrell.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now