Chapter 6

24 2 0
                                    

Chapter 6

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil alam ko naman na marumi sa sala dahil magdamagan siguro silang nagkasiyahan doon may mga dumating pa silang mga kaibigan na kinatulugan ko nalang. Hindi rin nila ako ginising para linisin ang bahay.

Pababa ako sa hagdan ng mapansin ang katahimikan ng bahay ala sais palang ng umaga siguro tulog pa ang kambal at si Mama kasi kung gising na sila baka nagalit na iyon dahil magulo ang bahay. Imbes na dumeretso ng sala ay sa kusina muna ako pumasok para kumuha ng mga panlinis mamaya na siguro ako gagawa ng almusal total ay tulog pa naman sila.

Bitbit ang panglinis ay tinungo ko ang aming sala, hindi pa nga ako nakakapag hilamos ot toothbrush manlang.

Pero nagulat ako kun sino ang nandoon, he's cleaning the sofa with his own hands.

"Ay naku po, kuya." Pinigilan ko s'yang mahawakan pa ang ibang basura at ako na ang naglagay non sa trash bin. "Pasensya na po, nainis po ba kayo dahil marumi ang sala? Lilinisin ko lang po." Hindi ko na s'ya muling tinignan at nilinis nalang ang sala, lahat ng plastic bottles at mga pinag kainan nilang junk foods ay nilagay ko na sa basurahan. Nang mapulot ang lahat ay saka ko pinunasan ang mesa ganoon din ang sahig na nabuhusan ng mga inomin, kumunot ang noo ko ng maamoy ang alak doon, Tumuwid ako ng tayo at binitawan ang basahan at hinarap s'ya. Nahuli ko s'yang pinagmamasdan ako na muling nakakunot ang mga noo ngunit ganoon din ako sa pagtataka at kinakabahan ako.

"Uminom kayo ng alak?" Hindi s'ya nag salita at pinagmasdan lang ako, I greeted my teeth with annoyance.

"Kuya po, uminom po kayo?" Tumango sya saakin pero hindi parin naaalis ang kanyang mga tingin saakin.

"Hala? Magagalit si Mama. Bakit po? Hala." natataranta kong sinabi at nagmamadali muling nilinis ang sahig. Ng masigurong nalinis na ay binitbit ko ang trash bin palabas ng bahay para doon ilagay at makuha ng mga naglilibot na basurero.

"Ako na ang magdadala." Hindi naman ako tumanggi at ibinigay na iyon sa kanya, tinuro ko din kung saan n'ya ilalagay at bumalik ako sa sala upang muling punasan ang mesa at mag walis ng tambo. Sinisiguro na hindi na aamoy ang alak ay nag spray pa ako ng kung anong nakuha ko sa kusina para sa mga bacteria.

Hinihingal na napaupo ako sa sofa at tinitigan ang sala na malinis na muli saka ang pagbalik n'ya sa sala, naupo sya sa katapat kong sofa at tumingin saakin, nanatili naman akong tahimik at kinakalma ang sarili.

"I'm sorry about that." Tumango ako sa kanya at muling tumayo, iniiwasan na makausap s'ya, bakit pa ba s'ya nandito?

Pumunta ako ng kusina at napagpasyahan nalang na magluto ng maaaring maluto para sa almusal. Nagugutom narin kasi ako.

Nagluto lang ako ng hotdog at bacon pati narin fried rice para saamin, dinamihan ko nalang dahil parang nandito pa ang mga kaibigan nila Emily.

"You already know how to cook?" Muntik ko pang mabitawan ang sandok dahil sa biglaan n'yang pagsasalita.

"Yes po, Kuya."

"Why do I feel like I am an old man?"Tumawa ako at hindi nalang sumagot sa kanya sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagluluto. Akala ko aalis na s'ya ngunit ng inilapag ko ang hotdog sa mesa ay andoon s'ya nakaupo at pinagmamasdan ako.

"Ah, you can wait naman po sa sala? Or pagtitimpla po kita ng kape?"

"Hindi, I like watching you cook." Muling nailang kaya pinag patuloy ko muli ang pagluluto kahit naguguluhan sa presensya n'ya.

"By the way, we slept here, Rose, Rossy and I. The others went home." Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Wala pong problema." Naisip ko kung saan s'ya natulog? Katabi ba n'ya si ate Rose? May isa pang bakanteng kwarto baka doon sila natulog tapos si Rossy nakitulog sa kwarto ng isa sa kambal?

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now