Chapter 7

33 2 1
                                    

Chapter 7

Sa mga sumunod na araw ay naging normal ang daloy ng buhay ko, ang ibig sabihin ko ng normal ay walang pinag-bago sa pakikitungo ng mga kapatid ko saakin, maging ni Mama. Everything remains normal.

Kaya naman, ng dumating ang araw ng pagbili namin ng mga kagamitan ni Charbhel ay grabe nalang ang saya ko. Lahat ng perang gagamitin ko ay galing sa pagtatrabaho ko sa mama ni Rossy. Pinag-ipunan ko ang lahat para naman kahit papano ay galing lahat saakin at walang masusumbat sina Emelyn at Emily saakin maging si Mama na kahit pag-aaral ko ay nahihirapan n'yang ibigay saakin.

"Bibili tayo ng mga papel tapos mga classmates din naman natin makakaubos!" and here we go, the unending rants of Charbhel. "Pati 'tong mamahaling ballpen! Mawawala din naman to, tas makikita mo kinabukasan ginagamit na no'ng cleaners." Tumawa ako sa mga rants n'ya, kala mo naman may pake talaga, ki-yaman-yaman eh.

"Minsan talaga katamad bumili ng gamit, gusto ko nalang din makihingi ng papel." Kinuha ko ang basket at inilagay doon ang ilang nakuhang notebook at ballpen. "Tapos alam mo? 'yong iba may papel naman nakikihingi pa, tamad lang talagang kumuha sa bag nila." sabay hablot n'ya ng dalawang pad ng tablet paper at deretso sa basket na dala ko. "kaya minsan, ayaw ko narin ilabas mga papel ko eh."

Iniwan ko s'ya doon na marami pang sinasabi, dumeretso ako sa bilihan ng bag at naghanap ng mura. Nang may magustuhang bag ay hinawakan ko 'yon at sinuri, maganda. Hindi agaw pansin pero elegante kung titignan. Hinanap ko ang prize tag at napasighap ng makita ang presyo, oo nga pala nasa mall kami at wala sa tyange. Bibitawan ko na sana iyon ng may pumigil saakin.

"I'll buy that for you." Napatingala ako sa nagsalita at mas lalong napasinghap ng makita ko ang mukha n'ya. "Pasasalamat sa pagpapatuloy saamin sa bahay n'yo." Iniwas n'ya ang kanyang mata saakin at tinignan ang ilan pang bag na nakasabit. "Iyan lang ba ang bag na gusto mong bilhin?"

"Ah, hindi naman na po kailangan... Ah.. maghahanap nalang po ako sa iba." Ibinalik ko ang bag sa lalagyan ngunit muli n'yang kinuha iyon at deretso na naglakad papunta sa cashier. Nakita kong binayaran n'ya iyon.

Nawala sa kanya ang tingin ko ng may kumurot sa tagiliran ko, "Ba't mo naman ako iniwan... Bigla-bigla ka nalang nawawala eh!"

"I'm sorry, halikana, bayaran na natin to." May mga nilagay pa s'ya sa basket na mga kung ano-anong nagustuhan n'ya.

"Ako na magbabayad nito--"

"Charbhel, alam mo naman na--"

"Hep! Can you shut that mouth of yours?" Inirapan n'ya ako at kinuha ang basket sa kamay ko "Ikaw magbabayad ng pagkain natin, lumabas kana dito at maghanap ng makakainan natin. Tatawagan nalang kita kapag tapos na 'ko dito." Magsasalita pa sana ako pero iniwan na n'ya ako doon at dumeretso din sa cashier, nahuli kong nakatingin saakin si Kuya Shan at kay Charbhel kaya dali-dali akong umalis doon, baka kasi ipagpilitan n'ya pa ang bag na yon saakin.

Naglakad ako sa mga may food section, iniisip kung anong klaseng pagkain ba ang gugustuhin ni Charbhel ngayon, ang arte kasi non sa pagkain. Kapag hindi n'ya gusto hindi n'ya rin kakainin. Nahinto ako sa tapat ng Jollibee, dito nalang siguro , kaunti lang ang tao at masarap naman.

"Oh, look who's here!" mga kaibigan ni Ate Rose kasama ang kambal, I didn't know na magkakaibigan pala sila, hindi nga naman imposible dahil hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila.

"What are you doing here, katrina?" si Emily, nabakasan ko agad iyon ng inis, nagpaalam ako kay Mama, siguro hindi na n'ya sinabi sa dalawang ito, o baka wala naman s'yang pakealam.

"Bumili ng school supplies." walang gana kong sagot sa kanya.

"Really? Wala ka namang binili oh?" Hindi ko maalala ang pangalan n'ya ngunit sigurado akong isa sa'ya sa mga kaibigan ni Ate Rose.

"oh Marian, baka naman kasi, andito s'ya para mag boy hunt!" Umirap ako at hindi nalang sila pinansin, ibinalik ko ang tingin sa Jollibee at hinihintay ang tawag ni Charbhel.

"Diba kapatid n'yo to Twinny? So, What an Ate do, will surely be the doings of her younger sister too." Kumunot ang noo ko, at tinignan ang kambal na nakayuko, so asan ang tapang nila?

"That's not it, hindi naman kami naghahanap ng lalaki dito, right Emily?" Emelyn being so defensive.

"At hindi naman namin kapatid yan si Katrina!" si Emily na umirap pa saakin.

Walang akong pakealam sa pinag-uusapan nila kaya inilibot ko nalang ang paningin ko habang naghihintay sa pagong na si charbhel, si Dora naman s'ya mahahanap naman siguro n'ya ako diba?

Sa paglilibot ng mga mata ko ay natagpuan ko ang mga mata ng mga kalalakihang kaibigan ni Ate Rose, pabalik balik ang tingin nila saakin at sa dalawang kambal na hanggang ngayon nakikipag talo parin.

"You know Carla, hindi naman kami magka-dugo!"

"Still, she's your stepsister!"

Ngumuso ako at muling isinawalang bahala iyon, umawang ang labi noong isang lalaki at tinapik ang balikat ni Kuya Shan, andito pala s'ya. Hindi na n'ya dala ang bag, ibinalik na siguro.

Magsasalita sana ang isang lalaki pero biglang tumunog ang cellphone ko.

Charbhel Pateros calling...

"Asan kana?"

"Papunta na kung nasaan ka! Ang bigat nito ha!"

"Ginusto mo iyan, hindi ba?"

"Asan ka? Bwesit to."

"Andito sa tapat ng Jollibee, pakibilisan at gutom na ako."

Walang paalam-alam at pinatayan n'ya ako ng tawag, kinagat ko ang labi ko sa inis. Ibinulsa ko ang cellphone at napansin na nandito parin sila.

"Ah, hindi ba kayo aalis? Mag boy hunt kayo diba?" Inosenteng tanong ko na ikinainis noong isang babae.

"What the fuck!"

Narinig ko ang pagtawa ng mga lalaki kaya napunta doon ang tingin ko at nagkibit balikat lang saakin.

"She's cool."

"Kung hindi lang bata eh.. Aray , ano ba?"

"Ikaw bata, hindi kapa uuwi?" Si kuya Shan na seryuso ang tingin saakin, can I call him Mr. Serious instead?

"Hay salamat!" napatingin ako sa hingal na hingal na si Charbhel habang ibinababa ang mga pinamili namin, dalawang paper bag lang naman iyon. "Nakaseparate na iyan, itong medyo malaki ang sa'yo." Tumango ang at kinuha iyon, ganon rin ang ginawa n'ya ng sa kanya.

"Makaalis na nga!" Narinig kong sinabi ng mga kasama ni Emily at umalis sila ng saba-sabay maliban sa mga lalaking nakatingin parin saamin.

"Kayo? Hindi aalis?" Tanong ko rin sa kanila.

"Baka gusto n'yo ng tulong?"

Tumawa si Charbhel at umiling, "kanina sana diba? Noong andoon pa ako sa NBS! Ay naku, halikana Katrina!" Hinila n'ya ako pero muling tumigil sa paglalakad, "Ah Kuya Shan, ako na bahala!"

Nangunot ang noo ko at ibinalik ang tingin sa kanya pero hinila na ako ni Charbhel papasok ng Jollibee.

"He's trying to be close to you but your ignoring him, what's wrong with you?" 

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now