Chapter 8: TROUBLE IS A FRIEND

32 8 1
                                    

VNYLE

Maaga akong gumising upang makagayak. Ayokong matulad kahapon na nagkandarapang umalis sa bahay. Kinuha ko ang cellphone para tignan ang oras saka ako nag charge. Alas 5 pa ng umaga kaya medyo madilim pa.

Tamad na lumabas ako ng kuwarto at napahintong sumulyap sa katabing pinto. Naaalala kong may bisita pala kagabi.

"May housemates na pala ako mula sa araw na ito. Tss."

Mga gwapo at mayabang na housemates.

Bumaba ako habang himihikab saka dumeretso sa kusina.  Ano kaya ang ipapakain ko sa mga rich kid na iyon? De lata lang ang mahanap kong ulam eh. Mga maarte pa naman hindi kagaya nilang ate Kcy na cow boy kung tawagin. Naisipan kong mag withdraw mamaya para mag grocery ng mga totoong meat at fish, nakakahiya naman sa sardinas at corned beef!

Naabutan ko si Trevor na gumagawa ng pancakes at may mga marmalade jam din sa lamesa. Wala naman akong ganoong stock dito, saan naman niya nakuha ang mga iyan? Nakatayo lang ako sa may gulwaan, pinagmasdan ko ang isang lalaking seryosong seryoso sa kaniyang ginagawa.

Hmm...napaka guwapo rin naman talaga ng lalaking ito! Naka messy bun at nakalugay ang kalahati ng kaniyang buhok abot hanggang balikat, na hindi ko napansin kagabi na mataas pala! Nakakunot din ang kaniyang noo at magkadikit ang makapal na kilay. Gumagalaw ang kaniyang panga na may medyo makapal na balbas mula sa tainga patungo sa ibaba ng ilong at bibig. Nakasuot rin siya ng kulay-abo na loose jacket at jogging pants na terno.

Tsk...tsk...hindi na ako magpakahipokrita dito, aaminin kong mga magagandang lalaki ang mga bagong dating sa bahay.

Napalingon siya sa gawi ko na nagpabigla sa akin kaya tumayo ako ng maayos.

He greeted me with a faint smile. "Good morning, Vnyle." Malayo kami sa isa't isa pero dahil malaki ang boses niya, malinaw pa rin pakinggan.

Tumango ako. "Ba't ang aga mong nagising? Alas singko pa lang ah."

"Because he woke me up for a run." turo niya sa likod ko. Lumingon agad ako at bahagyang napaatras. Sumalubong sa akin ang mga matang misteryoso iyon.

"A-atticus!" Nagulat ako ng makita siyang matamang nakatitig sa akin. "Kanina ka pa ba diyan?" Pilit kong tinatago ang pagkagulat. Matagal bago siya sumagot at bahagya pang umiiling.

He smirked. "You really love screaming my name, huh." Mahina at malumanay niyang sabi, ako lang yata ang nakarinig non. Magulo na medyo basa ang buhok niya sa pawis. Tinaas ko lang ang kilay at tinignan siya ng masama.

Mang-aasar na naman ito!

"Napaka-assuming mo talaga! Ano ba kasing ginagawa mo diyan!" naaasar na tanong ko.

"Watching you while you're fantasizing my friend." matamlay niyang sagot na nagpapula sa aking pisngi.

"A-anong f-fantasizing!?" I exclaimed and quickly glanced at Trevor na ngayon ay amused na tumingin sa gawi namin. "I was not fantasizing him! Sinusuri ko lang kung anong ginagawa niya. Napaka meaning maker mo, alam mo ba iyon?"

"Tsa... defensive masyado." Mahinang bulong niya. Tinignan ko siya ng masama na siniringan lang ako.

Trevor grinned. "Oh, really? What can you say about me, Vnyle?"

I growled in displeased. "In your shitty dreams!" Malakas lang itong tumawa na inirapan ko bago binalik ang paningin sa katabi.

Lokong 'to! Anong akala niya sa akin may FPP? Blanko lang ang kaniyang mukha na nakatingin sa akin.  Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa, kagaya ni Trevor naka activewear get-up din ito pero naka puting V-neck na ang pangtaas na nagbibigay diin sa maskuladong braso niya habang naka sabit ang jacket sa balikat.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now