Chapter 13

15 3 0
                                    

Chapter 13

Another year has passed and I am still confused by my feelings towards this man who becomes my savior during my lonely times.

I don't want to admit it to myself because I know that it's wrong. I don't wanna tell anyone even Charbhel because I know... this will cause so much trouble.

But still, I remain friends to him... to Shan... to my dear Mr. Serious.

"Paki-labhan 'to Katrina. My pupuntahan kasi kami ni Emily at 'yan isusuot namin." Wala parin pag-babago sa pakikitungo saakin sina Emelyn at Emily. I don't want to cause so much trouble again, and to stress Mama about it kaya lahat nalang ng pinapagawa nila ay ginagawa ko even their project at school, kahit hindi ko alam ang mga 'yon ay pilit kong inaral. Sabi ni Shan mahirap sa college pero kailangan ng pagsisikap at mahabang pasensya at naintindihan ko 'yon ng mag-simulang ipagawa saaking ang mga projects nila Emily na dapat sila ang gumagawa. Sa edad na 15 marami-rami na akong natututunan tungkol sa pinag-aaralan nila kaya inisip ko nalang na makakatulong 'yon sa akin sa tamang panahon. Kaysa naman sa mag-reklamo pa ako at makatanggap ng sakit sa katawan at masasamang salita galing sa mga kapatid ko.

"Ayan, diba? Mas tahimik kung ginagawa mo lahat ng mga pinapagawa namin sa'yo?"

Huminga ako ng malalim at tinapos nalang ang pinapalabhan nilang mga damit. Pakatapos ay nag-pasya akong pumasok at mag-pahinga sa sala. Wala kasing pasok ngayon dahil linggo. Nasa may pinto na ako ng marinig ko ang usapan nina Mama at ng kambal.

"Uuwi po si Papa, Mama?" 'yon ang saktong narinig ko, masaya at nag-tatalon pa ang dalawa. "Finally!"

"Oo, pero isang buwan lang s'ya mananatili dito dahil marami pa s'yang trabahong gagawin." I don't know what to feel. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot. Hindi ko naman tatay 'yon at alam kong hindi rin ako gusto ni Tito Angelo, naramdaman ko iyon ng magkasama kami noong ipinakilala s'ya saakin ni Mama.

Sa halip na dumeretso ako sa sala ay tumuloy nalang ako sa aking silid at mas piniling mapag-isa. Kailan ko ba makakasama ulit ang Papa ko? Kailan ko ba ulit s'ya mayayakap? Kailan ko ba ulit maririnig ang tinig n'ya na palaging ipina-paalala saakin na kakayanin ko lahat kapag nahihirapan ako.

Gusto kong maramdaman muli ang magkaroon ng ama sa aking tabi. Gusto kong maramdaman ang pag-aalaga n'ya noong mga panahon na mag-kasama pa kami at buo ang pamilya, walang iniisip na problema at sakit, walang puot at hindi aakalain na mawawala kami sa landas kung saan ang pamilyang masaya na nasa aking pananaw ay di ko na pala masisilayan sa mga sumunod na araw.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip kay Papa ay tumunog ang aking cellphone.

Charbhel Pateros

Deeaarrr! Pwede ka ba, today?

Ako

Why?

Charbhel Pateros

Labas tayo.

Kaya ayon, lumabas nga kaming dalawa libre naman n'ya kaya walang problema saakin.

"Alam mo, Katrina. Hindi na ako makapag-hintay na maging Legal. Tatlong taon nalang." Ngumiti ako sa naisip n'ya and remembering something. Edad din ang pumipigil saakin sa nararamdaman kong ayaw aminin sa kahit na sino. Nararamdaman na alam kong hindi pwede at napaka-impossible.

"Bakit ba gusto mong tumanda agad?"

"Kasi, alam mo? Gusto ko maranasan 'yong mga nakikita at nababasa ko... mukhang masaya." Tumuloy kami papasok sa mall na napili n'yang puntahan namin, mamimili daw s'ya ng damit. "Sa school, sobrang curious sila sa mga ganoong bagay... kapag ba sa Maynila... masyadong liberated?" Maynila? Ang balita ko, Papa is in Manila right now.

"Doon ko gusto mag-aral ng college, Katrina." Wala sa sarili n'yang sinabi habang nag-lalakad kami at pinag-mamasdan ang mga tao.

"If you are given a chance, would you come with me and study there?" Natigil ako sa pag-lalakad at napatingin sa kanya ganoon din s'ya saakin.

"In Manila?" Medyo na-excite ako pero nandoon parin ang pag-aalangan dahil iniisip ko parin si Mama na maiiwan sa Kambal pero nandoon din ang pagka-kampante dahil mahal naman s'ya ng mga ito.

"Yes, ayaw ko naman kasi na maiwan ka dito lalo na sa mga step sister mo." Hinawakan ko s'ya sa braso at isinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya habang nag-papatuloy kami sa pag-lalakad.

"Matagal pa naman 'yon. Tignan natin kung ano ang mangyayari sa susunod na mga taon."

Mabilis talaga lumipas ang panahon at nagugustuhan ko 'yon lalo na si Charbhel. This is my last year in high school at sa susumod na taon, sino ba ang mag-aakala na mag-ka-college na kami. Kaya sa huling taon kung ito gusto kong sulitin ang lahat kasama ang mga kaibigan ko.

Si Jaxson at Jethro maging sina Clea at Airie ay nasa college na. Sa GSC din sila pumapasok kaya nagkikita-kita din naman kami. Naging close din si CCharbhel sa kanina sa katunayan natutuwa ako kapag magkakasama kami lalo na si jethro at si Charbhel mukhang aso at pusa tuwing nagkakasama.

It just so sad dahil minsan nalang kami nag-kakasama dahil masyado silang busy.

Isinara ko ang laptop ni Charbhel ng marinig kung tumunog ang cellphone ko. Nandito kasi kami sa ilalim ng puno at hiniram ko ang laptop n'ya para gawin ang pinapagawang assignment ni Emelyn. Without looking who's calling ay sinagot ko 'yon.

"Where are you?" andito nanaman, marinig ko lang ang boses n'ya ay kinakabahan na ako. The pass months medyo dumistanysa ako sa kanya dahil alam kong hindi na normal ang bawat pag-tibok ng puso ko. Lalo na at medyo sikat s'ya sa school namin at school nila dahil isa s'ya sa mga varsity player ng basketball. Hinahangaan s'ya ng marami kaya may bali-balitang may rumored girlfriiend na daw s'ya.

"School." Maikling sagot ko sa kanya.

"Tapos na ba ang pasok mo?" Mahinahon at may pag-iingat n'yang tanong saakin

"Bakit? Hmm... may ginagawa kasi ako."

"Kailan ka matatapos kung ganoon?" Napakamot ako sa ulo ko at mairin na ipinik ang mga mata ko, pag-mulat ko ay nakita ko si Charbhel kasama ang ilan naming mga kaklase, sumesenyas na kakain sila sa canteen. Wala narin kaming pasok dahil intramurals parin kaya medyo maraming tao dito.

"Bakit ba kasi?"

"Mag-kita tayo, sa ilalim ng puno. Sa dating tagpuan." Hindi ako nakapag-salita, he wants to see me? Or it's just me? "Maganda ngayon pag-masdan ang mga ibon na nagliliparan, dala ko rin ang guitara."

"Eh kasi--"

"Pumunta ka, hihintayin kita."

Saka n'ya binaba ang tawag. This won't help me.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now