Chapter 22

9 1 0
                                    

Chapter 22

The next day, I didn't bothered myself going outside of my room. I just lay in my bed still crying. I have class today pero hindi ako pumasok wala naman kasing ginagawa kasi tapos na lahat ng lessons compilation nalang ng lahat na mga ginawa. Wala din naman akong problema sa mga requirements kaya hindi na ako pumasok at nag-text nalang ako kay Charbhel na hindi na ako papasok at kung pwede pumunta s'ya nalang dito sa bahay para kunin ang mga na-compile ko ng papers.

Bumangon lang ako at naligo ng saglit dahil ayaw ko naman na damhin ang kalungkutan na nararamdaman ko, water will help me lighten up my mood. I also called Papa abouttungkol sa nagiing desisyon ko at nararamdaman ko ang saya n'ya sa mga narinig saakin. Sinabi din n'ya na ngayon din ay kukunin na n'ya ang condo na titirhan ko pero sa unang gabi ko at habang wala paring pasok ay sa bahay na pinatayo n'ya ako tutuloy.

"I am so happy, Anak." That's the exact line he told me, at doon lang din ako ngumiti ng marinig ang masayang boses ng tatay ko. Hindi na rin naman ako makapag-hintay na umalis na dito.

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig ng kwarto ko ng marinig ko ang katok sa pinto, siguro si Charbhel na ito. At ng mabuksan ko ang pinto ay nagulat ako ng si Emelyn ang sumalubong saakin hinanap pa ng mga mata ko si Emily kung nasaan.

"Bakit?" salubong na tanong ko sa kanya, "Asan si Emily? Bakit hindi mo kasama?" kasi sa sobrang galit na pinapakita n'ya ngayon baka atakihin s'ya ng sakit n'ya ako pa masisi. Masama ang tingin n'ya sa akin at namumula na ang mukha.

"I want to talk to you." Tumaas ang kilay ko at bahagyang natawa.

"If you'll just scold me about what happened yesterday, I have so much things to do." namaywang s'ya sa akin at kinalma ang sarili.

"Katrina, we already warned you about this. Hindi madaling kalaban si Joana."

"At ngayon bakit? Concern ka?" Siguro hindi n'ya pa alam na aalis ako, baka hindi pa nasasabi sa kanila ni mama.

"Why would I? I am telling you this kasi ayaw kong madamay kami ni Emily sa gulo ninyo."

Pagsasarhan ko na sana s'ya ulit ng pinto ng hinarang n'ya ang kamay n'ya.

"Si Shan, wala s'yang pakialam sa'yo Katrina. He didn't even put an effort depending you after you left yesterday. He didn't even bothered himself to stop Joana from cursing you." Umirap ako sa kanya pero nasaktan din naman dahil may parte sa akin na umaasa na sana...

"I witnessed how he likes Joana because we were in the same school. I witnessed how she gave her flowers." Kinagat ko ang mga labi ko, at tumingala. "He is a boyfried material, indeed. Pero Katrina, he's not meant for you." Tumulo ang mga luha ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"How did you know that I like him?" Tinaasan n'ya ako ng kilay at bahagyang natawa sa tanong kong iyon.

"It's too obvious, Katrina. Nakikita ko kayo sa ilalim ng puno tuwing uwian pasalamat nalang dahil hindi sumasama saamin si Joana dahil may sariling sasakyan. Naisip ko na napakatigas ng ulo mo para suwayin ang payo namin ni Emily kasi nakipagkita ka pa eh, sumama ka pa sa tambayan."

This is all my fault. Kasi hinayaan ko pa ang sarili ko na mahulog pa ng mahulog sa taong may gusto naman ng iba. Sana pala, nakinig nalang ako sa kanila.

"Huwag mo isipin na nag-aalala ako sayo, Katrina. Nag-aalala ako sa pagkakaibigan namin. Dahil baka pati kami kamuhian at pagtuonan ng galit n'ya sa'yo."

Tumango ako sa kanya pero nagustuhan ko ang pakikitungo n'ya saakin. Hindi n'ya ako sinigawan tulad noon, kalmado n'yang sinabi ang lahat. Siguro, ganoon n'ya talaga pinahahalagahan ang pagkakaibigan nila nina Joana.

Ang marinig ang mga ito ngayon ay nagpatibay sa kagustuhan kong umalis na ng lugar na ito kahit hindi pa man dumadating ang araw ng graduation. Tinalikuran n'ya ako at dumeretso pababa ng hagdan. Huminga ako ng malalim at hinanap ang maleta na paglalagyan ko ng mga gamit. Hindi ko na gugustuhin pa na manatili dito while hearing those words that's hurting me.

Sa paglalagay ko ng mga gamit sa maleta ay may kumatok muli, if it is Emily this time hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng magpapatibay sa loob ko. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto at nanghina ng makita si Charbhel.

"Bitch!"

"Charbhel." Umirap s'ya at dumeretso sa pagpasok sa kwarto ko saka ko sinara ang pinto. Natigil s'ya ng makita ang gamit kong nagkalat at ang maleta. Nakanganga s'yang humarap saakin at tinuro ang maleta sa kama.

"Saan ka pupunta?" gulat n'yang tanong at muling binalik ang tingin sa mga gamit ko.

"Sa Manila?" patanong ko rin na sagot sa kanya.

"Gaga ka, 'di ka sigurado?" natatawa n'yang sabi at nilapitan ang mga gamit ko at s'ya narin naglagay noon sa maleta.

"Di ka ba malulungkot na aalis na ako?" Kasi mukhang tuwang-tuwa pa s'ya na aalis ako.

"Bakit naman ako malulungkot? Pupunta din naman ako ng Maynila." pareho kaming natawa.

"Pero, ang aga mo naman mag-impake, may graduation pa." nagtataka n'ya sabi.

"Aalis na 'ko bukas ng gabi eh."

"Huh?"

"Grabe naman, excited ka bang iwan ang lugar na 'to?" Kinurot ko ang tagiliran n'ya, "Oh sawa ka na sa pagmumukha ng mga kapatid mong hilaw." Sumeryoso ang mukha ko at naiiyak na tumingin sa kanya.

"I want to escape the pain, Charbhel." Nabitiwan n'ya ang damit at humarap saakin, "Joana, Joana is the name of the girlfriend." Kumunot ang noo n'ya pero hindi nag-salita.

"Nagkita kami kahapon, hindi planado. Talagang pinagtagpong ipamukha sa akin that Shan was already for someone and that is not me, Charbhel." Tumulo ang luha ko at pilit na ngumingiti pero nag-uunahan parin ang luha.

"Always remember that I will support you with everything." Niyakap n'ya ako, "I will not scold you for not listening to me but I want to tell you that I am so proud of you... for facing that girl." Mas lalo ako naiiyak eh, "If you really want to leave by tomorrow evening, dapat kausapin mo bukas ng umaga ang principal."

"Okay." 

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now