Chapter 27

11 1 0
                                    

Chapter 27

Nang marating namin ang bar na sinasabi nila ay agad kaming kumuha ng pwesto malapit sa dance floor. Medyo kalmado pa ang buong bar at hindi pa lasing ang mga costumer kaya naging kampante ako. Sa pananatili ko dito sa manila ng ilang taon ay hindi na ito ang unang beses akong napunta dito kasama sila. Nasaksihan ko kung gaano ka-wild ang mga tao at kung paano malasing.

Wala sa plano ko ang maglasing o kaya ang makipag-sayawan sa kung kanino dito pero kung ang mga kasama ko ay ang mga kaibigan kong ito ay wala akong magagawa kundi ang pakisamahan sila.

"Mag-order lang kami ng inumin." paalam ni Jeth at Christine. Naupo lang ako sa tabi ni Charbhel habang may katext s'ya. Tahimik na inilibot ko ang paningin, pamilyar ang ilan sa akin dito dahil nakikita ko sila sa school. Siguro nandito rin sila para magcelebrate ng pagtatapos ng isa na namang taon sa college.

Nang makabalik si Jeth at Christine ay nagsimula na silang mag-inuman. Hinawakan ko lang ang basong may laman na alak at tinitignan iyon.

"Wala kang balak inumin 'yan?" Bulong sa akin ni Marco, ngumiti lang ako at unti-unti iyong ininum. Nang maubos ko ay nilagyan muli ni Marco ang baso ko. Nakita kong tumayo na si Christine at Jelay pati si Nadine papuntang dance floor. Gusto kong tamaan ako ng alak para magkaroon ng lakas ng loob na makipagsabayan sa kanila. Kaya sa bawat lagay ni Marco sa baso ko ay nilalagok ko iyon. At ng maramdaman ko ang hilo ay sinimulan kong kalmahin ang aking sarili.

Nang maging maayos ang paningin ko, nilapag ko ang baso sa mesa at tumayo. Tinignan ako ni Charbhel, tumayo din s'ya kasabay si Jeth at Marco. Masyadong naparami ang nainom ko ata kaya hindi ko na makontrol ang sarili ko. Inalalayan ako ni Marco kaya kumapit ako sa braso n'ya.

We strated swaying our body along with the sweet song. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at ipinikit ang mga mata, at pinapakinggan ang kanta. Naramdaman ko na may humahawak sa baywang ko kaya napamulat ako ng mga mata at mas inigihan ang pagsasayaw. Nararamdaman ko na nagiging sexual ang paghawak n'ya sa katawan ko kaya hinarap ko s'ya, hindi na ako nagulat ng si Marco ang sumalubong sa akin at nakangiting tinignan ako, ibinababa ko ang kamay ko at bumagsak iyon sa balikat n'ya. Mas lumapit pa s'ya saakin kaya nagkadikit ang katawan namin, bumaba ang mukha n'ya sa balikat ko at ang kamay n'ya ay nasa lantad kong likod. Lasing ako pero I know what's happening. Tumigil ako sa pagsasayaw at humiwalay sa kanya, natataka n'ya akong tinignan.

"Katrina," Tawag n'ya sa akin ng talikuran n'ya ako, tinuro ko ang C.R. kaya hindi na s'ya nagsalita. Alam kong may lihim na pagtingin sa akin si Marco kaya hindi na ako nagulat kung bakit napaka-touchy n'ya sa akin pero hindi ako komportable.

Nahihilo akong naglakad, may mga nadadaanan akong VIP tables pero hindi ko na pinagtuonan ng pansin. May mga nakakasalubong ako na nabunggo ko kaya mas binilisan ko ang lakad pero nahihilo talaga ako kaya tumigil muna ako sa tabi at humawak sa malapit na upuan at hinilot ang sintido. Huminga ako ng malalim at hinanap ang malapit na CR ng makita ay muli akong naglakad papunta doon.

"Damn it." Bulong ko ng maramdaman ulit ang kirot sa sintido. Nang makapasok sa CR ay inayos ko ang sarili sa salamin, okay pa naman ang itsura ko medyo magulo lang ang buhok at may kaunting pawis.

Ako nalang ang nasa loob ng CR pero hindi parin kumakalma ang katawan ko, nahihilo, naiinitan at naiingayan sa labas kaya mas ginusto kong dito nalang manatili muna. Nasapak ko pa ang sarili ng maalala na wala akong dalang ibang gamit kahit cellphone ay naiwan ko sa bahay kaya sina Charbhel ang pag-asa ko para makauwi.

Nasa gitna ako ng lababa kaya ng narinig kong may bumukas ng pinto ay tumabi ako para bigyan s'ya ng space. Nakapit parin ako at hinihilot ang sintido.

"It's nice to see you again after years." I suddenly stop from massaging my forehead, nangunot ang noo ko sa familiar na boses kaya wala sa sariling hinarap ko iyon. At ganoon na lang ang gulat na nanalantay sa akin ng makita ang lalaking nakatayo sa harap ko. Am I dreaming or what? Namamalikmata lang ba ang dahil sa kalasingan?

Tumulo ang luha ko, pinaglalaruan na naman ako ng damdamin ko, Tinapik ko ng mahina ang mukha ko hanggang sa lumakas na iyon. Naramdaman ko nalang ng hinawakan n'ya ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko sa sarili ko.

Ang makita s'ya ngayon ang nagpatunay na wala pa rin pinagbago sa lahat, lunod pa rin ako at nahihirapan umahon.

Hindi ako nagsalita at umiyak lang ng umiyak, he was just there watching me. "Masaya ka ba habang sumasayaw doon?" Tumingin ako sa kanya, his eyes is in blood shot, lasing din siguro s'ya. Nakita n'ya ba kami ni Marco kanina? Sinundan n'ya ba ako dito o hinahanap n'ya ang girlfriend n'ya, si Joana?

Humarap ako sa lababo at humilamos ng mukha, mabuti na lang hindi naman makapal ang make-up na nilagay nila sa mukha ko kaya natanggal naman agad. Ang may buhay na mukha ko kanina ay biglang nawala at naging maputla. Huminga ako ng malalim at tinipon ang magulo kong buhok at pilit na itinali iyon pero nagulat ako ng tanggalin n'yang muli ang pagkakatali.

"What the heck?!" Sigaw ko sa kanya.

"You're back is too expose, Katrina!"

"Ano naman sa'yo? Eh naiinitan ako eh." Pabalang kong sagot. He gritted his teeth at masamang tumingin sa akin. Kinuha ko ang tali sa kamay n'ya at inirapan s'ya. Muli ko iyon itinali, pero naiinitan talaga ako.

Nilampasan ko s'ya para sana lumabas pero hinawakan n'ya ako sa braso at isinandal sa pinto.

"No!" matigas ang boses n'ya at may tinig ng otoridad. Tinulak ko s'ya pero mas lumapit pa s'ya sa akin.

"Kuya Shan--"

"Fuck! Stop calling me Kuya, you're now in legal age Katrina." Napalunok ako

"Still, you're older than--" I was stopped by the sudden kiss. Nanlaki ang mga mata ko naramdaman ko ulit na tinanggal n'ya ang pagkakatali ng buhok ko at inayos iyon habang nasa labi ko parin ang mga labi n'ya.

Nang humiwalay s'ya ay hindi ako nagsalita at tumulo nalang ang luha habang tinitignan s'ya sa mga mata, mga mata n'yang walang pagsisisi ng halikan ako.

"Saan ka humugot ng lakas ng loob para halikan ako?" 

Close To You (COMPLETED)Where stories live. Discover now