Chapter 24: MAD TRUTH

37 2 1
                                    

VNYLE

Ewan ko ba pero kung saan nandito na ako sa harap ng pintuan ay saka ako nahihiyang pumasok.

Kanina lang ay ang lakas ng loob at kumpyansa ko pero ngayong nandito na ako, natatakot ako bigla. Natatakot ako kung anong meron sa loob. Natatakot akong makita siya.

Kakatukin ko na sana ang pinto pero kusang nahinto ang mga kamay ko sa hangin, at dahan-dahan ko itong ibinaba saka huminga ng malalim. Kinakabahan ako!

"Pumasok ka na. We don't have much time." para siyang demonyo sa gilid ko na bumubulong. Pinandilatan ko lang siya ng mata at mahina siyang tumawa.

Hindi na ako kumatok kaya binuksan ko na ang pinto. Hindi naman bumungad sa akin agad ang hospital bed. May pasilyo muna at mula rito ay naririnig ko ang pag sigawan nila.

"You all knew about this pero ni kahit isa ay wala man lang nagsabi sa akin? Kaibigan ko ba talaga kayo?" sigaw ng lalaki.

"Don't shout. Lower your voice, we have a patient here." si Trevor iyon! Kalmado lang ang boses nito. Maingat lang akong nag lakad ng mahina patungo sa kanila kaya mas lumakas pa lalo ang kanilang boses.

"Shut up, Trev!" mabilis na sagot nito. Galit na galit talaga ang boses nito. "Alam niyong ako dapat ang unang makakaalam tungkol dito and yet, nag eenjoy pa kayong ilihim sa akin ito! What the heck?"

"Look, hindi rin namin ito inaasahan and something about her is not right! We're trying to confirm some things first bago namin ipaalam sa iyo dahil baka nagkakamali lang rin kami." kalmadong ani ni Damian.

Huminto ako malapit sa ding-ding. Nakatalikod silang lahat at nakapamewang naman iyong lalaking sinundan ko kanina. I was right. Kilala ko nga ang mga lakaking binabanggit niya kanina. May dalawang bed pero diko alam kung sino ang mga nakahiga doon kasi malalaki silang tao.

"Ano pang aalamin niyo? Para saan pa? Para magpaka bulag ulit?" nanginginig na ito sa galit. "Are you planning to destroy your life, Atticus? Magpapakabaliw ka na naman ba sa babaeng iyon?!"

"It's not like that! Ano ba? Hindi mo ba ako naiintindihan?" lumambot ang puso ko ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila at pinag-uusapan pero alam kong galit na galit sila sa taong ito. "Wala akong gusto sa kaniya at sinusubukan ko lang kung hanggang saan niya kayang magpanggap!"

"Hindi ko maintindihan kung bakit umabot ka pa sa ganyan para malaman mo kung nagpapanggap siya!"

"Iyan din ang sinasabi ko sa kaniya! Ewan ko ba at kinokonsente niyo iyang kaibigan niyo!" singit ni Triston saka sinulyapan sila Damian.

"There's nothing wrong with Vnyle! As I said we're not sure yet!" naiinis na mungkahi ni Bryson. Ako naman ang nagulat! Ako pala ang tinutukoy nila!
"Kung nakakasama niyo siya ng ilang araw ay masasabi niyo rin iyan! Ibang-iba siya!"

"She's not worth it! She's just pretending para lokohin kayo at nagpapaloko nga kayo! Ayaw ko sa babaeng iyon! Para ano pa?" sagot nito sa kakambal.

"Trist, your twin is right. Iyan din ang iniisip ko noong una. Akala ko nagpapanggap lang siya but no, she's not even acting."

"You cannot convince me, Damian! If you do, try harder!"

"It's not her fault! Bakit ka ba sa kaniya nagagalit? Hindi siya ang pumalo ng kahoy sa amin ni Bryson! Bakit mo ba pinipilit na isali siya rito sa usapan?! Kung anong meron kami, sa amin na iyon! Problema ko na iyon!" nahigit ko ang hininga sa kaniyang sinabi. Anong pinalo ng kahoy? At saka bakit kasali ako? Ang daming tanong sa isip ko ngayon pero nanigas lang ako sa kinatatayuan. Hindi ko alam ang nangyayari pero gulong gulo ako!

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now