Chapter 26

7 1 0
                                    

Chapter 26

Nawala ako sa sarili, palaging tulala at hindi makausap ng maayos simula ng huling pag-uusap namin ni Jaxson. Nahihiya ako at naaawa sa ginawa ko sa kanya, alam ko na ako ang mali at hindi s'ya. Pinahalagahan n'y a ako sa kabila ng kalungkutan at ang pagdamay n'ya saakin para unti-unting bumangon tapos ito, bigla nalang magdedesisyon na sabihin sa kanya na tumigil na.

"Katrina, Anak?" napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng katokin iyon ni Papa. Tamad na tumayo ako at binuksan iyon. "Andyan ang mga kaibigan mo sa baba." Kumunot ang noo ko at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding malapit sa hagdan. Alas kwatro na ng hapon.

"Bakit daw po?"

"Yayayain ka daw nilang lumabas." Huminga ako ng malalim at inayos ang magulong buhok. "Si Jaxson anak, hindi naman nila kasama papunta dito." Isinara ko ang pinto ng kwarto ko at ngumiti kay Papa para yayayain na s'ya pababa. "Hindi ba 'yon sasama sa inyo?" Alam ni papa na nanliligaw sa akin si Jaxson dahil madalas iyon dumalaw dito sa bahay.

"Hindi na po s'ya Papa manliligaw."

"Ha? Bakit? Napakabait naman ng batang iyon ah?" nagkibit-balikat ako at yumakap nalang sa baywang n'ya.

Nang makababa kami ng hagdan ay sumalubong saamin ang magulong mga kaibigan. Si Marco ay busy sa pangungulit kay Jelay na halatang inis na inis na. Si Christine, Jeth at Nadine naman ay nasa sahig at hindi maintindihan ang ayos, are they practicing of a wrestling battle?

"Girl! You're so kadiri! Your lips almost touch mine!" natawa ako ng biglang umasim ang mukha ni Nadine sa sinabi ni Jeth. Jeth is gay and funny in his own way. Napansin ko din na nakaayos silang lahat. They were in their most glamorous outfit, iyon nga lang ay nagulo na ang ayos ng tatlo dahil sa sobrang kakulitan nila.

Natigil ang lahat ng engrandeng pumasok si Charbhel with her fascinating red tube fitted dress and a pointed black high heels. Her short hair like dora suits her. Wala sa sariling napangiti ako, that's my best friend. Nagtagpo ang mga mata namin pero biglang nandiri s'ya sa akin, tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Sana all may engrandeng pasok!" sigaw ni Jeth kaya natawa ang lahat ganoon din si papa na nakaakbay pa sa akin.

"KATRINA!" napaatras ako ng biglang sumigaw si Charbhel at lahat ng mga mata ay nalipat sa akin. Lumubo ang pisnge ni Christine at Jelay ng tignan ako dahil sa pagpipigil ng tawa. "Bakit hindi ka pa nag-aayos?" gigil na tanong ni Charbhel, nagtiim-bagang s'ya at tinaasan ng kilay ang mga kaibigan namin na nagpipigil sa pagtawa.

"Ah mga Hija, hijo. Maiwan ko na muna kayo dito." Paalam ni Papa saka umalis.

"Kayo nauna dito hindi n'yo pa pinagbihis? At anong itsura 'yan?" Tinuro n'ya ang tatlo na nasa sahig pa rin. Kinagat ko ang labi ko para hindi lumabas ang pagtawa dahil namumula na sa inis si Charbhel. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ako sa braso. "Girls! Sumunod kayo sa taas, bilis!" Hinila ako ni Charbhel papunta sa kwarto ko. Binitawan n'ya ako at nagsimula s'yang maglakad papunta sa closet ko at naghalungkat doon. Nang may nakuha ay sa may mga heels naman s'ya pumunta at pumili ng ipapasuot saakin. "Maupo ka doon sa harap ng salamin." Ngumuso ako at sumunod na lang, tumingala sya at tiimbagang ulit na humarap sa akin, tinaasan n'ya ako ng kilay. "Naligo ka na?" alanganin na umiling ako sa kanya.

"Wala naman kasi akong alam na lalabas tayo." Umirap s'ya at tinuro ang CR

"Ligo!" Bagsak ang balikat na naglakad ako papuntang C.R. para maligo. Pakatapos ay busangot muli akong lumabas andoon na si Christine, Jelay at Nadine naghihintay din sa akin. May hawak na make-up kit si Nadine, sinusuri naman ni Jelay ang itim na dress at si Christine ay nakahilata lang sa kama ko. Hawak naman ni Charbhel ang blower at ng makita ako ay sininyas n'ya ang upuan sa harap ng salamin kaya naupo na ako doon.

"Saan ba kasi tayo pupunta at kailangan pa mag-ayos?" inosenteng tanong ko, nginuso ko ang labi ko at tinignan ang sarili sa salamin.

"Bar."

"Invite mo si Jaxson, girl." Ngumiti ako at tinignan lang ang repleksyon sa salamin. Masyado ko ata inisip ang kagaguhan na ginawa ko kay Jaxson at nakalimutan kong alagaan ang sarili, halata sa mga mata ko ang pagod.

"Hindi na s'ya mangliligaw." Ang nakahigang si Christine ay bumangon, nanlaki ang mga mata, si Charbhel naman ay pinagpatuloy lang ang ginagawa sa buhok na parang alam n'yang mangyayari iyon.

"Ha? Katrina, boyfriend material na si Jaxson." Naguguluhan na sinabi ni Jelay.

"At siguradong mahal ka pa."

"Pero hindi n'ya mahal." walang kwentang dugtong ni Charbhel, sinamaan ko s'ya ng tingin mula sa repleksyon at tinaasan n'ya lang ako ng kilay.

Natigil doon ang usapan ng simulan na nila akong ayusan. Pinasuot nila sa akin ang itim na dress na above the knee, kita din ang pusod ko doon dahil sa desenyo nito, backless at kitang kita ang hubog ng katawan ko. Sinuot ko din ang itim na 3 inches na heels.

"You look sofusticated, Katrina!" Umawang ang bibig ni Jelay, may kinuha s'ya red lipstick sa bag n'ya at lumapit sa akin. "Let me put this on you pouty lips." natawa ako sa sinabi n'ya, dahan-dahan n'ya iyon na nilagay.

"I really love your eyes, Katrina." si Christine ng makalapit din.

Maya-maya pa ay kinatok na kami sa kwarto.

"Girls, mag-7 na po." si Marco iyon sigurado, s'ya lang naman kasi ang mahilig mag-po sa mga boys eh.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon, laglag ang panga n'ya ng tumingin sa akin. Nang makabawi ay tinignan n'ya ang mga kaibigan namin, "Bakit n'yo tinali ang buhok?" Kumunot ang noo ko at nagtataka s'yang tinignan. "Gulo 'yan sigurado."

Sumulpot naman sa likod ni Marco si Jeth at laglag din ang panga ng makita ako, "Hoy! She's too expose!" Lumipat ang tingin ko sa mga kaibigang babae na inis din na nakatingin sa mga lalaking nagrereklamo.

"Maganda naman eh." si Jelay

"Atleast, untie her hair." Inis din na sagot ni Marco, "She's so--"

"Okay, tanggalin natin ang pagkakatali, may tinatayuan ata." si Charbhel na lumapit sa akin at muling pinaupo sa harap ng salamin.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now