Chapter 9: DISCERNING THE WHO'S WHO

56 22 6
                                    

VNYLE

Ilang minuto din akong inaasar at kinukulit pero hindi ko sila pinansin. Palagay koy wala rin naman akong magagawa at ma pipikon lang ako ng todo pag pinatulan ko sila. Di naman nag tagal ay kusa silang tumigil. Kaya payapa akong kumakain habang nag-uusap sina Luhr at nakikinig lang kami ni Jace sa kanila.

Isang oras rin ang itinagal namin don bago ko napagpasyahang tumayo na. Balak kung umuwi at wala na namang klase. Sinulyapan ko ang oras at mag aala una trienta na ng hapon.

"Saan ka pupunta ngayon? Wala ng klase." Tanong ni Jace at napatingin naman sa amin ang lahat.

Hindi ko ikinuwento kay Jace ang tungkol sa mga bisita ko sa bahay, at wala akong balak ipaalam. Nahihiya din kasi ako kung ano ang kaniyang masasabi pag malaman niyang may mga lalaki akong kasama sa bahay.

"Uuwi na ako. Ikaw ba?"

"Hindi ko alam, wala na kasi akong gagawin." Kibit balikat niyang sagot.

"Well," Napatingin kami kay Farrell. "May plano kami ngayong mag dinner sa bahay niyo, Ace. You can come over, Missy."

Napatalon sa tuwa si Jace. "Oh? Talaga?" Lumingon sya sa akin. "Tara, punta ka na! Hindi ka pa naka punta sa amin diba? Taraa! 'Wag kang tumanggi!"

Tumingin ako sa kanila na ngayon ay naka tingin sa akin. May kasama ako sa bahay pero naiinis ako sa kanila. Kung sasama ako kay Jace, nandoon naman ang pinsan niya at ayaw ko rin siyang makita. Pero, gusto kong pumunta dahil nga di pa ako naka dalaw sa bahay niya.

Nakatingin silang naghihintay sa sagot ko at diko mapigilang mapakamot ng ulo.

"Sige, kung okay lang."

"Ayosss! Excited na ako sa ating gagawin!" Tuwang tuwang bulalas ni Jace.

"Ke tagal sumagot, sasama rin naman pala." Sabat ni Rhian. Pinandilatan ko ito ng mata pero siniringan lang niya ako at natawa naman ang kaniyang mga kaibigan.

"Pakialamero!"

"Hahaha, 'wag mo ng pansinin yan si Rhian." Si Jace. "Sabay na tayo?"

"May gagawin pa ako sa bahay eh. Susunod lang ako, doon sa kanto ng subdivision mo na lang ako sunduin, pwede ba iyon?"

"Ay, ganoon ba. Sige, text mo na lang ako."

"Sige, mga six sharp siguro." Tumayo na ako at nanatili pa rin silang naka tingin sa akin. Tsk, para naman akong bastos kung aalis ng hindi nagpaalam.

"Ingat ka, Vnyle. See you! Hihihi." Saad ni Jace na humahagikhik.

Sinulyapan ko sila. "Mauna na ako sa inyo, Luhr. Salamat sa lunch."

Ngumiti siya. "No probs! But it's Rhian's treat."

Tinignan ko si Rhian na pinag-krus ang mga braso sa dibdib na tumitig sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang naghihintay.

Bwesit talaga iyang pagmumukha niya! Nilabanan ko ang kaniyang mga titig at kusa naman niyang ipinikit ang mga mata.

"Ano? May sasabihin ka ba?"

Naramdaman ko naman ang mga tingin ng mga kasama namin. Napabuntong hininga ako saka tumalikod.

"Salamat sa pa kain." Wala akong narinig mula sa kanila kaya nagpatuloy na lamang ako sa pag lakad hanggang maka labas ng Canteen.

Tsk, tsk. Gwapo naman talaga si Rhian pero kusa akong naiinis sa kaniya kahit wala siyang ginagawa.

"Huwag kang masyadong tumingin sa iba. Masakit sa mata."

Napahinto ako sa paglakad ng marinig ko bigla ang sinabi ni Atticus. Napa mura ako ng maalala siya at ang mukha niya. Inang pagmumukhang iyan, kusang sumusulpot sa aking isipan!

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now