Chapter 23: TREPIDATION

25 3 0
                                    

VNYLE

Pagkapasok ng kotse ay nandoon na silang lahat. May nakaparada ring mga kotse sa tabi ng Van.

Tumingin silang lahat sa gawi namin. Bigla yata akong kinabahan at ewan ko kung bakit!

"I hope mag enjoy ka rin sa lakad natin. Friend mo naman pala ako, akala ko may pagnanasa ka sa akin." aniya saka mabilis na umibis sa kotse. Mabilis rin akong lumabas at sinigawan siya, loko talaga siya.

"Bawiin mo nga iyong sinabi mo! Wala ka talagang kwenta!" sigaw ko na nakatayo sa kaniyang tabi. Binuksan niya ang backseat at kinuha ang gamit namin. Alam kong nakatingin sa amin ang lahat ng nagtataka.

Humarap siya sa akin pero nilagpasan niya ako at lumapit sa mga kaibigan.

"Bakit ko naman iyon babawiin? Ikaw naman nagsabi non sa kanila ni manong?"

Napakunot noo akong sumunod sa kaniya. "Hindi iyon ang ibig kog sabihin!"

Tumigil siya at humarap sa akin. "Ah, you mean yung may pagnanasa ka sa akin?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at nginisihan lang niya ako!

"Omg, ano tong naririnig ko?!" kinikilig na tili ni Jace. Pati ang iba ay nakatingin sa amin pero hindi naman sila ngumingiti.

Inis na kinuha ko ang sombrero na suot at ibinato sa kaniyang mukha. Hindi siya nakailag kaya nasaktan siya!

"What the fuck! Ano ba?!" sigaw niya sa akin. Tinaas ko ang manggas ng t-shirt ko papunta sa balikat. "What are you doing?"

"Yayayain ka ng suntukan."

"Ohh...." si Cole na malakas na tumawa.

"Hahaha, sa payat ng braso mo..." inis na tinignan ko si Rhian at ngumiti lang siya.

"Hahaha." si Jace na lumapit sa akin at niyakap ako. Binaba niya rin ang manggas ng t-shirt ko. "Tinatawanan niyo itong kaibigan ko e magaling tong mang gulpi ng mga lalaking mahilig mang asar!"

"Hahaha, are you serious?" tanong ni Clarke.

"Hmm. Deadly serious. Kaya wag kayong magpa kumpyansa okay? Kunting tips lang naman!" malakas na tawa ni Jace at inamoy pa ang buhok ko. "Naligo ka?"

Bumuntong hininga ako. "Oo, di ako nakapaglinis ng katawan ka gabi e." sabi ko at tinignan ng masama si Sladey, nakatingin rin siya sa akin habang nilalaro ang sombrero ko.

"Bakit naman e di ka nakakatulog kapag malagkit ang iyong katawan diba?"

"Anong di makatulog? Ang lakas nga humilik, ka babaeng tao!" Tangina! Di ko siya nasabihan na wag na lang ipagsabi na natulog ako sa bahay niya! Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin.

"What do you mean?" Si Rhian na naka krus ang braso.

"Tumahimik ka!" pagbabanta ko sa kaniya.

"Omg, what's happening." si Jace.

"She sleep with me." anas niya at biglang tumahimik kaming lahat. Walang kumilos at nakatingin silang lahat sa akin.

Mas lalo akong nainis ng tignan ko siya ay nagpapigil itong tumawa na tila nag eenjoy siya sa nangyayari!

"Ghad, Vnyle! Hindi ka na Virgin!?" sigaw ni Jace at napaubo naman si Sladey ng wala sa oras maging ang iba ay naramdaman kong nakatingin sa akin. Bwesit talaga! Alam kong namumula na ako sa hiya at galit!

"Of course I am still a virgin!" hindi ko mapigilang sumigaw kahit nahihiya na ako sa pinag-uusapan namin! Sa harap pa mismo ng mga lalaki!

"Damn..." hindi ko alam kung sino iyon pero nahihiya akong humarap sa kanila.

The Silver Lining of SolitudeWhere stories live. Discover now