Chapter 2

37 5 1
                                    

Chapter 2

"At sinabi n'ya pa po na naglalandi ako kaya nakikiusap akong s'ya muna ang maglaba ng mga damit ko." si Emelyn na nagsimula ng lumuha, peke. Peke na nga kayo dito sa bahay pati ba naman sa pakikitungo.

Naramdaman ko ang gigil na paghawak ni mama sa braso ko, halos baon na ang mahahaba n'yang kuko. "Para manlang magkasilbi ka, dapat sumunod ka nalang!"

"Ma, ako po--" kinaladkad n'ya ako papasok sa budega at itinulak sa mga nakatambak na sako ng bigas. "M-mama, anong gi-ginagawa--" naluluha akong tinanggap ang sampal n'ya at marahas na paghila sa aking buhok.

Magulo ang buong silid at madilim, may mga alikabok at siguradong may mga ipis dito at daga.

"Kailan ka ba tatanda? Wala kanang ginawa kundi ang maging sakit sa ulo, Katrina!" Umiling ako sa kanya habang nakaluhod at nakatingala sa kanya, hawak n'ya parin ang aking buhok na mas lalong nagpahirap saakin dahil sa hapdi noon.

"Wala akong gi-ginawa, kakauwi ko l-lang g-galing--" nahihirapan kong pananalita dahil sa pag-iyak at sakit na dulot ng paghawak n'ya.

"Sinungaling! Narinig ko ang sinabi ng kapatid mo!" Marahas n'yang binitawan ang aking buhok kaya napasalampak akong muli sa maalikabok at makakating sako ng bigas. Tumulo muli ang luha ko. "Ano? Naglandi ang kapatid mo? O baka naman ikaw Katrina?" sarkastiko n'yang sinabi. Sarili kong ina ay ganyan mag-isip saakin, ano pa ba ang sasakit sa matatalim na mga salita n'ya? Mayroon pa ba?

Umiling ako sa kanya, kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata, pati ang pang-gigigil. Nahagip ng paningin ko si Emily at Emelyn na nakahalukipkip sa may pinto at nasasayahan sa nangyayari saakin.

"Galing po akong trabaho, M-mama." sa wakas ay nasabi ko rin ngunit tila wala iyong tama sa kanya ng muling magsalita ang mga kontrabida at kulang-kulang.

"Sinungaling ka Angeli, buong maghapon ay nanatili ka lang sa kwarto mo at natulog!" Napabaling sa kanya si Mama, at mula sa nasasayahang reaksyon ay napalitan iyon ng pagmamakaawa, tila aping-api s'ya sa tahanang ito.

"Hay naku, Katrina Angeli... Tamad na nga wala pang ginawa kundi ang lumandi!" Mas lalong nag-alab ang galit ni Mama at nang-gigigil n'ya akong hinablot at sapilitan na patayuin ako.

"WALA DITO ANG AMA MO! KAYA HUWAG KANG MAGREYNA-REYNA! IKAW ANG GUMAWA NG LAHAT NG GAWAIN!" nangngalaiti s'ya sa galit, mas lalong sumakit ang pagkakahawak n'ya saakin, wala akong nagawa kundi ang lumuha at umiling tanging paraan ko upang itanggi ang paratang ng kambal.

"Mama, n-nasasaktan po a-ako." pakiusap ko pilit na inaalis ang kamay n'ya saakin, nagiging sugat narin ang mga tusok ng matatalim n'yang mga kuko.

"Mabuti iyan, para magtanda ka!" si Emily na pilit tinatago ang tawa habang nakaalalay sa nagpapanggap n'yang kapatid.

"Dito ka matutulog, at bukas kana lalabas!" walang pag-aalilangang desisyon ni Mama at tinalikuran ako, "Kayong dalawa na lamang ang mag-sara nito." Bilin n'ya sa dalawa at iniwan kami.

"MAAAAAA!"

Anong nangyayari sa magulang ko? Tuluyan s'yang nilason ng mga taong ito! Galit ko silang tinignan na puro pagkamuhi at galit.

"Ano ba ang ginawa ko sa inyo? Mga ate?" Sarkastiko kong tanong habang humihikbi. "Kailangan n'yo pa talaga akong baliktarin sa sarili kong ina at palabasin na ako ang masama?" Tumawa sila, naging maayos din ang postura ni Emelyn hindi katulad kanina na parang mahihimatay na, kala mo naman kinaladkad ng kabayo sa buong hacienda.

Lumapit saakin si Emelyn at hinaplos ang aking mukha na paniguradong dumikit ang mga alikabok.

"Poor Katrina Angeli Sostrian, matutulad ka rin sa tatay mong nabaon na sa limot!" Tinampal ko ang kamay n'yang nakahawak saakin.

"Talaga ba Emelyn ha?" Bagama't maraming tumulong luha at sakit ang ibinigay saakin ni mama hindi ko naman kakayanin na apihin lang ako ng dalawang ito. "Hindi naman nawala si Papa, babalik s'ya at sisiguraduhin ko na sa putikan kayo mapupunta!" Taas noong paninigurado ko na ikinatawa nilang dalawa.

"Paano? Annul na sila, kasal si Daddy at Mama at isa pa..." itinaas n'ya ang kanyang mga kamay at tila s'ya na ang nagwagi. "sisiguraduhin ko, na dito ka matutulog gabi-gabi." Pinasadahan n'ya ng paningin ang buong silid na may pandidiri sa mga mata.

"Ano dadalhin ko na ba ang mga gamit mo dito?" si Emelyn na naglalakad-lakad pa.

"Hindi, hihintayin nating si Mama ang magsabi noon sa kanya, para mas masakit at umalis na din s'ya sa pamamahay na to, ng kusa!" in your wildest and deepest nightmare.

"Halikana Emelyn, hindi tayo bagay rito, bigyan natin si Katrina ng panahon upang makausap ang bago n'yang pamilya sa silid na ito."

"Sige, umalis na kayo, dahil sa susunod kayo na ang matutulog dito." Umiling lang sila at tumawa saka isinara ang pinto.

Muli kong pinasadahan ng paningin ang silid at napabahing sa dulot ng mga alikabok. Napangiwi ako ng makita ang mga nagkalat na damit at ng maamoy ang kakaibang simoy sa loob ng silid na ito.

Hindi ako takot sa dilim ngunit takot ako sa mga insekto at mababangis na hayop. Ipinagdadasal ko nalang na walang mapangahas na lalapit saakin o magpapakitang ipis o daga manlang.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung matutulog ba ako o mananatiling gising upang hintayin ang mag umaga para makalabas sa bodegang ito.

Hindi ko lubos na maisip na hahantong sa ganito si Mama, nagpapadala s'ya sa mga kasinungalingan ng dalawa na maging ako ay ayaw na n'yang pakinggan pa. Hindi kami ganito noon, nang nandito pa si papa. Noong magkasama pa sila, our family was everyone's dream but because of one mistake everything that I treasured was vanished.

Papa did his best to protect our family, he did his best to provide my needs, but Mama wasn't contented, she wants more reason why Papa left our home.

I am contented with what I have before, but right now? I don't think so. Kahit narito ang kambal kapalit ng presenya ng tatay ko ay wala parin makakapuwang sa pangungulila ko sa kanya sa loob ng bahay na to lalo na kung ganoon ang kanilang pag-uugali.

Naupo ako sa sahig at isinandal ang nanakit kong likod sa pinto. Niyakap ko ang dala-dala kong shoulder bag. Kailangan kong magpakatatag, hindi maaaring maging ganito nalang ako, kailangan kong lumaban pero paano? Kung ang kaisa-isang matatakbuhan ko sa pamamahay na to ay tinalikuran na din ako.

Muling tumulo ang mga luha ko, kinagat ko ang aking mga labi at tumingala habang nakapikit. Nagsisimula na din kumati ang balat ko dahil sa mga alikabok.

Sleeping here wasn't in my bucket list, at the age of 13 I know what life I should have and this situation I am in wasn't in the line.

I will never be the dust forever, if my mother is the gold in this house then I am her silver, no one else but me.

Binuksan ko ang bag at kinuha ang cellphone doon at ang earphone, sinuot ko iyon, I played the song Close to you to calm myself... upon hearing the song I slowly close my eyes.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now