Chapter 15

15 1 0
                                    

Chapter 15

"Para kang nag-papaalam n'yan." Tumawa s'ya at mas hinigpitan ang yakap saakin. Hindi ko talaga alam kung pano ko sisimulan ang pagsisikap na mawala ang nararamdaman ko, lalo na at gusto ko sulitin ang panahon na makakasama ko s'ya dahil hindi ko alam ang mang-yayari sa susunod na mga oras kasi baka pag-bawalan na s'ya ng girlfriend n'ya-- ni ate Rose.

"Sobrang nagpapasalamat lang ako kasi alam mo 'yon, nakwento ko sa'yo lahat ng problema ko lalo na sa kambal kong kapatid.

"You just need to be tough all the time." Bumitiw s'ya sa pagyakap saakin at hinawakan ang mga kamay ko, "When I saw, kung gaano ka miserable ang buhay mo hindi ko alam kung paano ka tutulongan sa simula. Nakita kita sa bahay nila Rose, doon tayo unang nagka-kilala hindi ba?" Tumango ako at mapait na napangiti kasi iyon din ang araw na pinakilala s'ya saaking boyfriend s'ya ni Ate Rose. "I saw you doing the laundry." Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi, "Yes, I saw you that day, pagod na at pinagpapawisan. Pero nag-taka din ako noon ng sinabi ni Rose na anak ka ng isang business woman so why are you doing the job." Sumeryuso ang mukha n'ya at mariin na tumitig saakin.

"At first, akala ko way mo lang iyon para tumulong sa kanila." Ngumiti s'ya at bumaba ang tingin sa mga kamay ko, "Nang-hinayang tuloy ako sa lambot ng mga 'to" Tumawa s'ya kaya hindi ko napigilan na ngumiti at daluyan ng kilig. "Pero nawala ang paniniwala ko ng nakita ko kayo ng mga kapatid mo sa bahay n'yo." Muli n'ya akong tinignan sa mga mata ko at nahuli n'ya ang muling pagtulo ng mga luha ko.

"Hindi ko aakalain na maabutan kitang napakagulo at may mga sugat." Ibinaba ko ang mga tingin sa kamay n'yang dahan-dahan ang paghaplos sa mga kamay ko, "Hindi ko aakalain na I-kwekwento ng mga kapatid mo saakin ang mga pinag-gagawa nila sa'yo." Gulat sa narinig ay napatingin ako sa kanya.

"Kwenento nila sa'yo?"

"Bago ka paman mag-kwento ng ilan sa mga 'yon, nasabi na nila saakin ang lahat." Nanlalabo ang mga mata ko sa luha at nahihiya sa mga pinag-daanan ko. "Nalasing sila noon, kaya nag kwento tungkol sa'yo." Tumango ako at humikbi, tinabunan ko rin ang mukha ko ng mga kamay ko na pilit n'yang inaalis.

"Hindi ako naaawa sa'yo, naiinis lang ako sa kanila. Kung bakit kailangan nilang gawin ang lahat ng 'yon sa'yo."

"Kahit ako ay hindi ko alam ang dahilan, pero ang kaibahan natin ay ako, naaawa para sa sarili ko." Hindi s'ya nag-salita at patuloy lang pinupunasan ang mga luha na tumutulo mula sa mata ko. "Hindi ko kayang ipag-tanggol ang sarili ko, lalo na kay Mama dahil ayoko na magali s'ya saakin, lalo na't pakiramdam ko ay kinamumuhian na n'ya ako dahil siguro sa nangyari sa kanila ni Papa."

Muli n'ya akong niyakap, "I am not asking you to tell me everything about your life experiences, gusto ko lang na mag-pakatatag ka at lagi mong isipin na naririto ako to be your crying shoulder." Tinapik n'ya pa ang balikat n'ya.

Makokontento na ako sa ganitong paraan, ang makita ang taong ito na sinusuportahan ako sa lahat ay sapat na para saakin.

"Sa linggo, lalabas tayo. Pwede ba 'yon?" Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"At bukas at susunod pang mga bukas, hihintayin kita sa labas ng gate n'yo para sabay tayong uuwi." Hindi ko alam kung bakit kailangan n'ya pang gawin ito, pero nag-papasalamat parin ako.

"Salamat kasi nakilala kita."

"Salamat kasi naisipan mong mag-labada kina Aleng Rosa."

Wala kaming ginawa kundi ang balikan ang mga panahon ng una kaming mag--kakilala. At wala din s'yang ibang ginawa kundi ang pakinggan ang bawat kwento ko.

"Magtatapos kana, ilang buwan nalang. Saan mo ba balak mag-aral ng college?" Tumingala ako sa langit at ipinikit ang mga mata, he's strumming his guitar with the tone of Close To You by The Carpenters, our favorite song. "Sa school ko, gusto mo ba doon?" Sandaling sumulyap ako sa kanya at ngumiti.

"Saan naman ako kukuha ng pang-tuition doon?" Pabiro kong tanong sa kanya para hindi maging awkward 'yon para saakin at sa kanya.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi ka nila susuportahan?" natahimik ako at madiin na itinikom ang bibig, to be honest I don't know the answer.

"Hindi ko rin alam." Gusto kong makapag-tapos ng pag-aaral at kung kinakailangan na mag-trabaho ako at bagohin ang mga impormasyon tungkol sa aking sarili ay gagawin ko para lamang matanggap sa trabaho at makapag-aral subalit hindi ako ganoong klaseng tao na magagawa pang manloko ng ibang tao para lang makapag-trabaho at maibigay ang sariling pangangailangan.

"Ang totoo mo bang tatay alam mo kung nasaan?" mapait na ngumiti ako at tumango sa kanya, simula ng tinanggihan ko si papa na sumama sa kanya ay hindi na ulit ako nakarinig ng balita tungkol sa kanya o hindi lang sinasabi ni Mama saakin. Ang tanging alam ko ay nasa Manila s'ya at may pinapatakbo na negosyo.

"Nasa Manila s'ya." hindi s'ya nakapag-salita at ibinaling ang tingin sa malayo.

"Maganda sa pinapasukan ko, maganda mag-turo ang mga professor. Sabihan mo ako kung gusto mo ng mag-inquire sa kanila para masamahan kita." Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin, gusto n'ya bang doon ako mag-aral para magkasama na kami o talagang ako lang ang nag-iisip ng ganito dahil ako lang naman ang may nararamdaman sa kanya.

Umilaw ang cellphone n'ya na nakalapag sa damohan na naging dahilan kung bakit nakita ko ang litrato n'ya doon kasama ang isang magandang babae, hindi ako nakapag-salita at napatitig lang sa cellphone n'ya. May mensaheng dumating sa kanya pero hindi n'ya napansin dahil naka-silent ata.

Sumikip ang dibdib ko sa kaisipan na iyan na siguro ang usap-usapan na girlfriend n'ya. Napakaganda at mature tignan at napakalayo saakin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit itinanggi n'ya ang relasyon nila ni Ate Rose kasi baka ang magandang babaeng ito ang totoong nag-papatibok ng puso n'ya.

Tinapik ko s'ya sa balikat, itanago ang pagka-bahala sa nakitang picture, "Uwi na ko," kumunot ang noo n'ya at sinulyapan ang relong suot, "alas kwatro palang, may gagawin kapa ba?" tumango ako, nilalabanan ang pag-badya na pag-tulo ng mga luha.

"Sige, ihahatid na kita." Agad na tumayo ako at bahagyang lumayo sa kanya, tumayo rin s'ya kasabay ng pag-dampot n'ya sa kanyang cellphone pero hindi n'ya naman iyon tinignan at ipinasok lang sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Hindi na, gusto ko rin na mapag-isa sa paglalakad." Mas lalong kumunot ang noo n'ya kaya ngumiti ako sa kanya para alisin ang pagtatakang namumuo sa isipan n'ya. "Sige mauna na ko, mag-iingat ka sa pag-uwi, bukas ulit." Ikinaway ko ang kamay ko at tinalikuran s'ya. Binilisan ko ang paglalakad kasabay noon ay ang masaganang pagtulo ng aking mga luha.

Ito na siguro ang sign pero wala naman sigurong masama kung makikisama parin naman ako sa kanya, kahit hanggang kaibigan-- mali, dahil kaibigan naman talaga n'ya ako at kung may iba pa, ay ang turing n'ya saakin na nakakabatang kapatid.

'Pasensya kana, Shan. Ngunit gusto ko munang sulitin ang mga panahon na makakasama pa kita bago ka n'ya ipag-damot at tuluyan ng angkinin.'

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now