Epilogue

16 2 0
                                    

Epilogue

Shan Andrei Legrant

"Ang dami natin pwedeng puntahan!" Masyadong maingay, ayaw n'yang tumambay sa bahay nina Rose kaya ayan ang daming sinasabi. Sa inis ko ay iniwan ko s'ya doon at naglakad papuntang likod bahay nila pero natigil ako ng may makita akong babae doon. She's skinny pero bagay naman sa kanya. Mukhang mayaman dahil sa kinis ng balat pero anong ginagawa n'yan dito para maglabada?

Hindi ko na lang iyon pinansin at bumalik sa loob, nasa sala na sila kaya tumabi ako kay Markus, we were having fun at maraming kwento ang mga babae naming kaibigan but we were interrupted ng may mag-salita.

"Ate Rose, si Aleng Rosa po?" mahinhin na tanong ng isang babae. Magulo ang buhok at parang pagod na pagod na. Kumunot ang noo ko at tinignan ang suot n'yang damit, s'ya iyong babaeng naglalabada na nakita ko kanina.

"Is that your katulong, Rose?" tanong ni Marian, naging alisto naman ang pandinig ko sa tanong na iyon at tinitigan lang ang babae. Matangkad s'ya at maamo ang mukha, manipis ang mga labi at namumungay ang mga mata at nakadagdag pa doon ang mahaba n'yang pilik mata. Pinagsalikop n'ya ang dalawa n'yang kamay at dahan-dahan na hinahaplos iyon siguro sobrang pagod na s'ya sa paglalabada.

"Malamang, bagong katulong siguro." si Carla. Hindi ako naniniwala doon at mas tinitigan pa ang babae. Sigurado akong mas bata pa ito sa amin.

"I'm sorry Angeli, These is Marian and Carla." pakilala ni Rose sa dalawa kaya nakita kong ngumiti s'ya at mas lalong hindi naalis ang tingin ko sa babaeng itong nagngangalan na Angeli. Yumuko s'ya at agad din naman na tumingin ulit kay Rose. "And sila naman si Rubby, Markus, Macky and Shan." pakilala n'ya pa sa amin na natitirang tahimik lang na nakatingin sa kanila. Nagtagpo ang mga mata namin pero nakikita ko sa mga mata n'ya ang pagkawalang interest.

"By the way, Shan is my boyfriend, you can call him Kuya." Tumango s'ya at muling tumingin sa akin, aangal sana ako kay Rose ng sabihin n'yang boyfriend n'ya ako eh dare lang naman iyon at pang 1 week lang.

"She's not our maid, they have business! Paano s'ya magiging maid?" Umawang ang labi ko ng marinig iyon, sabi na nga ba. Aalis na sana s'ya pero nagsalita pa rin si Rose, "What are you doing here, Angeli? Wala naman dito si Rossy." Ngumiti nanaman s'ya, lumunok ako at talagang hindi ko mapigilan na alisin ang tingin sa kanya. I just can't, parang naiilang pa s'ya. Cute.

"I was here for Aleng Rosa, where is she?" Ngumiti ako na wala sa sarili ng magsalita s'ya, nagulat din ang mga babae at kaming mga lalaki ay nakangiti lang na tumingin sa kanya.

Nang malaman n'ya kung nasaan si Tita ay muli s'yang tumingin sa amin na parang nahihiya at mabilis na tumalikod sa amin. Wala sa sariling ngumiti ako I am looking forward to see you again, little girl.

Sa sumunod na araw ay sumama ako kay Rose para samahan ang kapatid n'ya na bisitahin ang kaibigan. Sa una ay ayaw ko pa pero nagpupumilit s'ya dahil masaya daw iyon, hindi naman iyon masaya para sa akin kung puro babae ang makakasama pero sobrang kulit n'ya talaga kaya wala na akong nagawa kun'di ang sumama.

Nang makapasok kami ay nakasalubong namin ang isang matandang babae at isa pang babae siguro ito ang nanay ng kaibigan ni Rossy kaya nakapasok agad kami at sinabing nasa loob daw ang kaibigan ni Rossy na ang pangalan ay Katrina.

Nang nasa sala na ay pare-pareho kaming hindi nakakilos ng may marinig kaming ingay mula sa taas at hindi nagtagal ay mas lalo akong naestatwa ng lumabas doon ang babae kahapon kina Rossy at natatarantang tumakbo kung saan man at ng makabalik sa sala ay hinablot s'ya ni Rossy at yinakap. Umiiyak at parang wala sa sarili, magulo ang itsura at may sugat sa mukha.

"Oh goodness! Namiss kita sobra!" Bumitaw sa yakap si Rossy at kumunot ang noo ng makita ang itsura n'ya. "Bakit ganyan ang itsura mo? At may sugat ka sa pisnge? Ano yan, sugat galing sa kuko?" Umiwas lang s'ya ng tingin at inilibot ang paningin sa buong bahay. "Pinapasok na pala kami ni Lola mo at ni Mama mo, paalis din sila ng bahay eh, may pupuntahan ata." Nanlaki ang mga mata n'ya at natataranta.

Close To You (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن