Chapter 11

22 2 0
                                    

Chapter 11

Nang makarating kami sa opisina ng mga SSG ay nandoon na nga sila, nagtatawanan kahit na hawak ang mga papeles na kailangan nilang basahin para sa mga proposals at iba pa.

"Wow! May pagkain!" Sigaw ni Jethro ng makapasok kami ng tuluyan at mailapag ang pagkain sa mesa. S'ya ang vice president at masasabi kong, lapitin ng babae pero pagkain ang nilalapitan n'ya. Tulad ni Jaxson 3rd year narin s'ya.

"Buti naman at mang-lilibre ang ating president." mapanuyong sinabi ni Clea. I should call her Ate as respect pero ayaw n'ya, nagmumukha daw s'yang matanda.

"Anong libre? Mag-aambag-ambag kayo n'yan." inilahad n'ya ang dalawa n'yang palad sa lahat pero kumindat lang s'ya saakin. "Binayaran namin yan ni Katrina, kaya bigay kayo ng tig-singkwenta." Tahimik na natawa ako sa inaasta n'ya kaya hindi nalang ako kumibo kung sa anong trip n'ya.

Napasarap ang kwentuhan namin inaayos ang mga papeles kaya hindi ko namalayan na mag-aalas-singko na pala kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko kaya napatingin silang lahat saakin.

"Ah--" Kumamot ako sa buhok at alangan na ngumii, "Sorry, Ah... kailangan ko ng kasing umalis."

"Ayos lang Katrina, ihahatid na kita sa labas ng gate." si Jethro na tatayo na sana pero pinigilan ni Jaxson.

"Ako na maghahatid sa kanya, baka tumakas kapa at dumeretso pauwi."

"Hoy andito naman gamit ko maiiwan naman nga."

"At bakit? Wala ka namang pake kung maiwan 'yan."

"Hoy, nagmamadali si Katrina, kung mag-aaway lang naman halina at ihahatid namin kayo sa Gym." biglang sulpot ni Airie na galing lang din sa Comfort room.

Muling hinawakan ni Jethro ang mga papel nakita ko pa ang pag-irap n'ya kay Jaxson, di naman s'ya pinansin kaya inakbayan na ako ni Jaxson para akayin palabas. Sakto ng makalabas ay tumunog ang cellphone ko, kinabahan ako baka si Mama na 'tong tumatawag, lagot nanaman ako panigurado.

Unregistered number

Kumunot ang noo ko at hindi nalang 'yon sinagot. Nagpatuloy kami sa pag-lalakad.

"Ilang taon kana ulit Katrina?" Napatingala ako sa kanya, hawak n'ya ang bag ko kinuha n'ya 'yon saakin kanina pag-labas namin.

"Thirteen palang... dapat nga kuya at ate tawag ko sainyo eh." Tumawa s'ya at ginulo ang buhok ko.

"Di, magmumukha kaming matatanda, ayaw talaga naming mga officers na tinatawag na Kuya or Ate... pwede naman kasing, pogi or kaya ganda." Humalakhak ako

"Ikaw pogi?" Tumango s'ya at muling umakbay saakin hanggang sa marating namin ang gate.

"Bakit hindi ba?" Nagkibit-balikat ako sa kanya at inilibot ang paningin sa labas ng gate.

"Ah, mauna na ako Jaxson, pumasok kana ulit."

"Hihintayin kitang makasakay." Nakangiting sinabi n'ya saakin, sasang-ayon na sana ako ng makita ko si Mr. Serious na nakatayo malapit sa mga nakaparadang tricycle, nanlaki ang mga mata ko at naalalang sinabi n'ya palang hihintayin n'ya ako.

"Hindi na, may mga nakaparada namang sasakyan kaya ako na bahala, bumalik kana doon at hinihintay ka nila." Tumango s'ya saakin at ngumiti.

"Sige, mag-iingat ka pauwi." Tumalikod na s'ya at nagsimulang bumalik sa pinang-galingan namin, ng makalayo s'ya ay lumapit naman ako kay Mr. Serious.

"Mr. Serious." Mahinahon kong tawag sa kanya kaya napalingon s'ya saakin.

"Tapos na kayo mag-usap?"

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now