Chapter 8

29 3 1
                                    

Chapter 8

Kakatapos ko lang kumain pero si Charbhel hindi pa kaya napagpasyahan kong tignan ang laman ng paper bag habang hinihintay s'ya. Pagkabukas ng paper bag ay gulat na agad ang naramdaman ko ng makita ko ang bag na nasa loob. Paanong? Napatingin ako kay Charbhel na masyadong busy sa pagkain at pagsulyap sa cellphone n'ya.

"Paano napunta dito ang bag na'to?" wala sa sarili kong tanong kay Charbhel, sumulyap s'ya saakin at ngumiti.

"Binili ko." Nangunot ang noo ko, sigurado akong ito ang bag na tinitignan ko kanina at nag-iisa nalang ito.

"Pero--"

"Can you just accept it? Ang dami mong reklamo!" Ngumuso ako at ibinalik sa paper bag iyon at itinabi, "And besides, maganda at bagay yan sa'yo." Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang pagkain n'yang hindi parin nauubos, iginala ko ang paningin at sumagi sa isip ko ang huling sinabi n'ya saakin kanina.

"Ano ang ibig sabihin nong sinabi mo saakin kanina?" Nabitin sa ere ang pagsubo n'ya at medyo naubo pa, ngumiti s'ya at umiling saakin, "Ano Charbhel?"

"Wala, nabasa ko lang..." tuingin s'ya sa paligid na parang nag-iisip, "sa t-shirt ng nakasalubong natin kanina." Tinaliman ko s'ya ng tingin at isinawalang bahala nalang iyon. Pakatapos namin kumain ay napag-pasyahan namin na umuwi nalang para makapag pahinga, sinabi n'ya pang sa bahay nalang nila ako matulog pero tinanggihan ko 'yon, mag aalastres palang naman. Sa susunod na linggo na ang pasukan kaya hindi ko maiwasahan na ma-excite at kabahan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na papasok ako sa isang public school at hindi ko alam ang patakaran nila.

Araw ng linggo ay wala akong ibang ginawa kundi ang linisin ang bahay at ayusin ang mga gamit ko sa paaralan dahil kinabukasan ay magsisimula na ang pasukan. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag na binili saakin ni Charbhel maging ang uniform na nabili namin, naplantsya ko na ang mga iyon kaya bukas ay isusuot ko nalang sila.

"Katrina!" Napabalikwas ako sa sigaw ni Mama, pumasok s'ya sa kwarto ko at nakita n'ya ang mga gamit ko sa eskwela kaya ngumiti ako sa kanya.

"Bukas na po magsisimula ang pasok ko, Ma." Walang reaksyon akong nabakas sa mukha n'ya pero ang sayang nararamdaman ko ang nangingibabaw kaya hindi ko iyon matago sa kahit sino. " Bumili po ako noong nakaraan ng mga gamit mula sa ipon ko at sweldo sa paglalabada kina Aling Rosa." Mas lalong lumaki at ngiti ko ng makita kong sinulyapan n'yang muli ang mga gamit ko at tumingin saakin.

"Magluto kana, nagugutom na ako at ang mga kapatid mo." at saka ako iniwan sa kwarto, imbes na maging malungkot sa tanging sinabi n'ya ay isinawalang bahala ko nalang iyon at napahinga ng malalim. Tumingin ako sa salamin at ngumiti pilit na nilalabanan ang posibleng lungkot na maramdaman.

Masaya na ako na hindi ako ni Mama pipigilan sa pag-aaral ko kaya nakangiti akong lumabas ng silid at pumunta sa kusina para magluto.

Pagkatapos kong magluto ay inihain ko ang mga iyon sa hapag at napasulyap sa hagdan ng bumababa doon ang kambal upang maghapunan, inilipat ko ang tingin sa mga pagkain at inayos muli ang mga iyon. Naglagay narin ako ng mga kubyertos at naglakad papuntang hagdan para tawagin si Mama, hindi ko pinansin ang dalawang deretsong naupo, masyado silang naaliw sa pinagkwe-kwentuhan na kung ano kaya hindi nila ako napansin.

Kumatok ako sa silid ni Mama at hinitay s'yang buksan iyon.

"Bakit?" bungad n'ya saakin ng buksan ang pinto ng kwarto n'ya.

"Kakain na po, handa na po ang hapunan sa baba." Muli akong ngumiti, pansin ko ang pamumutla n'ya at pagka-stress, siguro marami nanaman s'yang trabaho sa opisina. Tumango s'ya at sumabay na saakin pababa.

Nang marating namin ang kusina ay busy parin ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan. Nilagyan ko si mama ng kanin sa plato n'ya kaya ganon din ang ginawa ko ng saakin. Tumingin lang saakin si Mama at kumain narin.

"Ang samin ba hindi mo lalagyan, Katrina?" nabaling ako kay Emelyn ng magsalita s'ya.

"Bakit naman? Kaya mo naman lagyan ang sa'yo." Masama n'ya akong tinignan at ngumisi ng nakakaluko, tumingin s'ya kay mama, "So, ibig mong sabihin hindi Mama kayang lagyan ng pagkain ang pinggan n'ya?"

Tumingin ako kay mama na napatigil sa kanyang pagsubo, "Wala naman akong sinabi, ikaw nagsabi n'yan. Ate Emelyn." May pang-iinsulto kong pagbigkas sa huling salita, kahit anong gawin mo masya ako ngayon. Umirap s'ya saakin at s'ya nalang din naglagay ng pagkain n'ya. Tumingin ako kay mama na nagpatuloy sa pagkain.

Pakatapos ng sagutan kanina ay naging tahimik ang hapag at tanging tunog ng mga kubyertos namin ang naririnig, kapansin-pansin din kasi ang pananahimik ni mama. Pakatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa kanilang mga silid kaya naiwan ako upang hugasan ang mga iyon at matulog na pagkatapos.

Kinaumagahan maaga akong nagising upang magluto ng umagahan, pakatapos kong magluto ay naligo narin ako at nagbihis ng pang-eskwela. Dala ko ang bag ko ay bumababa na ang para mag-agahan. Nakasabay ko ang dalawa sa pagbaba ng hagdan, hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila dahil ayaw ko talagang masira ang araw ko ngayon.

"Umuwi ka agad pakatapos ng eskwela, baka maglandi kalang doon."

"Umayos ka Katrina!"

Tinignan ko sila pareho, ilang baitang nalang sa hagdan ay makakababa na ako, "Huwag kayo mag-alala, pupunta naman ako doon para mag-aral." at saka ko sila tinalikuran.

Naabutan ko si Mama na kumakain na ng almusal at nakapang-bihis pang-opisina. Naupo ako sa kabilang gilid n'ya sa harap ko naman naupo ang dalawa.

"Kailan magsisimula ang pasukan n'yo Emily?" Malumanay na tanong ni Mama.

"Sa susunod po na linggo Mama." si Emelyn ang sumagot at sumulyap pa saakin na mapang-insulto.

"Bibigyan ko kay mamaya ng pangbili ng gamit n'yo upang makapangbili na kayo bukas." Sagot ni Mama sa kanila kaya napayuko naman ako doon, at itinuon nalang ang atensyon sa mga pagkain. "Ito Katrina, baon mo." Napaangat ang tingin ko kay Mama ng abutan n'ya ako ng isang sobre, "Para sa isang linggo na iyan kaya tipirin mo." Napaawang ang labi ko at nanginginig na inabot iyon.

"Salamat po, Mama." Hindi s'ya sumagot at uminom lang ng tubig at tumayo na, nagpaalam s'yang papasok na sa trabaho kaya naiwan kaming tatlo sa hapag.

Muli kong ibinigay ang atensyon sa pagkain at isinawalang bahala ang presensya ng dalawa.

"Naks, parang sweldo mo na iyon ah." Tumawa ang kambal at nag-apir pa sa kanilang sinabi.

Umiling sila saakin, "Para kang katulong dito na tumatanggap ng sweldo linggo-linggo." Ibinababa ko ang kubyertos at tumayo na.

"Katulong ba?" Tumango sila saakin ng nakangiti at pinagkrus pa ang mga braso, sabay nila iyong ginawa. "Wala naman akong pakealam sa kung ano ang itawag n'yo saakin, atleast ako may silbi, kadugo ni Mama, at anak ni Mama," tinignan ko sila, bahagyang yumuko, "Eh kayo? Sampid lang naman kayo dito." Tumayo ako ng maayos at tinalikuran sila.

"You bitch!" sabay nilang sigaw saakin kaya hindi ko nalang pinansin at deretsong naglakad palabas, tumulo ang luha ko. Akala ko ba Katrina walang makakasira ng araw mo ah? Bakit ka umiiyak?

Close To You (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora