Chapter 4

43 4 10
                                    

Hi my Zalient! (if there is any). It's been a while, I hope you're all doing well. Stay at home and keep safe. -rizzalient

Chapter 4

I treasured them, dahil ibinigay iyon saakin nila mama noong mga panahong okay pa ang lahat, noong mga panahong naririto parin si papa. Naiiyak ako habang tinitignan ang mga punit kong damit parang basahan at hindi na mapapakinabangan pa.

Sa kalagitnaan ng pag-iiyak ko ay narinig ko ang hagikhikan nila Emelyn at Emily kaya nilingon ko sila. They were laughing while looking at me, hopeless.

"Katrina." Lumapit saakin si Emelyn habang nasa likod n'ya ang kanyang mga kamay at may pag-iinsulto ang sumisilay na ngiti sa kanyang mga labi. "Nagustuhan mo ba ang munting handog namin sa'yo?" Munting handog! Munting handog ba ito? Nakakainsulto, nakakairita!

"Sino kayo para pakialaman ang mga gamit ko? Lalo na ang mga damit na ito?" Tumayo ako at galit na hinarap sila. Muling tumulo ang luha ko at pinagmasdan ang mga damit, "Lalo na ang sirain ang mga yan." Ibinalik ko ang paningin sa kanila, wala sa kanilang nagsalita at pinag masdan lamang ako na umiyak, "Sagutin n'yo ako! Nasaan ang karapatan n'yo na pakialaman ang mga yan!" nangibabaw ang sigaw ko sa buong silid, at sigurado akong narinig iyon ng kung sino man ang nasa labas lalo na at bukas ang pinto.

"Bat ka sumisigaw?" si Emily. "Dahil maski sumigaw ka ay hindi na yan maibabalik pa." Kalmado n'yang sinabi, habang si Emelyn naman ay isinara ang pinto.

"At wag kanang magsumbong Katrina, hindi ka naman papaniwalaan ni Mama." si Emelyn na kakaharap lang pakatapos maisara ang pinto.

"Talaga? Paano kapag nakita nila mismo ang mga ito?"

"Go, tell her, magsumbong ka!" Pinanlakihan ako ni Emily ng kanyang mga mata na para bang nanghahamon. Kinagat ko ang mga labi ko at nagpipigil ng hikbi habang masama silang tinitignan.

Pinunasan ko ang aking mukha at nilampasan sila, bubuksan ko na sana ang pinto ng may humablot sa aking buhok, at sinabunutan ako.

"Aray! Ano ba!" Nagpumiglas ako sa pang sasabunot ni Emelyn saakin habang hinawakan naman ni Emily ang dalawa kong kamay.

"At talagang magsusumbong ka? Hah?!" Mas malakas sila saakin dahil pinagtutulongan nila ako, mas malakas sila kaysa saakin dahil dalawa sila. "Sumbongera!"

"Ako pa ngayon ang sombongera? Talaga ba Emelyn? Legit?" Ngumisi ako ng nakakaluko sa kanya pero hinawakan n'ya ako sa panga, na parang ang laki-laki n'ya, wow! Akala mo naman malaki, matatanggap ko pa sana kong si Emily, dahil siguradong malaki.

"At talagang magsusumbong kana man?"

"Oh? Bat natatakot ka? Malakas ka kay mama diba?" Umiling sya saakin at mas lalong idiniin ang mga kuko n'ya sa pisnge ko.

"Pero nand'yan ang papansin mong lola, kaya malamang kakampihan ka n'yan!" nang gigigil s'ya saakin dahil nararamdaman ko iyon sa paraan ng paghawak n'ya saakin. Masakit.

"Ngayon pa ba kayo matatakot?" malakas kong inapakan ang paa ni Emily, napatili s'ya kasabay ng pagbitaw n'ya saakin, naitulak ko naman si Emelyn kaya natumba s'ya sa kama na nasa likod n'ya.

Mabilis akong tumakbo papalabas ng silid at dali-daling hinanap sina Mama at Lola, ayaw kong ako ang palaging magiging adgrabyado sa pamamahay na to kaya kailangan ko rin naman magsalita at ipagtanggol ang sarili kahit na hindi naman sila nakikinig saakin. Wala sila sa sala maging sa kusina kaya kinakabahan ako na baka umuwi na si lola, sya lang naman ang makikinig saakin eh, s'ya lang naman ang inaasahan kong makakapagtanggol saakin mula sa mga kapatid ko,

"Lola?" Naiiyak kong tawag sa kanya, "Laaa?"

Papalapit na ako sa garden ng may humablot sa mga braso ko, at mahigpit na yumakap saakin, nangunot ang noo ko sa biglaang pagyakap pero hindi parin mawala sa isip ko kun nasaan na sila Lola ang ang tangka kong pagsusumbong.

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now