Chapter 25: A REUNION OF STRANGERS

30 3 1
                                    

VNYLE

"Vnyle...wake up."

Nagising ako sa mahihinang tapik ni Jace. Bumungad sa akin ang maganda niyang mukha nang imulat ko ang mata, naka dungaw siya sa akin at may pag-aalinlangan sa mukha niya kung dapat ba ay gisingin niya ako o hindi.

"Mag aalas singko na ng hapon. The event will start at 6." mahina niyang anas. Matagal  bago ko maunawaan ang kaniyang sinabi kaya napabalikwas ako ng bangon at dumeretso sa bag ko para kunin ang susuutin ngayong gabi.

"Naku, pasensya na kayo Jace." natataranta kong ani saka sinulyapan ang wall clock sa kwarto. "Naka handa na ba silang lahat? Mag bibihis muna ako ah."

"No, okay lang. Ano ka ba. Saka, nag tatalo nga ang mga lalaki kanina kung gigisingin ka ba o hindi. You need to rest but they need you kaya nahihiya sila sa iyo."

Hinarap ko siya at nag tagpo ang aming paningin. Binigyan niya ako ng isang ngiti, yung ngiti dahil sa awa. Naalala ko ang nangyari kanina sa hospital. Sinabi kaya ni Rhian sa kanila ang nangyari? Sabagay, ano naman ang idadahilan niya kung bakit ganoon ang itsura ko kanina? At saka totoo naman ang lahat.

Yumuko na lang ako saka daling pumasok sa banyo. Nahihiya ako kay Jace at lalo na sa mga kaibigan niya. May mukha pa kaya akong maihaharap sa kanila sa kabila ng mga nangyayari sa akin ngayon? Hindi ko alam. Naalala kong may usapan nga pala kami kanina na hihintayin nila ako, pero sa halip ay nakatulog ako sa di malamang dahilan. Dahil yata sa pagod ay pag iyak.

Lumapit ako sa salamin at tinignan ang kabuuan. Tinitigan ko ang sarili, ngunit pati ako ay gustong maiyak sa itsura ko. Gulong gulo ang buhok, mapula at mugto ang mata, gusot ang basa na damit...kahit ako ay naaawa sa aking sarili. Hinawakan ko ang sarili sa salamin at ngumiti.

"Nakakaawa ka nga...dahil sarili mo'y hindi mo kilala. Pero wala ka nang magagawa kundi maging matatag kagaya nang palagi mong ginagawa."

Pumunta ako sa lababo at naghilamos. Nagustuhan ko ang malamig na tubig na lumapat sa aking mukha. Parang naibsan ang sakit ng ulo ko, sana pati na rin ang kirot dito sa puso ko. Pero parang impossible. Gusto ko na lang ay matapos ang gabing  ito at baka sakali pagka gising ko ay malilimutan ko ang lahat nang ito. Sana nga ay panaginip lang ang lahat.

Binilisan ko na ang pag kilos at pagkatapos mag bihis ay lumabas ako, pero di ko na nakita si Jace doon. Inayos ko ang sarili, itinali ko ang buhok na naaayon sa dress ko na kulay puti, hindi ito maikli ngunit di rin mahaba, pinarisan ko rin ito ng sandals na ibinigay ni Jace sa akin noong pumunta ako sa bahay niya. Nagsuot na rin ako ng salamin upang itago ang pamumugto ng aking mga mata.

Pinagmasdan ko ang kabuuan sa salamin nang bigla ay pumasok si Jace. Nag tagpo ang aming mata at ngumiti siya sa akin saka lumapit. Tinignan niya rin ang kabuuan ko.

"You're so beautiful, Vnyle." Namamanghang pag puri niya.

I smiled. "Aanhin ko naman ang kagandahan kung—" kusa akong natigilan sa pag sasalita at nagka tinginan ulit kami sa salamin. Pinigilan ko ang sarili na matawa sa na iisip pero ayaw ko namang matakot sa akin ang aking kaibigan. Napakagat labi na lamang akong nag-iwas ng tingin.

"Rhian told us everything." mahabang katahimikan ang bumalot sa loob.

"Matatakot ka kaya sa akin?" Halos pabulong na tanong ko. Hindi siya agad sumagot. Nahihiyang natawa na lang ako saka nag kunwaring inayos ang damit.

Umalis ako sa harap ng salamin at saka pumunta sa kama para kumuha ng panyo. Kailangan ko ng panyo dahil pakiramdam ko ay ilang sandali lang ay bubuhos ulit ang aking luha.

The Silver Lining of SolitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon