Chapter 21

17 2 0
                                    

Chapter 21

Mahigpit ang yakap ni Shan, hindi na rin ako makahinga ng maayos kaya mahagya ko s'yang tinulak. Kumalas s'ya sa yakap at hinawakan ang pisnge ko at nagtagal ang tingin sa mga mata ko kaya iniwas ko iyon.

"Saan ka galing?" mahinahon n'yang tanong habang nakahawak sa balikat ko, itinuro ko ang pinanggalingan ko kanina pero hindi n'ya naman iyon tinignan at masama lang na nakatingin saakin.

"Sorry Katrina," Markus interrupted kaya napatingin ako sa kanya.

"No, I should be the one saying sorry, nag-lakad lakad pa kasi ako." nakangiti kong sagot sa kanya na ikinakalma ng mukha n'ya.

"Bakit--" may sasabihin sana si Shan ng may lumapit na babae.

"Kapatid mo ba s'ya, Shan?" kumunot ang noo ko at nagtatakang tinignan si Shan na napatingin din sa babae at saka ibinalik ang tingin saakin. Hindi ako nagsalita at nanatili lang sa pwesto ko. "She's cute."

"Joana." Napatingin ako kay Emily ng banggitin n'ya ang pangalan, nanlaki ang mga mata ko sa gulat at ibinalik ang tingin sa babae ng nakangiti itong bumaling ng tingin kay Emily. Napunta din ang paningin ko kay Markus na nakatingin din pala saakin at pilit na ngumiti. I didn't expected this.

"Bakit?" malambing na sagot n'ya, I am really too far from her. Sigurado akong magka-edad sila ni Shan, napakaganda nga n'ya hindi ko lang s'ya namukhaan dahil iba nag ganda n'ya sa personal kaysa sa litrato lang.

Naramdaman kong hinawakan ni Shan ang kamay ko pero iniwas ko iyon at bahagyang lumayo sa kanya, naninikip ang dibdib ko, gusto ko ng umuwi.

Lumapit saakin si Emelyn at hinawakan ako sa braso at bahagyang inilayo kay Shan na ikinaalarma n'ya.

"She's my step sister, Joana." Nakita ko ang pagbago ng templa ng mukha n'ya. Nakakitaan ko iyon ng pagkairita. Nabaling ang tingin n'ya saakin at saka kay Shan.

"Close kayo ni Shan?" Hindi ako nagsalita, nararamdaman ko ang higpit ng pagkakahawak saakin ni Emelyn.

"Yes." Gulat na napatingin ako kay Shan ng s'ya mismo ang sumagot non, lumapit na rin si Macky at Markus. Lumapit din saakin si Emily at hinawakan ang kabila kong braso.

"Sorry guys, sorry Joana." Paghingi n'ya ng tawad na pinagtaka ko, "Uuwi nalang kami." Hinila ako ng dalawa palayo sa kanina pero mabilis na nakaharang si Joana sa dadaanan namin. Nakasunod din si Shan.

"No! I remembered what you've told me earlier Emelyn!" Biglang sigaw ni Joana, hinawakan s'ya sa kamay ni Shan pero iniwas n'ya iyon. Bumitaw din saakin ang kambal at tila handa na sila magsalita at ipagtanggol ang sarili nila, nararamdaman ko na ang pagka-maldita ng kambal, ganyan sila saakin.

"You told me that you hate your step sister!" Yumuko ako at pilit pinapakalma ang sarili, sana lang walang sinabing iba si Emelyn kasi ayaw ko ng gulo. "You told me, na nilalandi n'ya si Shan. That's why I ask you who she is but you didn't tell me her name!" namumula na s'ya sa galit. Tinignan ako ni Shan pero hindi ko iyon nakakitaan ng kahit anong reaksyon.

Bumaling ang tingin ni Joana kay Shan na walang halong kaba na sinalubong ang galit n'yang mukha, "Kaya pala ganoon ang pag-aalala mo kanina, kaya pala ganoon ka makayakap sa kanya? Is she your other girl, Shan?" Narinig ko ang pag-ubo ni Markus, muli ko naramdaman ang mariin na paghawak sa braso ko pero hindi ko na iyon napansin dahil tuloy tuloy na sa pagtulo ang luha ko.

"Answer me!"

I want to hear kung ano ang isasagot ni Shan pero alam kung mas masakit iyon para saakin, tama na ang mga narinig kung sinabi ni Markus kanina saakin. Ayaw ko ng dagdagan pa iyon. Inangat ko ang paningin ko at tinignan si Shan na nakatitig lang kay Joana.

"Joana." Pagtawag ko ng atensyon n'ya kaya nalipat saakin ang paningin nila. "K-kuya Shan and I are just friends. I am like his little s-sister." Tinaasan n'ya ako ng kilay at muling ibinalik ang tingin kay Shan na saakin na nakatingin ngayon, iniwas ko ang tingin sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak ni Emelyn saakin at nagmamadaling tumakbo paalis.

"Katrina!" narinig ko ang pagtawag ni Markus sa pangalan ko kaya tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa may dumaan ng tricycle agad ko iyong pinara at sumakay agad. Nakita kong humabol si Markus at pumadyak ng makitang sumakay na ako.

I don't want to hurt anyone, ayaw ko. Pero kasi, ang pagkikita at pagsasama namin ni Shan ay wala namang masama, saakin siguro dahil may nararamdaman ako pero depende naman iyon sa pag-iisip ng mga tao. Kung ang pinag-basehan lang nila ay ang tungkol sa isang araw na iyon na namasyal kaming dalawa at nagkayakap, oh god! This is so annoying!

Dumeretso ako sa bahay at nadatnan ko si Mama kausap si Lola.

"Marbela, hindi ako natutuwa sa mga nadadatnan ko dito. Hindi ako natutuwa sa pakikisama ninyo sa apo ko." Hindi ako tumuloy sa pagpasok sa sala, "Hayaan mong pag-aralin ni Antonio ang apo ko."

"At bakit? Kung kinakailangan ipagkait ko sa kanya si Katrina ay gagawin ko."

'Eh ano? Aalipin n'yo na naman dito? Pagtutulongan ng mga anak ng bago mong asawa?" Hindi nakapag-salita si Mama kaya pumasok na ako, napatingin sila pareho saakin at natahimik.

"Sasama po ako kay Papa, total ilang taon na din naman akong nanatili dito at tiniis ang mga anak mo." Tumayo si Lola at lumapit saakin, "Tama na siguro iyon Ma? Tama na siguroo ang mga natanggap ko sainyong sakit sa katawan at kalooban?" Muli nanaman tumulo ang luha ko, naghahalo-halo na ang sakit na naramdaman ko.

"Sa manila po ako mag-aaral." Ngumiti saakin si Lola at hindi naman makatingin si Mama, "Magpapahinga lang po ako sa taas, Lola." Binitawan n'ya ako kaya pumasok na ako sa kwarto at sumalampak sa kama. Umiyak lang ako ng umiyak. This pain is too much to handle by a 17 year old girl.

I thought falling in love will be the happiest part of being a teenager but I didn't know that it will hurt this much.

I feel so embarrassed. This is so annoying.

I just hope, I will get through it. Sana bukas pag-gising ko, wala na 'to.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now