Chapter 1

60 5 3
                                    

Chapter 1

Kinabukasan ay hindi ako tinigilan ni Emily at Emelyn sa kaka-ulit-ulit na kailangan nila ng mag-aasikaso rito sa bahay. Dalwang linggo pa ang hihintayin ko bago magpasukan kaya may oras pa ako para pag-iponan ang idadag-dag ko sa pambili ko ng mga gamit sa eskwela.

Alam kong walang tatanggap saakin sa kahit na anong pwedeng pagtrabahuhan sa edad kong ito. Kaya labis ang pagsisikap ko na maglakad at isa-isahin ang mga kapit-bahay namin.

"Aleng Rosa, may ipapalabada po ba kayo?" Tumingin s'ya saakin, siguro kaunting edad lang ang tanda n'ya kay mama. Kasalukuyan s'yang nagwawalis sa bakuran nila habang nagtatakbuhan naman ang dalawa n'yang maliit na anak.

"Ay naku, salamat naman hija." inilapag n'ya ang hawak na walis at pinunasan ang tagktak n'yang pawis mula sa mainit na sinag ng araw. "Ngayon kana ba maglalabada?" mahinahon n'yang tanong saakin at binuksan ang mababa at maliit nilang gate para papasukin ako.

"Opo eh, kailangan ko po kasi ng pera para sa pag-aaral ko." tila nabigla s'ya sa sinabi ko at napatingin saakin na hindi makapaniwala, ngumiti nalang ako.

"Paano? May negosyo at pera naman kayo sa tutuosin hindi mo na kailangan maglabada pa." Tumuloy ako sa bakuran nila at nilapitan ang dalawang bata na naglalaro.

"Hindi naman po iyon saakin, sa mama ko iyon." Naramdaman ko ang paglapit n'ya saakin, Mabait si Aleng Rosa, kaibigan ko rin ang isa n'yang anak ngunit nagbakasyon iyon.

"Ngunit ikaw ang anak hija." Napabuntong-hininga nalang ako at kibit-balikat sa kanya. Kahit ako ang tunay na anak kung mas tinuturing ni mama na sariling anak sina Emily at Emelyn ay wala akong magagawa.

Simula ng dumating sila sa bahay ay tila naging hangin ako para kay mama, ako ang nagmistulang ampon sa loob ng bahay na iyon.

Muli kong hinarap si Aleng Rosa, "Ngayon po ako maglalabada, pwede na po ba ako magsimula?" Batid kong marami pa s'yang gustong itanong saakin, ngunit tumango nalang at giniya ako papasok sa likod bahay nila upang ipakita ang mga labada.

There are two basket full of dirty cloths beside is the water tap. Medyo marumi ang paligid dahil sa mga tuyong dahon na naglaglagan mula sa puno ng mangga. Hindi naman mainit dahil sa proteksyon ng mga puno kaya medyo okay lang naman.

"Pasensya na hija medyo marami ito, dalawang linggo kasi hindi nakapaglaba dito iyong kinuha ko. Kaya ikaw nalang." Muli kong tinignan ang mga labada at ngumiti nalang sa kanya.

"Ayos lang po." naupo ako sa isang maliit na upuan at humarap sa planggana. Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Aling Rosa.

Sinimulan kong paghiwalayin ang mga puti sa may mga kulay. Hindi na ito bago saakin dahil gawain ko naman ito sa bahay namin.

Pakatapos mapaghiwalay ang lahat ay naglagay na ako ng tubig sa planggana at sinimulan na iyon labhan. Medyo mahirap dahil mano-mano ang lahat ng ito. Napapanguso pa ako tuwing nararamdaman ang hapdi sa mga palad ko, sa bahay kasi may washing machine naman.

Pawisan na ako ng hatidan ako ni Aleng Rosa ng meryenda, hindi ko naman inaasahan.

"Naku hija, kumain ka muna mamaya kana magpatuloy hindi naman kita minamadali." Naghugas ako ng kamay at tinanggap ang pagkain na ibinigay n'ya, muli ulit s'yang umalis upang bumalik sa dalawang bata. Alam kong mahirap itong naging desisyon ko, ang pag aralin ang sarili ng mag-isa ngunit mas gugustuhin ko na ganito nalang kaysa wala akong marating at mag-hirap sa future.

Gusto kong patunayan sa mama ko na may mararating ako kahit wala ang tulong n'ya, kahit wala ang negosyo n'ya na hindi naman para saakin kundi sa kambal, sa kambal na walang bahid ng dugo n'ya.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now