Chapter 3

38 2 3
                                    

Chapter 3

Napamulat ang mga mata ko ng maramdaman ko na parang may nangingiliti sa paa ko, kalmadong tinignan ko ang paa ko at agad din napabalikwas ng makita ko kung ano ang dahilan ng nararamdaman kong kiliti.

Daga, may daga sa paa ko! Sumigaw ako at tumakbo paikot sa loob pero dahil nga magulo ay nagkahulog-hulog ang mga gamit na nakapatong sa isang kabinet naging dahilan din ng paglabasan ng maraming daga at ipis na nagtatago sa kanilang lungga. Tila naisturbo ko pa yata sila. Muli akong umikot at bumalik sa may pinto at malakas na hinampas iyon, pilit na humihingi ng tulong kung sino man ang tao sa labas.

"TULONG!" malakas kong muli na hinampas ang pinto, nanginginig na ang tuhod ko sa takot at hindi ko na alam ang gagawin ko kundi ang maiyak. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan para maranasan ito.

"Please... Mama!"

Muli kong tinignan ang mga daga at ipis na nagkakagulo sa sahig at pader, tila hindi nila alam kung saan sila tutungo.

"Ang ingay-ingay mo naman Katrina!" rinig ko ang boses ni Emily mula sa labas.

"Please Emily, buksan mo na ang pinto, may-- may mga daga dito." natatakot kong pakiusap sa kanya ngunit halakhak ang narinig ko.

"Hindi ba maganda 'yon? Mabubulok kana riyan." Umiling ako at tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanghihina na rin ang tuhod ko sa takot, kinakapos narin ako sa hininga dahil sa pagod kakatakbo paikot at kaiiyak.

"Sino ba ang kausap n'yo riyan mga hija? Nasaan si Katrina?" rinig kong boses ni Lola mula sa labas kaya muli akong nabuhayan, muli kong hinampas ang pinto at humikbi.

"Loolaaa! Andito po ako." Alam kong naririnig nila ang bawat paghikbi ko.

"Apo? Jusko? Bat ka andyan, nasaan ang susi ng budegang ito Emily? Emelyn?"

Tahimik akong nagpasalamat dahil sa pagdating n'ya. Ngunit mga ilang sandali lang ay nagiging palapit na ng palapit saakin ang mga daga, hindi parin nabubuksan ang pinto.

"La, andyan pa po kayo? May mga daga po kasi."

"Oo apo, sandali lang at pinakuha ko ang susi." iba ang kabang nararamdaman ko, nahihilo din ako sa nakikita ko. Ilang taon ba itong hindi nabuksan para dumami ng ganito ang mga daga at ipis?

"Ito na po ang susi." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko iyon mula kay Emelyn. Narinig ko rin ang kakaunting tunog ng susi.

"Mali ata ang susing ito! Bakit hindi nagbubukas?" Muli akong nangamba sa narinig mula kay lola. Bakit? Paano?

"Yan po ang alam kong susi lola."

"Hindi ito ang susi ng pintong ito! Bakit kasi nasa loob ang apo ko?" ramdam ko ang galit sa tuno ng boses n'ya.

"Iyan naman po kasi ta-"

"Hindi nga ito ang susi! Kung ito, dapat bumukas na 'yan kanina pa ng ipinasok ko!"

Napaluhod ako sa panghihina at paghikbi. Niyakp ko ang sarili at isiniksik sa pinto. Nagbabakasakali na makakalayo sa mga insekto.

"Lola, please po." nanginginig ang boses ko.

"Sandali lang apo, ako mismo ang kukuha ng susi." narinig ko ang mga yakap n'ya na sinyales ng pag-alis n'ya.

"Ang arte arte mo Katrina, parang isang gabi lang naman." si Emelyn iyon sigurado.

"Hindi ako nag-iinarte Emelyn." muli akong tumayo at hinarap ang pinto, "Ikaw kaya ang ikulong dito ng magdamag? Ano sa palagay mo ang mararamdaman mo?" Narinig ko ang halakhak ng magkapatid sa sinabi ko.

"Sa tingin mo ba mangyayari ang sinasabi mo, Katrina?" Alam kong malabo, ngunit sa kahit anong banda hindi ko kailan man deserve na mapunta sa silid na ito.

Bahagya nilang hinampas ang pinto na nagpagulat saakin dahil nakasandal ako doon. "Ikaw, tanging ikaw lamang ang makakaranas ng ganyan Katrina, habang nasa loob ka ng pamamahay na to."

Tumawa ako, ngunit bakas sa boses ko ang paghihina,, "Talaga ba? Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyan saakin? Ako ang tunay na anak ni Mama at hindi kayo!"

"Ngunit sino ba ang pinahahalagahan Katrina? Ikaw ba? Kami, diba?" Totoo iyon, kung paano nauwi sa ganoong sitwasyon ay hindi ko rin alam. Lumuha lamang ako at hindi na sinasagot ang mga pinagsasabi nila saakin.

"Kaya kong ako sa'yo, umalis kana dito. Pumunta kana sa tatay mo. Nagiging pabigat kalang eh." Nagiging pabigat? Ako ba talaga ang nagiging pabigat dito?

Things won't be this worst if you'll just support me with everything.

"Apo, naku!" nanghihina na ako dahil din sa gutom, hindi kasi ako nakapaghapunan kagabi. Kaya ng marinig kong muli ang boses ni Lola papalapit ay napangiti nalang ako.

"Bakit kasi nasa loob si Katrina? Ano ba ginawa n'yo?" At saka ang muling pagbukas ng pinto, nasilaw ako sa liwanag, pakiramdam ko napakatagal kong nakulong sa loob ng silid. "Jusko, Katrina!" bakas ang pag-aalala sa mukha n'ya kaya hindi ko napigilan ang mapahikbi na lamang. Niyakap ko sya ng mahigpit at tanging pangalan n'ya ang ibinigkas.

"Lola."

"Ano ba ang nangyari Katrina?" Umiling lang ako at humikbi sa balikat n'ya, nagbabakasakali na lalakas ang pakiramdam ko, ngunit nagkamali ata ako, nanghihina talaga ako.

"Lola, hindi po namin alam na nasa loob s'ya, nagulat nalang din ako na sumisigaw na s'ya eh." Napabitaw ako sa yakap ni Lola at pilit na tinignan ang kambal.

"T-talaga ba? Hindi n'yo a-alam?"

Porte na ata nila ang pagsisinungaling. Porte na ata nila na ipahamak ako, at maging ang mga tao sa paligid ko ay pinapaikot nila.

"Katrina, bakit kaba kasi pumasok doon?" si Emily na may pahawak-hawak pa sa buhok ko, "Puros kana tuloy alikabok."

Mas mukha kang alikabok, ang kakapal ng mga mukha ninyong magsinungaling.

"Mama, andito po pala kayo, bakit hindi kayo nagsabi?" Boses ni mama ang nakapagpatigil saakin sa tangka kong pagsasalita.

"Oo, at ano? Ito ang madadatnan ko? Si Katrina? Nakakulong sa bodega?" nanliit ang mga mata ni Lola at masamang tinignan ako ni mama kaya napayuko na lamang ako. "At ang sabi nitong kambal, hindi nila alam na nasa loob si Katrina?" Dinuro pa ni Lola ag kambal saka ako inalalayan. "Naku naman, ang anak mo, nanghihina! Maalikabok sa loob ng silid na 'yon Marbela!" Yumuko ako at tahimik na lumuha sa kawalang pake ni Mama.

"Sinaktan n'ya kasi si Emelyn, alam n'yo namang may asthma 'yan." At talagang iyon parin ang ipaglalaban n'ya.

"Mauna na po ako Lola sa silid ko po." pilit na ngiti ang ginawad ko kay Lola at saka nakayukong tumalikod sa kanila.

Ngunit hindi paman din ako nakakalayo ay narinig ko pa ang usapan nila.

"At ang anak mo Marbela? Ang sarili mong anak ang ipapasok mo sa silid na iyon? Na puro daga at ipis?"

"Ma, ano ba? Kaya lumalaki ang ulo ng batang iyan dahil kinokunsinte mo!" Dumeretso ako sa paglalakad papuntang silid ko, hindi na gugustuhin na marinig pa ang pag-uusap nila.

Pakapasok ko ang magulo na silid ang tumambad saakin, ang mga damit ko ay nagkalat sa sahig at ang kama ko ay may mga bakas ng putik at tubig. Ano? Anong nangyari dito?

Dahan-dahan akong naglakad at pinulot ang mga iyon, ang mga damit na ito ay ang mga binili saaking ni mama at papa. Ngunit sumiklab ang galit ko at nararamdaman ng makita ang kalagayan ng mga iyon. Ang mga damit ko ay punit-punit, halatang sinadyang sirain.

Napaluhod ako at humikbi na lamang.

"Anong? A-anong ginawa n'yo sa mga g-gamit k-ko?"

Close To You (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora