Chapter 5

26 2 0
                                    

Chapter 5

Masamang tingin ang nakuha ko mula kay Charbhel pakatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa bahay, she look at me worriedly but at the same time irritated. I know she'll tell me how doll I am for letting these things happened but what I can do? That's my Mama we're talking about. I can't resist to just fight for my rights when I knew I am inside my Mama's house, I am under her custody even if I am the legitimate child not the twins. I am just 13, wala pa sa hustong gulang, still no one can hear my voice aside from Charbhel.

Inilapag n'ya ang kanyang cellphone sa kama at tumingin saakin, we are here in their house. Dito ako dumeretso pakatapos kong umalis ng bahay dahil wala naman akong pupuntahan kundi s'ya. Pakarating ko dito sa kanila ay dumeretso agad kami sa kwarto n'ya para doon mag-usap dahil nakita n'ya kung gaano kagulo ang itsura ko, ginamot narin n'ya ang sugat ko at pakatapos pina-kwento n'ya saakin kung ano ba talaga ang nangyari, at ayan na nga. Inis na inis na s'ya. Ang mataba n'yang pisnge at halos sasabog na sa sobrang pula, gusto ko s'ya pagtawanan pero pinipigilan ko dahil baka masampal lang ako nito.

"Tanga mo minsan," Ginulo n'ya ang maikli n'yang buhok nagmukha tuloy s'yang si Dora, bakit ba n'ya pinaputulan yan? "Dito ka nalang samin tumira, huwag kanang bumalik don!" tumayo s'ya at gigil na namaywang sa harap ko, nagmukha na s'yang minion sa itsura n'ya ngayon, hindi ko tuloy alam kung saan ko s'ya ihahanay kay Dora ba? O sa mga Minions? I was just wandering, what if she's Dora? Or kampon ng mga Minions?

I was awaken by thoughts ng bigla n'ya akong binatukan, I laugh and look at her with full of humor. "You are too serious, namumukha kang anak ni Dora at isa sa mga Minions."

Umawang ang labi n'ya at isinara din iyon sa labis na pang-gigigil saakin, she's really funny.

"Alam mo? Seryuso ang usapan natin tapos here you are, thinking ill about me!" may papadyak pa s'yang nalalaman at muling naupo sa kama, bigla ring tumayo ng maramdaman n'yang naupuan n'ya ang kanyang cellphone, "Omjii-- Katrina! It's all your fault!" Hinimas n'ya ang cellphone n'ya at tinignan ang screen noon kung may crack ba o ano, napaisip tuloy ako, d'yan ba n'ya tinitignan ang mapa? Modern map ika nga?

"Thinking ill? I am making fun of you! I am just wandering about--" Ibinato n'ya saaking ang kanyang unan at inis na sumigaw saakin.

"You, bitch!" Tumawa lang ako sa harap n'ya habang pinagmamasdan ang mataba n'yang pisnge na namumula.

"I'm sorry, you know... I... I can't stop it." Umiling ako at bahagyang pinalis ang luha na lumabas sa aking mata sa kakatawa. I love her so much, she's my only real friend here aside from Rossy.

"But seriously, Katrina. You can stay here, no need to go back in that house full of monster!"

Tumawa ako at umiling sa kanya, "I'm just 13 Charbhel, I still needs my mother." Ayaw ko man aminin pero ayaw kung mangulila sa presensya ni mama lalo na at wala naman si papa sa tabi ko, I don't know if I can leave without seeing her, I will just work hard for my expenses at school but won't leave Mama pero syempre pakikisamahan nalang ang kambal sa kung ano man ang trip nila.

"Then? What are you doing here?" Pumangalumbaba s'ya sa harap ko at binitawan muli ang kanyang cellphone.

"Pakikisamahan nalang sila? Wala naman akong choice kundi ang gawin iyon." She snorted, umiling s'ya at ikinumpas ang dalawa n'yang kamay, hindi sya kumbesido sa desisyon ko. Parang tanga tuloy s'ya.

"Binabaliktad ka ng dalawang hilaw na 'yon sa Mama mo!" Muli s'yang tumayo kaya napaatras ako, mas nagmumukha s'yang mama ko eh, nakakatakot.

"Diba sinabi ko naman na sayo? Na Iganon mo yan sa inodoro?" she makes an action like she'll do it to the twin, hinawakan n'ya ang unan at tila sinasabunutan na iyon habang inuuntog sa kama. "Lunurin mo ang pagmumukha ng dalawang 'yon sa inodoro n'yo at mabawasan ang kapal!" Tumawa ako, not because of her words but because of her action.

"Huwag mo akong tinatawanan, Katrina Angeli Sostrian!"

"But you're funny."

"Do I look like a clown?"

Umiling ako sa kanya at pinigilan ang matawa dahil hindi na maitsura ang pagmumukha n'ya ngayon sa sobrang inis saakin at malamang sa mga nalaman.

We spent our time inside her room, wala s'yang sawa sa pagkumbinse saakin na sakanila na manirahan pero palaging pareho ang sagot ko, hindi maaari.

Pagpatak ng alas tres ay napagdesisyunan ko ng umuwi at hinatid naman n'ya ako saamin gamit ang sasakyan nila, syempre may driver dahil hindi pa naman sya maaaring magmaneho, bata pa kami. Gusto pa n'yang pumasok sa bahay pero pinipigilan ko.

"Sasama lang ako sa loob Katrina, kahit isang sabunot lang sa kambal na yan." Umiling ako sa kanya habang natatawa sa pangungulit n'ya saakin. Sakto naman pagbukas ng pinto sa back seat ay ang kambal ang bumungad saamin sa may gate, nasa kaliwang parte ko si Charbhel kaya nang gigigil n'yang dinuro ang dalawa.

"Hoy baboy at unggoy!" nanlaki ang mga mata ko at muling isinara ang pinto ng sasakyan. "Bat mo sinara? Gaganti lang eh!" nagmamaktol pa, umirap sya at pinagkrus ang mga braso at muling sumulyap sa dalawang masamang nakatingin sa banda namin. Wala talaga ako magagawa kapag bunganga na nito ang usapan eh, small but loud ika nga nila.

"Mas lalo lang ako pag-iinitan ng dalawang yan eh." kumamot ako sa ulo at inis na tinignan s'ya.

"May kuto ka girl? Wagas naman makakamot eh," at talaga naman diba? Hindi ko alam kung matatawa nalang ako o maiinis sa kanya. Matatawa dahil sa itsura n'ya? Maganda nga nagmumukha namang Dora dahil sa gupit ng buhok.

"Wala, ano ba? Bababa na ako, huwag kang gagawa ng eksena adyan lang sila sa labas."

"Oo kita ko, para ng tarsier sa kakatingin dito." Tumawa ako sa kanya at saka humalik sa kanyang pisnge bago muling binuksan ang pinto.

"See you next week, bibili na tayo ng mga gamit sa eskwela." Tumango ako sa kanya kahit na nag aalinlangan dahil alam ko na medyo hindi pa sapat ang perang hawak ko.

Isinara ko muli ang pinto at hinintay iyon na makaalis, nang humarap ako sa bahay ay ngisi ni Emily at Emelyn ang bumungad saakin.

"Hi, my dear sister." Kumunot ang noo ko sa naging pag salubong nila saakin, hinawakan ako ni Emelyn sa braso at inakbayan naman ako ni Emily at iginiya papasok sa bahay. "Saan ka ba pumunta?"

Hindi ako nagsalita at nagtataka parin na pinagmasdan sila, akala ko kanina sisigawan na nila ako o kaya mananampal nanaman. Nang makapasok kami sa entrada ng bahay ay narinig ko ang tawanan ng mga tao sa loob, nandito parin sina Rossy?

"Alam mo crush namin iyong si Shan? Kaso boyfriend na ni Ate Rose." Kumunot ang noo ko, they are older than us siguro mga 4 years dahil 4 years ang tanda saakin ni ate Rose but who knows? Baka mas matanda pa ang boyfriend ni Ate Rose.

Nanatili akong tahimik hanggang sa maabot namin ang sala kung nasaan sila, they're having fun, marami na din ang kalat ng sala sigurado na ako nanaman ang maglilinis ng mga yan.

"Katrina? And'yan kana pala? Where have you been? We are so worried about you." si Ate Rose na lumapit saakin at hinawakan ang kamay ko, lumapit din si Rossy at tumayo ang boyfriend n'ya. He observed me intently na nagpakunot ng noo ko, nakakailang. Ganyan ba s'ya makatingin?

Gusto kong kwetyunin ang pag-aalala nila sa akin, gayong nag kakasiyahan sila dito.

Nahuli ko ang bahagyang pag-irap ni Emelyn ngunit naagaw ang atensyon ko sa boyfriend ni Ate Rose na hanggang ngayon ay nakatingin parin saakin, kumukurap pa ba sya?

"Pagod po ako, magpapahinga nalang muna po ako, tawagin n'yo nalang ako kapag maglilinis na dito." Pinasadahan ko ng tingin ang sala at muling ibinalik sa kanila ang paningin. Nandoon parin ang mga titig n'ya saakin ngunit nakakunot na ang noo n'ya tila nagtataka sa mga sinasabi ko.

Ngumiti ako sa kanila at saka sila tinalikuran.

As I entered my room and slowly shut the door, narinig ko ang pag bukas ng stereo at ang pagsimula ng kantang Close To You, parang ayaw ko ng isara ang pinto para marinig ang buong kanta pero napilitan akong isara dahil nakatunghay parin sya saakin hanggang ngayon mula sa ibaba. 

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now