Chapter 9

25 3 2
                                    

Chapter 9

Living in a place where I am treated like a maid feels like I'm in hell instead of being in heaven. Katrina, you should never let them drag you down, never in this life time.

Taas noong tumayo ako sa harap ng Poblacion National High School. Hindi gaanong sikat ang paaralang ito kaya ito ang pinili kong pasukan, kakaunti lang ang mga estudyante. Ngumiti ako ng makita ang mga masasayang ngiti ng mga kaedaran kong naglalakad papasok sa paaralan, I will surely love this place. Napakapeaceful, masaya at malayo sa ibang paaralan na nakakasilaw sa kasosyalan. Ang tanging malapit lapit na napaaral dito ay ang Giant State College, isang private school na puro mayayaman ang nag-aaral. D'yan din siguro mag-aaral sina Emelyn.

Hindi ko napansin ang matagal kong pagtingin sa GSC kaya nanlaki ang mata ko ng makita s'ya nakatayo din doon at nakatingin saakin, nagtataka. Taas baba n'ya akong tinignan at nangunot ang noo. May mali ba sa suot ko? Lumapit saakin si Mr. Serious na bakas parin ang pagtataka sa mukha.

"Dito ka mag-aaral?" Ibinalik ko ang tinginsa harap ng paaralan at tinignan si Manong Guard na abot langit ang ngiti sa pagbati ng mga estudyante na pumapasok.

"Pasensya kana Mr. Serious pero unang araw ko ng pasok ngayon ayaw kong malate." Kumaway ako sa kanya at tumakbo papunta kay Manong Guard pero narinig ko pa ang sigaw n'ya.

"Mr. Serious? What-- Hoy bata!" tumawa ako at tuloy tuloy na lumapit kay Manong Guard.

"Good morning, Manong Guard!"

"Ang ganda ng araw mo bata ah, patingin ng ID." inilahad n'ya saakin ang kamay kaya ngumuso ako.

"Manong Guard, unang araw ng pasukan wala pa po ID." Pabulong kong sinabi sa kanya sabay ngumiti.

"Alam ko, sinusubukan lang kita baka papasok ka lang dito para makita crush mo." Sabay kaming natawa kaya nakipag apir ako sa kanya, best friend ko na ata to si Manong.

Habang naglalakad ako papasok pansin ko ang mga estudyante na kaedaran ko na kasama pa ang kanilang mga magulang sa paghahanap ng mga classroom nila. Bumuntong hininga ako bago narinig ang pagtunog ng cellphone ko.

Charbhel Pateros calling...

"Katrina, bakit nga ulit ito napili mong pasukan natin?" Wala manlang good morning.

"Katriinnaaaa! Wala akong makita na papabols!" Umirap ako at natatawa sa mga rants n'ya.

"Asan ka ba? Pumasok kana hahanapin pa namin ang classroom."

"Hay naku katrina, nagtricycle lang ako, low profile tayo?"

"Oo kaya pumasok kana," binababa ko ang tawag at ibinalik ang tingin sa may gate at hinintay ang pagpasok ng Dor-- ni Charbhel.

Hindi naman na nagtagal ay nakita ko na s'yang pumasok at pansin ko ang pagkairita n'ya. Bakit ba naman, ang sosyal n'ya tignan tas dito pala papasok. Our uniform suit her so well.

Nang makita n'ya ako ay napatigil s'ya paglalakad at nanlalaki ang mga mata na nakatingin saakin, kumaway ako sa kanya at saka ngumiti. Dahan dahan s'yang naglakad habang tinitignan ako taas baba kaya ngumuso ako.

"You're so pretty, Angeli!" Hinawakan n'ya ang dalawa kong braso, "Ikaw palang ang magandang nakita ko ngayon maliban sa pagmumukha ko." Tumawa ako at saka hinawakan ang Mickey Mouse n'yang hairband.

"Wow, lakas maka disneyland." mas lalong lumakas ang tawa ko ng ngumuso s'ya at kinurot ang tagiliran ko.

Hindi namin napansin na nakatingin na pala samin ang mga taon kaya inakbayan ko si Charbhel at hinila na .

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now