Chapter 17

12 1 0
                                    

Chapter 17

"Katrinaaaa!" Nagulat ako ng hindi pa naman ako nakakapasok sa gate ng school ay may sumigaw na. Napatalon pa ako sa gulat pati si Kuya Guard ay nagulat din sa malakas na sigaw na 'yon. "Omjii! I miss you so baaadddd!" Si Airie pala, naligaw sila dito ngayon?

"Bakit kayo nandito?" Nakita ko rin na nakasunod sina Jaxson, jethro at Clea sa likod n'ya.

"Manonood ng intramurals n'yo. Finals ngayon diba?" Hindi ko alam ang isasagot kaya nagkibit-balikat nalang ako sa kanya.

"Asan si Charbhel?" si Jethro ng makalapit.

"Hahanapin tas 'pag and'yan na aawayin. Sus! Galawan mo Jethro!" Natawa ako sa pabalang na sagot sa kanya ni Clea. "oh ikaw Jaxson? Kailan ka ba aamin? Padalaw-dalaw ka pa na nalalaman." kumunot ang noo ko at tinignan si Jethro na nagtataka.

"Kanino si Jaxson aamin?" Lahat sila natahimik, muntik pa mabitawan ni Jethro ang kinakain n'yang ube bar.

"May crush s'ya, Katrina Angeli."

"Clea!" pag-pigil sa kanya ni Jaxson pero hindi nag-papatinag si Clea at sinusuportahan pa s'ya ni Airie.

"Manahimik ka Jaxson, ang unfair naman ata na alam nila tapos ako walang alam."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Airie.

"May crush kasi s'ya kaso 'di pwede kasi bata pa." Umawang ang labi ko at may naalala. "Kaya 'di pwede, pasulyap-sulyap nalang." pag-kwento ni Clea.

"Tirador ng bata ka pala, Jaxson?" biro ko sa kanya pero umirap lang saakin.

"Pero sana 'yong gusto n'ya tirador din ng matanda." Tumawa na ako sa bulgar na pagkasabi ni Jethro non.

"Wow, Jethro! Kala mo wala din gusto sa bata, wow!" pang-aasar ni Airie.

"Bakit sino ba ang gusto ni Jethro?"

"Itatanong pa ba 'yan, Katrina? Edi si Charbhel!"

"Hoy, issue ka!" Agad na na pag-tanggi ni Jethro sa sinabi ni Clea.

Sumabay na sila saakin papasok sa school at hinayaan naman sila ng guard kasi open naman ang lahat ngayon pumasok dito.

"Ikaw katrina, any plans for college?" Naalala ko ang napag-usapan namin ni Papa, gusto ko sumama sa kanya dahil feeling ko naman okay na si Mama kasama ang kambal pero may pag-aalinlangan parin para saakin. Dahil ayaw ko s'yang iwan dito.

"Wala pa naman, hindi ko pa nakakausap si Mama." nakangiti kong sagot kay Clea.

"I'm sure, Tita will let you enter GSC. Maganda na at competitive lahat ng teachers even the students."

They don't have any idea what kind of relationship I have with my family right now. Tanging si Charbhel at Shan lang ang nakakaalam.

Naglibot lang kami sa mga food court at sinubukan tikman ang mga pagkain doon. Si Jaxson ang kasabay ko sa paglalakad.

"Ano bang course ang kukunin mo?" Napatingala ako sa kanya ng umakbay s'ya saakin.

"Business Ad. siguro?" Ngumiti s'ya at tumango

"You're not sure about it pero sabagay mga businessman pala magulang mo kaya hindi na nakakagulat."

"Oo nga eh." Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang napunta kami sa court, sinalubong kami ni Charbhel kasama sina Seth at Jessy.

"Manunood din kayo?" Tanong n'ya kina Airie pero binara lang s'ya ni Jethro.

"At bakit? Ikaw lang pwede manuod?"

"Oppsss," Lumapit saakin si Clea "That's what we are talking about." pabulong n'yang sinabi saakin at tinignan ang nakaakbay na si Jaxson, "And bakit ka nakaakbay kay Katrina, Sir?" umiling si Jaxson at natatawang inalis ang kamay n'ya sa balikat ko.

Magkakasama kami hanggang sa mag lunch pakatapos ay bumalik na din sila sa school nila dahil may mga pasok pa daw sila kaya naiwan ako kina Charbhel. Si Charbhel ay panay ang kwento tungkol doon sa crush n'yang college at nakaka-text.

"Sa GSC s'ya nag-aaral at nagkita na kami." Napatingin ako sa kaibigan ko at kinurot s'ya. "Aray! Ano ba Angeli!"

"Bat di ko alam?"

"Nagtanong ka girl? At isa pa 'di naman seyoso. Kapag seryoso na. Okay?"

"Oh, Edi sa GSC ka din magka-college?" Kuryusong tanong ni Tina.

"Hindi eh, Manila."

Napabuntong-hininga ako, buti pa 'tong kaibigan ko sigurado na sa gustong school na pasukan samantalang ako nalilito parin.

"Eh ikaw Katrina, saan?" si Seth na hinahalo pa ang binili n'ya spaghetti.

"Hindi pa 'yan sigurado at oo nga pala may itatanong ako sa'yo mamaya." Kumindat s'ya sa'kin tapos nagpatuloy na din sa pagkain.

Nang matapos ay hinila ako ni Charbhel para maupo sa ilalim ng puno.

"Bakit?"

"Just wanna ask you something," Naupo ako at ganoon din s'ya. "Nagkikita pa ba kayo ni Shan?" I didn't speak, iniyuko ko lang ang ulo ko. "I knew it! Sabi mo kuya lang?"

"Can you lower your voice?" Iritang bulong ko sa kanya.

"Kasi naman, napapansin ko kasi mga kilos mo nitong mga nakaraang araw," Nanggigigil n'yang sabi "Pati d'yan sa phone mo, noong hiniram ko nabasa ko conversation n'yo! Gaga ka!" Wala naman siguro masama kung madalas s'ya magtext saakin at ganoon din ako sa kanya diba? We are friends kaya siguro normal na iyon.

"That kind of care from a man to a girl isn't normal! Hindi lang yan care para sa isang SISTER TREATMENT!"

"Huwag mo ngang palakihin ang ulo ko!"

"Ay ang gaga! Asang-asa?" ngumuso ako at tinignan s'ya ng masaya. "He's older than us, than you."

"But love isn't about age, Charbhel."

"Did he love you the way you do?"

"You're hurting me!" Gusto kong maiyak dahil pinapamukha n'ya saakin na 'di na talaga pwede.

"I don't care! Ayaw ko lang mapahamak ka specially there are rumors about him na may girlfriend na."

"I am aware about that."

"Then, you should... avoid him?"

"Why would I do that?" iritang sagot ko sa kanya, "Look, friends lang kami at sa kanya na mismo ng galing na... parang... kapatid n'ya ako." Hinawakan n'ya ang kamay ko.

"It will hurt you more, Angeli." mahinahon n'yang sinabi.

"Gusto ko lang naman sulitin ang panahon dahil hindi ko alam baka sa susunod na araw hindi na s'ya saakin magpakita dahil busy na s'ya sa girlfriend n'ya, 'di ba?"

Huminga s'ya ng malalim saka ako niyakap.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now