Chapter 24

9 1 0
                                    

Chapter 24

"Hindi mo ako sinabihan na andoon pala s'ya, Katrina." Nakaalalay s'ya sa akin, sa halip na maglakad ay napagpasyahan na lang namin na sumakay dahil baka mahuli pa ako sa flight ko pa-manila.

"Hindi ko din naman alam na pupunta s'ya doon." Huminga s'ya ng malalim at hinaplos ang likod ko.

"Sana okay ka na, sana gumaan ang pakiramdam mo ng mag-usap kayo." Ngumiti ako dahil aaminin ko ang bigat na nararamdaman ko kanina ay gumaan ng masabi ko kay Shan ay lahat ng nararamdaman ko. "Ano ba sinabi n'ya sa'yo?" Chismosa din talaga 'tong kaibigan ko eh.

"Hindi ko s'ya pinag-salita. I let him hear what I really feel." umawang ang labi n'ya at natatawa na ikinakunot ng noo ko.

"Sana all strong! Sana all si Katrina Angeli Sostrian!" Tumutulo parin ang luha ko at tinititigan lang ako ni Charbhel habang nasa byahe kami pauwi. "You really fall for him whole-heartedly." seryosong sabi n'ya at ngumiti, "Because you wouldn't cry or hurt that way if it is just something like a puppy love." Katulad nga ng sabi ko, Shan is my first love, wala man lang warning eh, basta nalang dumating.

Nang marating namin ang bahay ay sinamahan ako ni Charbhel papasok, ihahatid din nila ako sa airport. Huminga ako ng malalim ng makita si Mama at Lola pati ang kambal sa sala. Nandoon na din ang mga maleta ko mukhang excited silang umalis ako ah?

Hindi ko naman dadalhin ang lahat ng gamit ko dahil ako lang mahihirapan sa pagdadala ng mga iyon, umakyat muna ako sa kwarto upang mag-bihis at bumaba din agad.

"Hindi mo sinabi sa amin na aalis ka, Katrina." Tinignan ko si Emelyn ng mag-salita.

"Hindi naman kasi aware si Katrina na may pake ka pala." Pinagdilatan ko si Charbhel ng magsimula na naman ang bibig n'ya sa kakadaldal. Nag-irapan lang silang dalawa.

"Mag-iingat ka doon apo." Ngumiti ako kay Lola, tinignan ko si Mama pero tumayo lang s'ya at pinakuha sa driver n'ya ang mga bagahe ko. Wala na dito si Tito, bumalik na sa negosyo n'ya.

Nagugutom ako at gusto kong kumain pero nangingibabaw parin ang pagkatamad ko, inabutan ako ni Charbhel ng sandwich habang nasa byahe pa airport.

"Kumain ka, mahirap na magutom sa byahe." Kinuha ko ang inaabot n'yang pagkain at unti-unti iyong kinain hanggang sa naubos. Nang pumasok muli sa isipan ko ang tagpo namin kanina ni Shan ay naluluha ako pero pinipigilan ko talaga ang sarili ko dahil nandito si Mama at ang kambal hindi ko alam kung bakit sumama pa sila eh kung halata naman na gusto na nila akong umalis.

Nang makarating kami sa airport ay 5 mins. Nalang bago ang flight kaya tinatawag na ang mga pasahero. Pero sa pag-alis ko inaasahan ko na pipigilan parin ako ni Mama o kaya naman ay may sabihin s'ya sa akin pero wala talaga akong narinig mula sa kanya ngunit ang tingin lang na iginawad n'ya saakin. Kinuha ko ang dalawang maleta. Ngumiti ako sa kanilang lahat at niyakap sila isa-isa kahit na halata sa kambal na ayaw gumanti sa mga yakap ko.

"Mag-iingat kayo dito. Charbhel, hihintayin kita doon." Tumango s'ya at ngumiti at nag-sign pa na pinapapasok na ako, tumalikod ako mula sa kanila at tumulo ang mga luha. Muli akong humarap sa kanila at kinaway ang kamay ko upang magpaalam ng tuluyan. Nakita ko si mama na naglakad na papalabas ng airport kaya mas lalo akong naluha sa nakita.

Taon muli ang bibilangin ko para makita kayo, at sana sa panahong iyon ay may pagbabago na sa pakikitungo ninyo sa akin.

I arrived early in the morning in Manila. Nandoon na si Papa naghihintay sa akin kaya ng makita n'ya ako ay hindi pa s'ya nakagalaw sa gulat, nakikita ko sa mga mata n'ya ang saya and I want to see that everyday. Yinakap ko s'ya at ganoon din s'ya sa akin, he cried.

"Ang laki mo na anak." Wala akong gana mag-salita kaya ngumiti lang ako at yinakap s'ya.

May mga kasama s'yang body guard kaya they helped me with my things at saka kami nagbyahe papunta sa bahay ni Papa. I was amazed by his house. Malaki at sobrang gara, these is a businessman could reach. Inakyat ng mga guards ni Papa ang mga gamit ko sa magiging kwarto ko.

Inakbayan ako ni Papa at iginiya papuntang kusina. "Breakfast ka na muna bago magpahinga, alam kong pagod ka." Kaya nga kumain lang kami ng umagang iyon at nag-kwentuhan. Hinatid n'ya rin ako sa kwarto at umalis din dahil may mga aasikasuhin daw s'ya. Nakatulog lang ako buong araw at hindi lumabas ng kwarto, pagkagising ay inayos ko ang mga gamit na dala.

Pinalitan ko rin ang number ko sa cellphone, tanging si Charbhel, Mama at Papa ang nakakaalam. Nang masiguro na maayos na ang lahat nga gamit ay naligo ako at pakatapos magbihis ay dumeretso na sa labas para sa hapunan.

Nang dumating ako sa baba ay wala si Papa tanging mga maids lang, ngumiti ako sa kanila ganoon din sila sa akin.

"Ma'am, kumain na po kayo."

"Si Papa po?"

"Ah, mamaya pa po si sir, siguro mga alas-otso po."

"Ganon po ba? Sabayan n'yo na po ako, nakakalungkot naman kasi kumain mag-isa." Nagkatinginan silang lahat, apat silang maid dito sa bahay dalawang matanda at dalawa din na siguro ilang taon lang ang agwat sa akin.

"Naku ma'am--"

"Okay lang po talaga, join me na po." Huminga sila ng malalim at maingat na naupo sa harap ko, pinagmasdan ko sila mukhang pagod na sa lahat ng gawain. I know the feeling of it dahil kahit ako ay naranasan na mag-hirap sa paglilinis ng bahay at paglaba ng maduduming damit.

"Naku, hija. Napakabait mong bata." natutuwang sabi ng isang matanda. "Ay ako nga pala si Nanay Jena."

"Ako naman si Nanay Evy, ito si Pelita at Josefa." Pagpapakilala nila.

Natutuwa akong pinagmamasdan sila kasi kahit na nahihirapan sila ay tudo trabaho parin para sa pamilya.

"Ako naman po si Katrina, hindi n'yo na po kailangan na tawagin akong ma'am, mga Nanay at mga Ate. Tumawa sila kaya napuno ang hapag ng tawanan at kwentuhan. I have never felt this way before, the genuine laugh and all simula ng masira ang pamilya namin.

Sa bahay na 'to na siguro magsisimula ang lahat ng saya at pagbabago kasama si Papa.

I am rooting for you Katrina, you can get through it.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now